Kabanata 42

1K 57 8
                                    

A/N: Kung hei fat choi! 🎉🐷🎉

KABANATA 42


"Sorry po," paulit-ulit kong usal sa mga taong nasasagi ko habang bulag na tumatakbo. I didn't care where I was heading as long as I got as far away as possible from that person.

Hindi ko alam kung bakit siya narito o kung paano niya ako nahanap. Akala ko talaga kaya ko na. Matagal na rin kasi noong huli akong binangungot ng mga alaala ng nakaraan. I was even fine the last time Gene and I talked about him. I thought I was beginning to accept this part of my reality. But her sudden apprearance made me realize how very wrong I was. Hindi pa pala ako handang makaharap siya.

'Princess, meet my future Queen-- Ana.'

Mariin kong ipinikit ang mga mata upang mawaksi ang naalala lalo pa't kasama noon ang masidhing pagkuyom ng aking dibdib. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo na parang sa paraan lang iyon ako makakatakas sa mga alaala. Ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang napatigil dahil sa marahas na pagkakahila ng aking braso. Tumama ako sa isang matigas na bagay. Kasunod noon ang isang matagal at matinis na tunog ng busina.

"Hoy, tanga! Tumingin ka sa dinaraanan mo!" Sigaw ng nagmamaneho noong sasakyang kaagad ding umalis.

"Pit Senyor din sa iyo, Gago!"

Agad akong napamulat at lumayo nang makilala ang boses ng sumagip sa akin. My shocked blue ones immediately found his raging greens.

"Magpapakamatay ka ba? Bakit ka tumatakbo nang nakapikit? Ano iyon? Trip mo lang?" Hindi man nakasigaw, ramdam ko pa rin ang diin at bigat ng bawat salita. Nakakuyom ang kanyang panga at bahagyang nanginginig ang kamay na nakahawak sa akin.

I opened my mouth to say something but my words were drowned by the passing images of that particular night: the pouring rain, the silent highway, the sound of the horns of the racing truck, the blinding light, and then the screams. Ramdam ko ang pagkapal ng aking lalamunan. Lalo ring bumilis ang tibok ng puso ko.

Unti-unting napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Ren nang mapansin ang aking hitsura. When he was about to say something, inunahan ko na.

He doesn't need to know what I've done! He'd hate me for sure!

"I... I..." I croaked and tried to clear my throat, "I was in a h-hurry kasi m-marami pang naghahanap ng maiinom, e. Ubos na nga agad itong dala ko, o! Pang-apat ko na sanang balik ito," I smiled awkwardly as I showed him the empty container.

Hindi ko na naisip ang mga laman nito basta makalayo lang ako kaagad sa taong iyon. Tumilapon siguro ang mga iyon noong tumakbo ako. Bahala na. Babayaran ko na lang iyong mga natapon.

Ren groaned at my explanation. Hindi man niya tanggap pero pinaniwalaan pa rin. Unti-unting kumalma ang puso ko sa kaalamang iyon.

"Kanina pa kaya kita hinahanap. Hindi ba sinabihan kita kung saan ka lang puwedeng magbenta? Tinakbuhan mo ako!" Anito, bakas ang inis sa kanyang mukha.

I bit my lip when I remembered the reason why I ran from him. Kung nakinig
lang sana ako sa kanya, hindi sana kami nagtagpo ng taong iyon.

Nagbuntong siya ng hininga bago ako marahang hinila at kinuha ang dala kong lalagyan.

"Bumalik na tayo. Huli mo na iyon," sabi niya pa nang hindi ako nakasagot.

"But—" Aangal pa sana ako nang muli siyang magsalita.

"Hayaan na lang natin sina Jepoy na tumapos ng pagbebenta. Malapit na rin namang matapos ang mga iyon kasi konti na lang ang natitirang tinda."

Tahimik naman akong tumango matapos mag-iwas ng tingin. Siguro nga ay mas mabuti iyon at baka muli na naman kaming magtagpo ng taong iyon.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now