Kabanata 31

1.2K 57 10
                                    

A/N: Otanjoubi omedetou gozaimasu Lena! <3 <3 <3

KABANATA 31

"Grabe, Aya, ang laki talaga ng iginanda mo!" Cecil exclaimed for the nth time.

Katatapos lang naming mananghalian sa sandbar at kasalukuyang nakalutang sa dagat. She's been staring at my face since when saw each other. Lagi siyang napapatulala habang tinitignan ako at pagkatapos ay bubulalas ng tulad noon, as if the changes in my physique over the last few months were truly that remarkble. Para sa akin kasi, wala naman talagang nagbago.

"Kanina mo pa iyan sinasabi, Cecil. Wala namang pinagbago," sabi ko habang pinaglalaruan ang tubig sa pagitan namin.

"Anong wala? E, ano ang mga ito?" Anito tapos ay bigla na lang nitong inabot gamit ang dalawang kamay ang aking dibdib.

Agad akong napaigik sa ganyang ginawa at mabilis na lumayo. I quickly placed my arms over my chest and showed her a frown. Tinawanan niya lang ang aking naging reaksyon.

"Cecil naman..." Anas ko bago bahagya siyang sinabuyan ng tubig.

"O? Sabi mo walang nagbago. Dati wala pa ang mga iyan, ha? Para ngang sasali ka sa 'Dat's my Tomboy' noon, e! Ngayon?" She paused for a while as her eyes roamed around my face once again, "Hindi mo na maikakailang babae ka ngang talaga..."

Uminit ang magkabilang pisngi ko sa sinabi nito lalo na't bumabalik sa akin iyong mga panahong hindi pa nila alam ang tunay kong kasarian.

Muli akong napaatras nang kaunti nang bigla itong lumapit sa akin, nakangisi at tila may binabalik na namang kapilyahan.

"Magsabi ka nga..." She started, a big grin on her lips, "Kayo na ni Ren, ano?" Tanong nito habang tinataas-baba ang kilay.

"H-ha? H-hindi a! M-magkaibigan lang kami, ano!" Nauutal kong sagot.

"Sus, ayaw pang aminin!"

Sigurado akong pulang-pula na ngayon ang aking mukha. At hindi iyon dahil sa init ng araw!

"Hindi nga!" I insisted.

"Hmm?" She moved forward and instintively, I moved just a bit away from her unconvinced smirk, "E, ano iyong naririnig kong palaging pagpunta ni Ren sa inyo? Kinakausap ang mga magulang mo. Tinuturuan pa ang mga kapatid mo. Tapos nagdadala ng mga pagkain... Hmm?"

Bahagyang kumunot ang noo ko sa kung anong nasa tono nito.

"Wala namang malisya roon. Gusto niya lang bumawi kay Gene, I mean, sa Papa ko dahil hindi agad ako nakapagpaalam nang pinuntahan ko siya noong nagkasakit siya," paliwanag ko, "At saka paano mo namang nasabing kami, e, hindi niya naman ako gusto sa ganoong paraan. He only sees me like a sibling, a family... Iyon lang iyon," dagdag ko pa habang pinaglalaruan ang mumunting along ginagawa ko sa aking harapan.

"Hmm... so ibig sabihin gusto mo nga siya sa ganoong paraan? Na crush mo nga siya? Kahit noon pa? At naiinis ka kasi sibling-zoned ka lang sa kanya?"

Mabilis kong ibinalik ang paningin sa kausap na kaagad namang natawa sa pinakita kong reaksyon.

"Cecil naman! Kanina mo pa ako inaapi..." Angal ko bago siya muling sinabuyan ng tubig.

"Sorry naman..." Tawang-tawa pa rin siya habang iniiwasan ang mga pagsaboy ko, "Ang cute-cute mo kasi tuwing namumula iyang mukha mo," sabi pa nito.

"Cute pala ha..." Anas ko at ilang magkasunud-sunod na saboy ang binigay ko sa kanya.

Panay ang ilag niya ngunit natatamaan pa rin habang tumitili at tumatawa. Ilang sandali ay natigil din kami, parehong hinihingal sa ginawa.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now