Kabanata 49

1.1K 64 9
                                    

KABANATA 49


"Daiki-sama..." Halos pabulong kong tugon at agad yumuko para magbigay ng galang.

Tama ba ang narinig ko kanina? Tinawag niya akong Kurozawa Ayana... Ginagap ko sina Gene at ilang beses pang napakurap nang mapansin ang iilan pang mga panauhing hindi ko inasahang paparito. Nahanap ko ang aking mga magulang at natagpuan silang may pag-aalalang nakatanaw sa akin.

"Ohisashiburi desu ne?"

Muli akong napabaling sa aking harapan nang magsalita uli ang Supreme Master Beta.

"A, hai. Ohisashiburi desu," magalang kong sagot habang manaka-nakang tinitingnan ang puwesto nina Gene.

"My, you grow more and more beautiful each time I see you," puna niya matapos padarang na binuksan ang kanyang asul na pamaypay at marahang pinaypayan ang sarili.

"Arigatou..."

"And you're turning fifteen in two days... Wala man lang akong natanggap na paanyaya," he slowly turned his head to Gene's direction, with critical eyes, "Matanda na ako at madali na lang manlumo..."

Pinigilan ko ang pagkunot ng aking noo sa kakaibang sitwasyong nakahain ngayon.

"You must be wondering why we're suddenly here right now..."

Matapang ko siyang tinitigan sa mga mata at saka maingat na tumango. Ngumisi ito at ilang beses pang pinaypayan ang sarili bago iyon isinarado.

"I want to make a proposal to you, Kurozawa Ayana," mariin niyang bigkas nang hindi nawawala ang tila banayad ngunit lihim na makamandag niyang ngiti, "Now this proposal, should you accept it, would fully return this family's life to its former glory," he said, spreading his arm, pointing out Gene's entire home.

Binalingan ko ang puwesto nina Gene. Bakas sa kanyang mukha ang inis at kagustuhang magsalita ngunit napipilitan lang na manahimik dahil sa nakasanayang tradisyon— never talk back to a Grand Master. Bukod doon, naririto rin si Dice na sigurado akong handa siyang supalpalin kung saka-sakaling hindi niya mapigilang magsalita.

"What is your proposal, Daiki-sama?" Matapang kong tanong matapos kong ibalik sa kanya ang aking paningin.

Ilang saglit muna siyang tumahimik at pinagmasdan lamang ako, tila naninibago sa nakikita.

"I will return you and Yuujin's family back to our crest— titles, names, every privilege but..." he paused as I let my heart raced at the thought of Gene's reinstatement to his title.

The Supreme Master Beta walked closer towards me, still smiling as he drew his fan and pointed it towards the hollow of my neck.

"You will marry someone from the alliance as tribute to the empire."

Dumagundong sa takot ang puso ko sa narinig.

"This is outrageous! I will not allow you to use my daughter to appease the alliance! Pinaalis na kami ng Supreme Alpha sa imperyo kaya wala na kaming obligasyong—"

"Yuujin!" Pagpuputuol ni Dice sa sasabihin pa sana ng anak.

Hindi naman natinag ang Supreme Master sa mga narinig mula sa kanyang panganay na apo. Binalingan niya iyon at tila bagot na sinagot.

"I am not forcing Kurozawa Ayana to do anything against her will, Kurozawa Yuujin. I am simply giving her a choice that, should she wish to accept, would make your lives more..." he paused as he roamed his eyes around, "...comfortable."

Paper PlanesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang