Kabanata 34

1.1K 69 3
                                    

KABANATA 34

"Aya!"

Bumaling ako sa direksiyon ng tumawag at napangiti nang makita si Miyu na kumakaway.

Unang araw ng pasok ngayon pagkatapos ng dalawang linggong pahinga at ngayon lang rin kami nagkita uli. Pumunta kasi silang mag-anak sa New York para magbakasyon.

"Ohisashiburi, Miyu. Genki?" Tanong ko matapos ko siyang yakapin nang napakahigpit.

Umiling ito bago ako hinila para sa isa pang mahigpit na yapos.

"I missed you so much," she said and my heart was filled with warmth.

"I missed you, too..."

Bahagya niya akong inilayo at metikulosang pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

"You've grown taller again!" Bulalas nito sa napuna, "Your skin's paler and your hair's longer, too!"

"Sa tingin mo?" I asked as I touched the ends of my hair.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gene, nagpasya siyang pumunta kaming mag-anak sa Japan para magbakasyon. Sa loob ng linggong iyon, ilang beses naming binisita ang himlayan ni Papa. We also went to one mountain resort where we tried skiing and took a dip in their relaxing open-air hot springs. Aside from those and because we were running out of money, we pretty much stayed in at Mimi's family villa. Could there really be noticeable changes in a person over the span of just two weeks?

"Something happened while I was gone?" Lalong naningkit ang dati ng singkit niyang mga mata.

Nginisihan ko siya bago hinila para dalhin doon sa tambayan namin.

"Seriously, hindi mo pa naikuwento sa akin iyong tungkol sa pagsimba niyo ng lalaking iyon."

Heat immediately swarmed my cheeks when I remembered that part. Nag-uusap pa rin kasi kami nang madalas kahit na nasa New York pa siya at kinikuwento ko sa kanya ang mga naganap sa mga panahong iyon. At dahil nga sa nangyari noong huli, hindi ko pa nagawang ikuwento sa kanya.

"Wala namang espesyal na nangyari..." I mumbled as we took our seats on the bench.

She eyed me suspiciously.

"Totoo! Nagsimba lang talaga kami at pagkatapos ay..." I paused as I remembered the moments we had when we visited his mother's grave.

"O, anong nangyari pagkatapos? Naghalikan naman kayo?"

"Uy, hindi a!" Agad kong sagot sabay tingin sa paligid at baka may nakarinig at paniwalaan ang pang-aasar ng kaibigan.

Dahil unang araw nga, wala pang masyadong tao. Karamihan sa mga estudyante ay hindi pa nakabalik mula sa pagbabakasyon. Sa pagtitiyak kong walang taong nasa malapit, nahagip ng aking paningin ang isang lalaking naka-jacket ng kulay itim at may suot na baseball cap na nakatingin sa aming puwesto. Nang makita nitong nakatingin ako'y saka lamang siya bumaling sa ibang direksiyon.

"Jeez, can't they really be more obvious?"

"Huh?" May pagtataka kong nilingon ang kaibigan.

At first I thought she was talking about the man I saw a while ago. Maybe he's working as one of her bodyguards. But then, I saw her looking at the students passing by us instead. Binalikan ko iyong lalaki kanina at hindi na iyon natagpuan sa dating puwesto.

"Haay, mga lalaki talaga..." She sighed.

"What?" I asked as I looked around and saw some boys timidly looking at our direction, "Anong mayroon?" Tanong ko pa sa aking kaibigan.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now