Kabanata 13

1.3K 61 3
                                    

KABANATA 13

"Sino sa inyong mga putang-ina ang nanakit kay Aya?!" Asik ng hari.

"Whoa, hold up, De Jesus. You're barking at the wrong tree here," anas ni Drake.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa isang demonyong katulad mo?" Sagot ni Ren.

"E, gago ka pala—"

Mabilis na inawat ng kambal ang dalawa. Agad ko namang inalis ang sarili sa pagkakayakap ni Ren at saka pumagitna.

"Tumigil nga kayo!" I yelled, stopping Drake on his track. He straightened his back before putting his hands inside his pockets.

"You're lucky my kitten's here. Masyado akong natuwa sa palabas kanina kaya hindi kita papatulan ngayon," sabi pa nito bago ako binalingan at kinindatan.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nilapitan ang magkapatid.

"Salamat sa pagtulong kanina, Kou, Kai. Pasensiya na at nadamay ko pa kayo," sabi ko rito.

"Are you going with that person again, Aya-san? He's more dangerous now than the last time we saw him," may pag-aalalang tugon ni Kai, his eyes were fixed on the King's direction.

Sinundan ko iyon ng tingin at nakitang nakikipagtagisan ito sa aking kausap. Umiling ako bago sila ibinalik sa kambal ang aking atensiyon.

"Don't mind him. Ako na lang bahala sa isang iyon," I said.

"But Aya-chan, isn't it convenient if we take you home instead? Baka mahulog ka pa sa daan kapag sa kanya ka sumama," pag-aalala ni Kou.

Bigla kong naalalang iniiwasan ko nga pala ang isang iyon.

"At sinong may sabing sasama ako sa kanya?" I said, too sharply, "I can always call Gene to come and get me," mabilis kong dinagdag nang mapansing ipipilit nito ang naunang mungkahi. Ayoko na silang abalahin pa. Kamuntik na nga silang mapahamak kanina nang dahil sa akin.

"Arianne?"

Nilingon ko ang tumawag at natagpuan iyong nasa tabi ko na. He was eyeing Ren with curiousity.

"Who is that boy? An acquaintance? Ngayon ko lang yata siya nakita," tanong nito matapos ibaling sa akin ang kanyang paningin. Marahil iniisip na isa ring anak ng imperyo si Ren.

"Uh..." Muli kong nilingon ang haring nakahalukipkip na ngayon at panay pa rin ang pagbibigay ng masasamang tingin sa mga lalaking kasalukuyang nakapalibot sa akin.

Paano ko ba siya ipapakila? Kaibigan? Pero magkaaway kami ngayon, hindi ba?

Nang magtama ang aming paningin, mabilis ko siyang sinimangutan bago binalikan ang kaing kausap, "Isang kakilala," tipid kong sagot.

May sasabihin pa sana ito nang bigla siyang tinawag ng kasamang babae.

"We've rounded up most of delinquent students. Iyong ibang nakatakas ay kasalukuyan pang tinutugis," sabi nito.

Tumango si Himura sa ibinalita sa kanya bago ako muling hinarap.

"Am I in trouble?" I asked, worried that this might get to Gene and Mimi.

Umiling ito at saka ngumiti.

"Don't worry, Arianne. What happened was self-defense on your part. Pero kailangang managot ang mga taong nagsimula nito," he said as his hands gently touched the side of my cheek, "I'll make sure they'll be punished for what they did to you."

"It's okay, Himura. I—" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla na lang akong hinila palayo roon, "What the—" Aangal na sana ako nang makita ang pulang-pulang mukha ni Ren na nakatingin lamang sa kanyang harapan, hindi tumitigil sa paglalakad at paghila sa akin.

Paper PlanesKde žijí příběhy. Začni objevovat