Chapter 39

45.6K 1.5K 122
                                    

Chapter 39

Nagmamadali akong naglakad papunta sa jeep at agad na sumakay at pinaandar ito. Nakita ko si Harley na nagmamadaling makalapit pero agad kong iniatras ang sasakyan at pinaharurot pabalik sa ancestral house. Habang nagmamaneho, gusto kong iuntog ang sarili ko sa manibela. Bakit ba kasi hindi ako nag iisip bago sabihin ang mga bagay bagay?

Masyado pa nga akong naguguluhan sa kondisyon ko tapos ngayon nadulas pa ako kay Harley. Hindi ko naman balak na itago sa kanya ang kondisyon ko pero nag iisip pa ako ng paraan kung paano ko sasabihin sa kanya. Isa pa, 2 days ago ko lang naman nalaman na buntis ako. Nagkataon lang na nagpacheck up ako sa OB dahil scheduled vaccine ko para sa cervical cancer. Malay ko ba naman na itatanong ng OB kung kelan ang last menstruation ko at kung may contact ako. Sinabi ko naman ang totoo. Tapos pinag pregnancy test na niya ako at nalaman ko nga na buntis na ako.

The word shock is an understatement when my OB confirmed that I'm pregnant. Umiyak ako at hindi ko alam kung dahil ba sa natutuwa ako o natatakot. Nagpanic tuloy ang OB ko at muntik na niyang tawagan sina Mommy. Mabuti na lang napakiusapan ko siya na ako na lang ang magsasabi.

Yun naman talaga ang plano ko. Naghahanap ako ng tiyempo na sabihin muna kina Mommy at kina Grandma muna bago ko sabihin kay Harley. Hindi naman kasi madaling sabihin ang sitwasyon ko lalo na at wala akong asawa at magulo pa ang sitwasyon namin ni Harley.

Pero ngayon...nasabi ko na sa kanya. Ang daldal ko kasi at nagpadala ako sa emosyon ko. Malay ko ba naman na ganito ka emosyonal ang mga buntis? Malay ko ba naman na sobrang sasama ang loob ko dahil wala akong orange juice?

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Gusto kong umiyak ng umiyak at magwala pero pinigilan ko ang sarili ko. Ano na lang ang sasabihin sa bahay kapag umuwi akong maga ang mga mata? Magtatanong sila at wala ako sa tamang kondisyon para sagutin ang mga tanong nila. Baka umiyak lang ako kapag kinulit pa nila ako.

Pinahid ko ang mga luha ko nung makarating na ako sa tapat ng ancestral house. Naghintay muna ako ng ilang sandali para kalmahin ang sarili ko pero nung narinig ko ang tunog ng bigbike, nagmamadali naman akong bumaba sa jeep at nagmamadali ding pumasok sa bahay.

Napatingin silang lahat sa akin pagpasok ko pa lang sa living room. Andun silang lahat. Nakaupo sina Grandma at Grandpa sa sofa at katabi nila sina Kuya Ralph at Ana. Sa kabilang sofa naman sina Kuya Jude at Xiara. Nakaupo si Mira sa lazy boy at nasa likod niya si Kuya Gab.

Nakalimutan kong weekend ngayon at kapag weekend kadalasan nagbabakasyon ang lahat dito sa ancestral house. Mukhang kakarating nilang lahat at ang ganda talaga ng timing nila. Mas gusto kong umiyak lalo.

"Raziel! Saan ka galing? Bakit basang basa ka?" Tanong ni Mira at lumapit sa akin.

"Naligo ako sa ilog..." Napalingon ako bigla nung bumukas ang main door at pumasok si Harley. May narinig akong suminghap pero hindi ko na inalam kung sino.

"Wow! Hot!" Narinig kong sabi ni Mira at saka ko na lang narealize na half naked si Harley at basang basa din.

"Angela..." Nagkasalubong ang mga tingin namin. I ignored the pleading in his eyes and immediately looked away.

"Anong nangyari?" Narinig kong tanong ni Kuya Ralph. Kahit hindi nila sabihin, nakikita ko ang tanong sa mga mata nila. Sino ba naman ang hindi magtataka? Pumasok ako sa loob ng basang basa ang damit at sumunod naman si Harley na basang basa din at half naked pa.

"Wala!" Sumimangot ako at umismid sa kanilang lahat. Napasulyap na naman ako kay Harley at lalo akong nanggigil. Gusto ko siyang sugurin at sabunutan. Nangangati ang kamay kong saktan siya.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now