Kabanata 9

1.4K 70 5
                                    

KABANATA 9

I was putting on the final touches to my lips with a peach lipstick before leaning away from the mirror to check if everything's perfect. Muli kong tiningnan kung tama lang ba ang pagkakablend ng kulay sa mga talukap ng aking mata. Emerald green. Bigla akong binalikan ng imahe kagabi ng mga matang kapareho nitong kulay na masuyong nakatanaw sa aking mga bughaw.

Ngumuso ako nang maalala ang huli nitong bilin sa akin bago umalis.

"Akin na nga ang phone mo."

I did what I was told. He was a bit surprised when he learned that I didn't put any security lock in it. Panandalian niya pa akong binalingan nang may pagtatanong sa kanyang titig pero agad din naman iyong ibinalik sa kanyang ginagawa. Mabilis itong nagtipa at nang matapos na ay ibinalik na sa akin.

"O, huwag mo na uli ibibigay sa iba, maliwanag?"

"H-ha?" I checked what he inputted and noticed the change in his number, "Nagpalit ka ng number?"

Tumango ito.

"Tinapon ko na kanina lang iyong dati kong sim. Sa ngayon, ikaw pa lang ang nakakaalam ng bago kong numero. Baka ibigay mo na naman sa kaibigan mo?" Tanong nitong may panunuya.

Mabilis akong umiling.

"Hindi na."

"Promise?" Nagtaas pa ito ng kilay at may itinatagong ngiti sa kanyang mga labi.

Mabilis naman akong tumango. Tumawa ito sa aking reaksyon bago ginulo ang aking buhok.

"Sige, matulog ka na. Itetext kita kapag nakauwi na ako."

Muli pa nitong hinaplos ang aking pisngi. I couldn't help but bathe in the comfort of his touch. I watched as he climbed down the pipes by my window and waved him goodbye when he got in his motorcycle and drove off.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nang kunin ko iyon, nakita ko agad ang isang message notification at hindi ko napigilan ang ngumiti.

From: My Dragon King
Good morning, Aya! Kumain ka na?

Ramdam ko ang pagliparan ng mga kulisap sa aking tiyan. Mabilis naman akong nagtipa ng reply.

To: My Dragon King
Ohayou, Ren! Tapos na. Ikaw? :)

Hindi ko pa nailalapag ang cellphone nang muli itong tumunog.

From: My Dragon King
Katatapos lang. Ihahatid ka rin ba ngayon ni Milo?

I paused as I contemplated on my options. Pwede naman akong magpahatid kay Kuya Milo pero pwede ring hindi. Sinilip ko ang bintana at tinanaw ang kalangitan. It's a clear day, perfect for an early morning walk.

To: My Dragon King
Hindi. Maaga pa naman kaya maglalakad na lang ako.

Mabilis ulit ang naging sagot.

From: My Dragon King
Maglalakad? Ang layo kaya noon!

Magtitipa na sana ako ng sagot nang may dumating na bagong mensahe galing sa kanya.

From: My Dragon King
Anong oras ka aalis diyan? Sasalubungin kita sa may crossing para sabay ka na sa akin.

Ngumuso ako sa huling nabasa. Ilang ulit ko pa iyong binasa bago nagtipa ng sagot.

To: My Dragon King
Papaalis na. :)

Wala pang ilang segundo ay sumagot na ito.

From: My Dragon King
Okay. On the way na.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now