Kabanata 40

1.2K 55 12
                                    

KABANATA 40


Tama nga ang sabi nilang mas tumutulin ang takbo ng oras kapag ikaw ay masaya. We spent our Christmas and New Years with Reign and his gang. The twins were very fond of the Polvoron Boys though Gene had frequent headaches for the obvious reasons. The holidays went by and they were definitely noisier and crazier this year but I would rather have this over last year's.

It's the 31st of January and the whole Asteria's bursting in colors and festivities. Ngayon kasi dadausin ng Lungsod ang Sinulog at katulad ng mga nagdaang taon, dinadagsa ito ng mga dayuhan lalong-lalo na ng mga taong konektado sa imperyo.

"Miyu, bilis, at baka hindi na natin maabutan iyong prosesyon!"

"Chotto... Kailangan ba talaga nating tingnan nang malapitan ang prosesyon? We could have just stayed put at our designated stand, you know? It's more convenient and safer that way," my bestfriend ranted but was still following my lead.

Saglit ko siyang nilingon para simangutan.

"And endure your brother's annoying presence? No way!"

Nakabalik na noong nakaraang linggo sina Kira mula sa kanilang intership sa America. Tuwang-tuwa nga ang kambal nang uwian niya ang mga ito nang maraming pasalubong. At sangkatutak na pagsusungit naman ang binigay niya sa akin. Kahit na ganoon, masaya pa rin akong nakauwi na siya. Iyon nga lang, ang kaakibat ng pag-uwi niya ay ang pag-uwi rin ng demonyong Drake.

Miyu sighed at my remark.

"And besides, we'd be missing the whole point of the celebration if we just stay in one place. Parte din naman ng selebrasyon ang pakikipagsapalaran natin sa dagat ng mga tao!" Sabi ko pa matapos siyang talikuran para bumalik sa paglalakad.

"Tss. If I didn't know any better, I'd say you sincerely and whole-heartily enjoy cultural festivals such as this and not just making excuses to find and be with that green-eyed boy of yours."

"What--"

"Pit Senyor!" Biglang may nagpahid ng pinta sa pisngi.

"Well, speaking of the devil," narinig kong turan ni Miyu habang inaayos ang bahagyang tumabingi niyang eyeglasses.

Nilingon ko ang kanyang tinutukoy at halos mapasinghap nang bumungad ang nakangising Ren.

"Uy, ikaw lang pala iyan! Akala ko kung sino..." Sabi ko na lang sa kabila ng kaba.

Ewan ko ba! Matapos ng gabing iyon, lumala pa yata ang paghuhurumintado ng puso ko sa tuwing nakikita siya. Palagi ko naman siyang nakikita at nakakasama ngunit hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako nasasanay.

Bigla na lang nawala ang ngisi nito.

"Anong ako lang pala? Bakit? Are you expecting someone else?" Saglit pa nitong dinungaw si Miyu, "May kikitain kayo? Sino? Lalaki ba iyan? Iyong mga kaklase mong kambal? Sino?" Sunud-sunod nitong tanong.

Hindi pa nga nakakarecover iyong puso ko sa biglaan niyang pagpapakita, ito na naman at muling nagwawala dahil sa tindi ng kanyang mga titig, kahit na parang nang-aakusa pa ang mga iyon.

Marahas na nagbitiw ng hininga si Miyu dahilan kung bakit sabay kaming napabaling sa puwesto niya.

"Pupunta na lang ako sa stands, Aya. Hindi ko talaga kaya ang maglakad at makipagkompetensiya sa mga tao para makadaan. Ang init pa," anito habang pinapaypayan ang sarili.

Bahagya naman akong nalungkot sa narinig. Totoo mang gusto kong hanapin ang grupo nina Ren, ngunit gusto ko ring maranasang makasama si Miyu sa kapistahan ng Senyor. I forgot she wasn't really used to this sort of occasion.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now