Simula

6.8K 150 18
                                    

SIMULA

"Are you nervous?" Bulong ni Mimi sa akin.

Bahagya akong umiling. Ilang sandali pa akong tinitigan nito nang nakataas ang isa niyang kilay. I knew she knew how I really felt and there's no use hiding it from her. Dahan-dahan akong tumango at alam kong pinamumulahanan na naman ang mga pisngi ko.

Marahan siyang natawa sa aking reaksyon bago pinisil ang magkabila kong pisngi.

"Don't worry, my lovely Aya. You're going to be alright. I just know it," sabay kindat pa nito sa akin.

"What are you whispering about?" Halos mapatalon kami sa biglang pagsulpot ni Gene sa aming likuran.

Hindi kami sumagot at panay lamang ang titig namin ni Mimi sa isa't isa habang nangingiti.

"Ganbatte ne?" Bulong pa niya bago ako mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Hey, what was that? Tell me..." Her husband whined as she dragged him away towards their waiting car.

And there I was, unsure of what to do as I stood in front of the grand, white and gold flourished gate.

Louise Johnson University.

I pressed my partly shaking hand over my quietly thrumming chest.

Here you are, Ayana, just what Louise had planned for you... like what Rekka wanted for you. This is your empty slate, your chance to be normal. Nothing will ever scare you now.

"Witch! Little demon Arianne! We'll burn you at a stake!"

Agad kong iniling ang ulo sa naalala.

Daijoubu. Daijoubu. Everything's going to be alright.

I closed my eyes and took a deep breath to bring my bearings back. When I opened them again, I was feeling more confident. I took one step and each time I'd pinch myself a little bit just to check if this was really happening. Another big step and I was already inside.

Bumusilak ang tapang sa dibdib ko. Hinakawan ko nang mahigpit ang dalang bag at mas binilisan pa ang paglalakad. Ang puting sayang suot ko ay sumasayaw na ngayon sa hangin. Aliw na aliw ako sa aking mga nakikita nang bigla na lang akong bumangga sa isang matigas na bagay. Agad akong napaupo sa rubberized floor ng sidewalk.

"Pucha! Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?!"

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang magulong kulay tsokolateng buhok nito. Hinding hindi ko makakalimutan ang mapupusok na mga mata nito.

Ilang saglit pa itong nakipagtitigan sa akin. Mabilisan niya akong pinasadahan ng tingin. At nang nagliwanag ang kanyang mga mata, walang pasabi akong tumayo at mabilis na tumakbo palayo.

Paper PlanesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang