Chapter 4 (1/6/2015)

84.6K 2.4K 120
                                    

Chapter 4

Who would have thought that I would actually like the farm? Dati, ayaw ko talagang pumunta dito dahil nabobored ako kasi nasa ancestral house lang ako palagi. Hindi pa ako makakapunta sa manggahan at taniman kung di ako isasama kasi ayaw nila Daddy na mag isa lang ako. Kadalasan, naman pag nagyayaya sila ako ang umaayaw kasi ano naman ang gagawin ko sa bukid at sa palayan at manggahan? Mag papainit? Like duh! Ayaw kong umitim ano!

Pero simula nung pinayagan akong mag isang sumakay sa kabayo at nakakagala na ako mag isa, natutunan kong magustuhan ang place. Na aappreciate ko na ang paligid and for the first time in 15 years na pagbisita ko sa hacienda, I can say that I truly like this place dahil nakikita ko na ang iba’t ibang bahagi nito.

I was riding my horse, Lady Gaga papunta sa ilog nung may marinig akong nagtatawanan at dahil curious ako, I lead Lady Gaga to where the noise is coming from and I saw a group of teenagers na nagkakasayahan sa makeshift kubo na pahingahan ng mga nagtatrabaho sa farm. Tatlong babae sila at dalawang lalaki.

“Good Morning po Ma’am Raziel.” Nagulat pa ako nung binati nila ako sa pangalan ko. I never expected them to know my real name kasi nga hindi naman ako naggagala sa farm.

“Good morning din.” I returned the greeting at bumaba na sa horse. I find it awkward kasi na makipag usap sa kanila habang nasa taas ako ng kabayo. Pakiramdam ko nasa kapanahunan ako ng mga cowboy

“Namamasyal  po kayo Ma’am?” Tanong ng isa sa kanila.

“Yes. Pupunta sana ako sa ilog but I heard you kaya pumunta ako dito. What’s that?” Sa gitna kasi nila ay sangkatutak na sliced manggang hilaw at may parang maroon na sinasawsawan nila.

“Mangga po.”

“Hindi yan. Yang parang maroon na brown.” I pointed at the thing.

“Bagoong po Ma’am. Masarap po kasi isawsaw ang hilaw na mangga sa bagoong.” Tumaas ang kilay ko. Usually kasi ensaladang mangga ang inihahain sa amin pag andito kami sa farm.

“Really? That’s odd.”

“Tikman niyo po Ma’am. Masarap po.” Kumuha sila ng isang slice ng mangga, dip it in bagoong and handed it to me. Hindi naman ako maselan at maarte sa food kaya kinuha ko ang binigay sa akin at kinagat ang mangga.

“Masarap!” I said after I ate the whole slice. Nakita kong ngumiti silang lahat.

“Gusto niyo pa po?” Alok nila sa akin.

“Yes. Can I join you?”

“Sige po Ma’am.”

“Raziel na lang.” And I joined them after ko itali si Lady Gaga sa isang puno ng mangga.

“This is really good.” Sabi ko habang nilalantakan na ang mangga at bagoong. Sila naman, nakatingin lang sa akin na parang aliw na aliw.

“Hindi ka naman pala maarte Ma’am Raziel.” One of the girls named Anita said. Nakita ko pang siniko siya ng katabi niyang babae na si Lynette dahil siguro nahiya at yun ang tinanong sa akin ni Anita.

“Depende sa panahon. Moody kasi ako. Pero wag na kayong mahiya sa akin. Ako nga hindi nahiya na nakikain ako sa mangga niyo at bagoong. Hala! Naubos na ang bagoong!” Tumawa sila at nakitawa din ako kahit na nakakahiya na ako ang umubos ng pagkain nila.

“I’m sorry.”

“Okay lang po yan Ma’am. Oi, Ernie, sunduin mo na nga ang bestfriend mo tapos kumuha ka na din ng bagoong. Ang tagal naman nun dumating.” Sabi ni Lynette sa isang guy na nagngangalang Ernie. Agad naman na umalis ang lalaki at nung nakalayo na siya kinantiyawan ng mga babae si Lynette.

“Under na under talaga si Ernie.” Nakita kong namula si Lynette dahil sa kakatukso sa kanya.

“Sagutin mo na kasi. Todo effort naman yung tao.” Tukso pa nila sa nahihiya nang si Lynette. Ngingiti ngiti lang ako sa kanila at paminsan minsan ay nakikipag usap din.

I realized na masaya pala silang kasama. Hindi maarte katulad ng iba kong kilala sa Maynila.  Iba din ang klase ng gimmick nila at bonding. Eating together like this, swimming in the river is their idea of fun. Lambanog daw is their brand of liquor although hindi ko pa natikman yun. Ayaw naman nilang ipatikim sa akin kasi baka daw malaman nila Grandma at sila pa ang mapagalitan

Nalaman ko din na scholar silang lahat ng foundation na pag aari nila Grandma at nag aaral sila sa public school sa bayan. Lahat pala ng anak ng mga tauhan namin, ang foundation pala ang gumagastos para sa school supplies, uniform at lahat ng gastusin sa school at may allowance din sila. I feel proud of my family upon hearing it.

“Ang tagal mo naman Ernie!” Bigla sabi ni Anita nung dumating si Ernie at nilapag ang bagoong sa gitna. Natakam naman agad ako. Agad akong kumuha ng mangga at sinubo. Pumikit pa ako dahil sa sarap lalo pa at medyo mainit pa ang bagoong. Bagong luto pa ata. Infairness, mas masarap ang bagoong na to kesa sa bagoong kanina.

“Eh kasi niluto pa ni Harley itong bagoong.”  Sabi ni Ernie. Napatigil ako sa pagnguya. Ano daw Harley? Isn’t he the guy I encountered 2 days ago? Yung yummy? Yung naliligo sa ilog.

“Sino ba kasi ang lumaklak ng bagoong sa inyo at ang bilis naubos. Inubos niyo na kanina ang niluto ni Nanay ah!” I heard the all too familiar voice a few feet behind me. Hindi ko agad makuhang lumingon. Tumingin lang ako sa mga kaharap ko na nakatingin din kay Harley.

“Grabe! Ang takaw takaw niyo naman sa bagoong.” Sabi pa niya ulit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Excuse me! Hindi ako matakaw ha!” I wasn’t able to stop myself from saying sabay harap sa kanya. I saw how his eyes widen when he saw me and a small smile crept on his lips.

“Ikaw pala mahal na Prinsesa.” Mas lalong lumaki ang ngiti niya at walang sabi sabi na umupo sa papag ng kubo katabi ko. I glared at him and he smiled at me. Lalong uminit ang ulo ko. Siya naman baliwalang dumukwang at inabot ang mangga at sumawsaw sa bagoong. Naglaway ako sa ginawa niya lalo pa at sadyang iniinggit niya ako.

“Magkakilala kayo ni Ma’am Raziel Harley?” Tanong ni Ernie dahil siguro nagtataka na dahil sa inaakto namin nitong mangkukulam na ito.

“Hindi naman masyado. Nakita lang niya ako na naliligo sa ilog at binosohan niya ako. “ Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

I didn’t. Hindi kita binosohan, you thick-faced…” Hindi ko alam kung ano an idedescribe k sa kanya dahil hindi naman siya panget. Hindi naman siya patpatin. Kung magiging totoo ako sa sarili ko, masasabi kong may itsura siya kahit na di siya maputi. Malalim at mapupungay ang kanyang maitim na mga mata. Matangos din ang kanyang ilong at maypagkapinkish ang kanyang mga labi.

“Oi crush na ako ng mahal na prinsesa.” Natatawa sabi niya that caused the others to laughed with him. Nag iinit ang   pisngi ko and I bet, my face is as red as tomato.

“Ugh! You’re a witch!” Bigla akong tumayo at pinandilatan siya. Naiinis ako. Nawawala ang poise ko dahil sa kanya.

“Di ba wizard dapat pag lalaki?” Nanunukso pa ding sabi niya.

“And whoever told you that you’re a guy? You’re definitely not a guy. Guys should be gentlemen. Ang mga lalaki hindi pumapatol sa mga babae pero ikaw talagang nakikipagtarayan ka pa sa akin. Gawain ba ng lalaki yan? No, you’re not a guy.” I said with conviction, raised my chin and looked at him.  Ang nakakaasar lang di hamak na mas matangkad siya sa akin kaya kailangan ko pang tumingala.  

 “Talaga lang ha!”

“Talagang talaga!” I glared at him pero nawala kaagad yun nung bigla niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako palayo sa kubo.

“Wait...what are you doing? Let me go!” Pilit kong inaalis ang hawak niya sa akin pero lalo lang humihigpit ang hawak niya. My limbs! My poor poor limbs.

“Ipapamukha ko sa’yo na lalaki ako. Ipapakita ko sa’yo ang ebidensiya ng pagkalalaki ko!” He said habang hila hila pa din ako. Nanlaki ang mga mata ko.

“What?” Tama ba ang narinig ko? Ipapakita niya sa akin ang pagkalalaki niya? Oemgee

When Princess FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon