Chapter 40

54.9K 1.4K 180
                                    


Chapter 40

"Ma'am bumaba na daw po kayo." Napatingin kami sa pinto nung nagsalita ang katulong na pinagbuksan ni Mira ng pinto. Nakaupo kami kanina sa kama at ready na sana akong gisahin ng tatlo kung hindi lang kumatok ang katulong. Nakaligo na ako at nakapagbihis ng pantulog kahit na lunchtime pa lang. Ayaw ko nang bumaba, ayaw ko silang harapin lahat. Gusto ko na lang matulog hanggang...forever.

"Bumaba na daw tayo. Alam ko nagpaluto si Lola ng paborito mo Raz. Nilagang itlog." Sabi ni Ana at tumayo na mula sa kama. Napatingin ako sa kanya para tingnan kung nagbibiro ba siya pero seryoso naman ang mukha niya.

"Ikaw kaya ang may paborito nun!" Kelan ko pa naging paborito ang nilagang itlog? Tortang talong kaya ang paborito ko.

"Sige na, paborito na nating dalawa. Pagbibigyan na kita kasi buntis ka." Nauna na siyang naglakad palabas ng kwarto at sumunod kaming tatlo sa kanya.

Napatingin ako sa living room at naalala ko ang eksena bago kami umakyat. Kanina nung naliligo ako bigla akong naawa kay Harley dahil sa pagsuntok sa kanya ni Kuya Jude, bigla din akong na guilty pero nawala bigla ang guilt ko pagkakita ko sa kanilang apat sa living room. Nagtatawanan at nagkukwentuhan na para bang walang sapakan na nangyari kanina.

"Oh andito na pala sila. Halina't kumain na tayo. Nandoon sa tabi ng pool ang pagkain." Pumunta na kami sa tabi ng pool at andun na sina Grandma at Grandma magkatabing nakatayo sa dulo ng mesa. Walang upuan at walang pinggan. Wala ding kutsara at tinidor. Ang nasa mesa ay isang malaking dahon ng saging at may maraming kanin at ulam. Boodle fight ang peg. I groaned. Sino na naman ang nakaisip ng ganito?

"Dito na tayo kumain para madaling maitapon sa pool ang pasaway." Sabi ni Grandpa. Nagsipwesto na kami sa mesa at bigla akong nagutom pagkakita ko sa pagkain.

"Let us bless the food." Malumanay na sabi ni Kuya Ralph.

"Bless!" Sabay na sabi namin at nag uunahan na kami sa pagkain. Inuna kong kainin ang hilaw na manga. Para kasi akong naglalaway. Sarap na sarap ako sa pagkain at hindi ko man lang napansin na katabi ko na pala si Harley at pinaghihimay ako ng hipon. Kung hindi pa siya nagsalita, hindi ko pa siya napansin.

"Sige kain lang." Napatingin ako sa kanya.

"Wag mo akong kausapin." Mataray na sabi ko at kumain na ulit.

"Mira kong iniirog, wag mong pairalin ang kasosyalan mo dito kung ayaw mong magutom." Malambing na sabi ni Kuya Gab kay Mira. Ang corny talaga nila. Nakakaasar.

"I know, right." Tuloy na sa pagkain si Mira and in 15 minutes, ubos na ang pagkain sa mesa. Parang dinaanan lang baha, washout lahat.

"Pagkatapos niyong maghugas dumiretso kayong lahat sa library. Lalo ka na Angela Raziel. Wag mo nang subukan tumakas." Matigas na sabi ni Grandma at tumalikod na sa amin. Kinabahan ako bigla at parang natunaw ang madami kong kinain.

Mabagal akong kumilos habang naglilinis ng kamay at nagtotoothbrush pero habang tumatagal lalo akong kinakabahan.

Pumasok ako sa library at nakaupo na silang lahat at napatingin sa akin. Lumapit ako at umupo sa nag iisang bakanteng upuan sa tabi ni Harley. Hindi na ako nagreklamo kasi alam ko naman na pinlano nila ang lahat.

"Totoo nga bang buntis ka Angela Raziel?" Matigas na sabi ni Grandma at may halong galit ang boses niya. Napahawak ako ng sa gilid ng sofa.

Hindi ako nagsalita. Napayuko na din ako. Parang gusto kong umiyak.

"Wala kang planong sabihin sa amin?" Tumaas na ang boses ni Grandma. Lalo atang nagalit dahil sa pananahimik ko.

"Sasabihin ko naman eh! Naghahanap lang ako ng tiyempo." Mahinang sabi ko habang nakayuko pa din.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now