Kabanata 4

1.8K 68 4
                                    

KABANATA 4

Hindi na naman ako nakatulog kagabi. Muli na naman akong binisita ng mga bangungot. I yawned for the nth time as I made my way to first period.

"Had a rough night, Moritake?" Biglang may nagtanong.

Nang aking lingunin, isang singkit na lalaki na may katamtamang tangkad ang matamis na nakangiti sa akin. I recognized him as one of the males in our class.

"Me too. I was up till morning playing the new zombie series," utas pa nito kahit hindi ko pa nasasagot ang nauna niyang tanong.

Uh, what's his name again? Uytico, was it?

"Naglalaro ka rin pala, Moritake?" Biglang may isa na namang sumulpot sa kabilang gilid ko. He had braces and was wearing colored lenses.

"Hey, I am talking to her," sabi sa kanya noong nauna.

"So? I am talking to her as well!" Sagot naman noong kabila.

"Good morning, Moritake!" Bati naman ng ibang sumalubong sa akin.

Kumunot ang noo ko nang matapos ang ilang sandali ay natanto kong hindi na ako makausad dahil pinaliligiran na ako ng mga ito. Nagsisimula nang mag-away iyong iba habang ang ilan naman ay naghihilaan para makatabi.

"Sumimasen..." I said as I tried to make my way through them.

"Sandali, Moritake, ako na ang magdadala ng bag mo!"

"Anong ikaw? Ako!"

"Sasamahan na kita, Moritake!"

"Ako ang maghahatid sa kanya sa classroom!"

"Moritake, pwede bang mahingi ang number mo?"

Mabilis akong tumakbo nang makahanap ng pagkakataong makatakas. When they saw this, they immediately followed behind me. Shit!

I was blindly running when strong arms suddenly grabbed me and hid me inside a dark room. Bigla akong kinabahan nang maalala iyong panganib na natukoy ni Gene kagabi. Agad akong pumiglas para makatakas pero masyadong malakas ang pagkakaakap nito sa aking mga braso. Aapakan ko na sana ang paa nito nang bigla itong bumulong at agad na natunaw ang mga tuhod ko nang makilala ang nagmamay-ari nito.

"Huwag kang masyadong gumalaw," he said in a strained voice.

Kaagad akong napatigil. But being alone with him inside this darkness was very unnerving. My senses were instantly heightened. I could smell his aftershave. His hot breath tickled my ear that made my hair stood on end. I could feel the loud thumping of his heart against his sculpted chest. Or was it mine?

"Wala na yata sila," he whispered and I could only swallow my whimper when I felt his lips slightly brushed the side of my ear.

Nang maramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya, agad akong lumayo at saka humarap. Ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng aking puso habang pinagmamasdan ang bulto nito. Kahit sa dilim, kita pa rin ang simangot sa kanyang mukha.

Shit, Ayana, calm down!

"Ganito ba lagi sa klase niyo?"

Natigilan ako nang mahimigan ang inis sa tono nito. Ilang beses akong kumurap bago nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Hindi naman ganito kahapon. But it's my second day in class so I don't know yet... I hope not," sagot ko.

Mas lalong lumalim ang kunot nito sa noo sa aking isinagot. Pagkatapos ay huminga ito nang malalim. Bahagya akong nalungkot nang lumapit ito sa pintuan. Akala ko hanggang doon na lang ang pag-uusap namin pero bigla itong bumaling sa akin at pinitik ang noo ko.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now