Chapter 33

43.2K 1.3K 81
                                    

Chapter 33

Ang bigat ng dibdib ko habang papalabas ako ng kwarto ni Harley. Habang tumatagal lalong bumibigat ang dibdib ko at halos hindi ako makatulog dahil sa nangyaring sagutan namin. Mag uumaga na nang nakatulog ako kaya tanghali na ako nagising. Kung hindi pa ako kinatok ng kasambahay nila Harley para mag lunch, hindi pa ako nagising.

Sumalubong sa akin ang katahimikan pagbaba ko sa dining area. Walang tao sa loob ng bahay maliban sa katulong na siya ring gumising sa akin.

"Nasaan po sina Aling Mel?" Tanong ko sa katulong habang pinaghahanda niya ang mga pagkain sa mesa. Ang totoo, gusto ko talagang itanong kung nasaan si Harley pero hindi ko magawang itanong ang bagay na yun.

"Naku umalis kaninang umagang umaga pa at susunduin daw sa airport ang paparating na asawa." Baliwalang sabi niya habang patuloy na inihahain sa harap ko ang mga pagkain.

"Kasama po si Harley?" Pinilit kong maging kalmante ang boses ko. Ayaw kong mahalata niya na masyado akong excited para malaman kung nasaan ang amo niya.

"Ay naku hindi! May ibang lakad ata si Sir Harley. Kakaalis lang niya at bago siya umalis ibinilin ka naman niya sa akin kasi ayaw ka atang gisingin. Mamaya-maya darating na yung yate na naghatid kay Ma'am Mel para sunduin ka dito para ihatid ka sa Maynila." Napatigil ako sa pagkain at maang na napatingin sa katulong. Gusto ko pang magtanong kung saan pumunta si Harley pero mukhang wala ding alam ang katulong kaya pinili ko na lang na manahimik.

Pagkatapos kong kumain umakyat na ako sa kwarto, naligo at nagbihis ng damit na sa tingin ko ay sadyang pinalagay ni Harley sa katulong sa loob ng closet ko. Maya maya pa dumating na ang yate at inihatid ako sa Maynila. Pagdating namin sa yacht club may sumalubong sa akin at inihatid ako sa isang itim na SUV na naghihintay sa parking.

Tahimik lang ako mula sa pagsakay ko sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Pero kung gaano ako katahimik, kabaliktaran noon ang nararamdaman ko. Ang totoo, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Naghalo halo na ang lahat ng emosyon sa puso ko pero may isang emosyon na nangingibabaw.

Isang emosyon na kung ako ang masusunod, ayaw ko nang maranasan ulit. Isang emosyon na kung pwedeng ko lang takasan, ginawa ko na.

Depression.

I can almost taste its bitter taste. I can almost feel the coldness in my heart. I already can feel the urge to curl up in one corner. Pakiramdam ko unti unting binabalot ng malamig na kamay ang puso ko at nagsisimulang mabuhay ang lahat ng insecurities sa katawan ko.

Napatingin ako sa isang bahagi ng kwarto ko, sa may bandang sulok sa tabi ng closet nung makapasok na ako sa kwarto. I closed my eyes tightly as an unpleasant memory cross my mind. Nakita ko ang sarili ko, sampung taon na ang nakalipas, nakaupo sa isang corner, sa kwarto ko sa ancestral house namin. Umiiyak at inaapoy ng lagnat.

I vehemently shook my head at the memory. No...ayaw ko nang maulit ang karanasan na yun. Hindi ko na hahayaang mangyari yun. Mas malaki na ako ngayon at mas mature. Marunong na akong humarap sa ganung sitwasyon. I can't allow myself to crumble again. Kahit hindi ko maintindihan ang nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi ko na hahayaang ang sarili kong maging mahina.

Kahit na naghahanap ako ng kasagutan kung bakit parang...parang walang taong may gusto sa akin. Kahit na pakiramdam ko, ang dali lang nila akong pakawalan, iwanan. Hindi ko na hahayaan ang sarili kong mag self pity.

Hindi ko na tatanungin ang sarili ko kung ano ba ang kulang sa akin. Hindi na din ako magtatanong kung bakit halos lahat ng lalaking napapaugnay sa akin ay ang dali lang akong i-give up. Si Harley, si Rex at ang iba pa.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now