Kabanata 8

1.3K 74 17
                                    

KABANATA 8

Dumaan ang ilang araw at hindi ko na muling nakita si Ren. Hindi na rin siya sumasagot sa mga texts ko.

Tumatambay kami ngayon sa isang bench malapit sa building ng College of Engineering. Panay pa rin ang kwento ni Melissa tungkol sa palitan ng texts nila ni Ren. I bit my lip as I felt jealousy slowly carving in the depths of my heart.

"Hindi ko alam na may banda pala siya? He invited me to watch him perform one of these days," she proudly declared and I felt another invisible pang hit me in the chest.

"Oh my gosh! Is that it, Mel? The start of something new?" Kilig na kilig na utas ni Zoey.

Another pang.

"Pakiramdam ko nagkakagusto na siya sa iyo," sabi pa ni Lauren.

And another.

"Ako rin, Sis. Ramdam ko malapit mo na siyang mapasaiyo," sang-ayon pa ni Cindy.

Nag-iwas ako ng tingin habang iniinom ang aking iced tea. Pilit na nilulunok ang kumakapal na bara sa aking lalamunan.

"How about you, Yana?"

I almost spilled my drink when Desiree called me.

"Yes?"

"Do you think he's falling for her already?" Tanong nito, her stares were carefully calculating my reaction.

"Um... It's hard to say... Hindi ko naman alam kung anong tumatakbo sa isipan noon," sagot ko habang sinisilip kung may mensahe na ako galing sa taong iyon.

Wala. Muli kong nilunok ang umaambang lungkot.

"But you may have an idea, right? You've been friends for so long after all," she said, pushing me to spill the supposed beans they wanted to hear.

Umiling ako.

"Hindi dahil matagal na kaming magkaibigan ay sinasabi na namin sa isa't isa ang lahat ng aming iniisip."

Tumango lang ito sa aking sinagot bago bumalik sa kanilang pag-uusap. Ganoon na lang ang gulat ko nang biglang tumayo si Melissa at hinarap ang kung sinumang nasa likod ko.

"Hi, Ren!"

"Hi, Mel!"

Salitang gumapang sa aking sistema ang init at lamig nang marinig ang matagal-tagal ko na ring hindi naririnig na boses. For some reason, hindi ko siya kayang lingunin. Natatakot ako sa kung anong makikita ko sa mga mata nito.

"May gig kami mamaya. Baka gusto mong manuod?" Narinig kong tanong ng haring nakatayo sa aking tabi.

Agad namang nagsitilihan ang aking mga kasama habang ako nama'y nanlalanta sa aking upuan. Hindi ko na narinig kung anong isinagot ng aking kaibigan.

He invited her. Ni hindi man lang niya ako pinansin. I bitterly thought.

I gathered what's left of my courage and tried to take a peek of him. Nakangiti ito habang nakatingin sa harapan, sa aking kaibigan.

He must really like her, then. I thought as that cold feeling spread throughout my system like wildfire. Ano naman iyon sa akin kung sakaling totoo nga? He can like whoever he wants!

I held back my gasp when he suddenly looked down. His green eyes were cold as he raised a brow at me. It's like he's telling me that he hasn't forgiven me for breaking my words. Kaagad niyang ibinalik ang paningin sa harapan at muli itong pinakitaan ng isang matamis na ngiti.

"Hintayin mo ako sa may gate mamaya. Sabay na lang tayo papunta sa venue."

A stronger pang hit me in the gut that I almost couldn't breathe. Hindi ko na nasundan pa ang sumunod na mga nangyari. Tuluyan na ako nawalan ng lakas para sundan pa ang mga pinag-uusapan nila at itinuon na lang ang atensiyon sa aking cellphone. I was contemplating if I should throw it away. But then I remembered the reason Gene gave me this device was so we could easily communicate one another. I sighed as I tucked my phone away.

Paper PlanesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant