Kabanata 29

1.2K 64 10
                                    

KABANATA 29



"You what?!"

"Shhh..." Saway ko sa kaibigang halos mahulog ang suot na salamin sa gulat.

Sandali ko pang nilinga ang aming paligid at baka may nakarinig. Ganoon din ang ginawa nito bago lalong lumapit sa akin para bumulong.

"You k-k-k-issed? Are you sure?"

Hindi ko na napigilan ang pagbulusok ng dugo sa aking mga pisngi sa pag-uulit nito. I didn't think that a word, which could be translated to a simple greeting overseas, could sound this embarrassing.

"I don't know. I think. Maybe..." Nahihiya kong tugon.

"You don't know? Papaanong nangyari iyon kung hindi mo alam?"

"Shhh..." Saway ko uli nang muli na namang lumakas ang boses nito.

Papauwi na kami noon nang ikuwento ko sa kanya iyong nangyari sa loob ng silid ni Reign. Medyo napapalingon sa gawi namin ang ibang mga estudyante sa lakas ng boses ng aking matalik na kaibigan.

"Hindi ko alam... masyado kasing mabilis iyong pangyayari kaya hindi ako sigurado kung iyon ba talaga iyong nangyari..."

Miyu stared at me dumbfoundedly, like I've said the most stupid thing she had ever heard.

"What? E, ganoon nga kasi iyong nangyari... Parang dumaan lang at nadaplisan nito iyong..." Hindi ko masabi lalo na at sumasagi uli sa alaala ko iyong mabilisang pagdampi ng mainit na labi nito sa labi ko.

"Did you like it?"

"Huh?!" Isang pares na nanunuyang mga mata sa likod ng makapal na eyeglasses ang sumalubong sa akin nang aking lingunin ang katabi.

"Sinasabi mong mabilisan lang pero parang hindi mo naman yata makalimutan..." She accussed, the sides of her lips arching into a playful smirk, "Ren and Aya, sitting on a tree..."

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang kinakanta nito. Lalong dumiin ang kulay pula sa aking mga pisngi.

"Stop that..." Pagtitigil ko ritong natatawa na sa aking hitsura.

"K-I-S-S-I-N..."

"Ayana."

Pareho kaming napalingon sa tumawag.

"Gene..."

Nakapamulsa itong naghihintay sa tabi ng kanyang kotse. Madilim ang mukha at tila kararating lang mula sa kanilang opisina.

"Good afternoon po, Attorney," bati sa kanya ni Miyu nang makalapit kami.

Luminga ako at hinanap muna ang sasakyan ni Kuya Milo. Akala ko kasi ito ang magsusundo sa akin ngayon tulad ng inutos nito kanina.

"Good afternoon, Miss Sanada. I'm sorry but my daughter won't be able to play with you for a while. May mga gagawin pa kasi siya sa bahay," matigas nitong tugon kahit na nakangiti sa aking matalik na kaibigan.

"A... Ganoon po ba?" Miyu eyed me worriedly. Alam ko na ang gusto nitong alamin.

"Bukas na lang uli, Miyu," sabi ko na lang bago siya nginitian at mabilis na tinungo ang aking magulang.

"Your chauffer's waiting for you, Miss Sanada," narinig ko pang tugon ni Gene.

Muli kong binalingan ang aking kaibigang bahagya pang yumuko bago pinuntahan ang kanilang sasakyan.

"Pumasok ka na," malamig nitong usal bago umikot at nagtungo sa driver's seat.

Bumuntong ako ng hininga bago binuksan ang katabi nitong upuan.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now