Chapter 38

45.2K 1.5K 149
                                    

Chapter 38

"What did you say?" Parang nabingi ako sa sinabi niya. Anong nagtatanan? Gusto ko lang lumayo para hindi siya makausap nina Grandma at Grandpa. Kilala ko sila, lalo na si Grandma. Nandoon ako nung namanhikan sila sa bahay nina Ana, Isa pa, ako na nagpasimuno sa pagpaplano sa kasal nina Kuya Ralph. Saksi ako sa mga nangyari at kung paanong wala nang nagawa si Kuya Ralph para kontrahin ang lahat. At sa impluwensiya nina Grandpa at Grandma malamang mauuwi sa shotgun wedding ang lahat.

Alam ko din na kagaya ni Kuya Ralph, hindi ko matatanggihan ang kasal kasi katulad niya takot din akong mawalan ng mana. Hindi naman ako dakila para ipagpalit ang mana ko sa freedom. Pero dahil sa sinabi ni Harley, bigla akong natauhan.

"Nagtatanan tayo." Ulit pa niya habang mabilis na pinapatakbo ang bigbike palayo sa ancestral house.

"Anong nagtatanan? We are not! We are merely running away from them!" I shouted at him. Baka kasi hindi niya marinig at isipin pa niya na ideya ko ang iniisip niyang pagtatanan. Well, idea ko naman talaga pero hindi naman pagtatanan ang nasa isip ko. Gusto ko lang lumayo.

"Yes we are. Inenglish mo lang. Running away, elope, in tagalog tanan. Don't worry, papakasalan naman kita. Kung gusto mo ngayon din." I heard him chuckled. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, binatukan ko siya. Kaya nga nilayo ko siya para hindi mapag usapan ang kasal di ba? Tapos ngayon, yan ang sasabihin niya?

"Ouch! Kumapit ka nga!"

"Bumalik tayo! Ayaw kong makipagtanan sa'yo." Ngayon na nagsink in na sa isip ko ang lahat, mas okay na may kasal na nakaplano kaysa sa magtanan. I mean, c'mon! Ang tatanda na namin para magtanan. At bakit ko ba iniisip ang tanan o kasal?

Basta! Walang kasalang magaganap at walang tanan na magaganap! Period.

"Panindigan mo ang desisyon mo Angela."

"Naninindig na ang mga balahibo ko sa mga pinagsasabi mo kaya ibalik mo na ako sa bahay! Please!" Hindi na siya nagsalita pero nag u-turn siya at bumalik kami sa ancestral house. Ilang saglit pa, nakarating na kami sa entrance at pinatigil na niya ang bigbike sa harap.

Bigla akong inatake ng kaba. Paano kung pagpasok ko sa bahay, naghihintay na silang lahat? Paano kung sasabihin nilang nakaplano na ang kasal at hintayin na lang namin ang date? Paano kung may pari o judge na sa loob ng bahay at kami na lang ang hinihintay? Oh God! Ano ang gagawin ko?

Napatingin ako kay Harley at nakatingin lang siya sa akin. Parehas ba kami ng iniisip? Ayaw din ba niya mapikot katulad ko?

"Sige mauna na ako. Salamat." Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Hindi ko na din siya niyayang pumasok sa loob dahil kagagaling nga lang niya sa bahay. Dumiretso akong umakyat sa bahay at dahan dahan na binuksan ang pinto. Halos hindi na ako humihinga dahil sa kabang nararamdaman ko.

Don't worry Raziel, be strong. Pangatawanan mo ang desisyon mo at hindi ka nila pwedeng pilitin sa isang bagay na ayaw mong mangyari. Kaya mo yan!

Yes. Kaya ko 'to. Bumuntonghininga muna ako bago tuluyang binuksan ang pinto.

"Hindi niyo ako mapipilit magpaka---" Napatigil ako sa pagsasalita dahil walang katao tao sa living room. Napakatahimik sa buong first floor na pati ang mga katulong hindi ko naririnig na nagsasalita. Nasaan sila?

Naglakad ako papunta sa garden pero walang katao tao. Pumunta ako sa kitchen at nakita ko ang isang katulong na kapapasok lang mula sa pinto ng pinto.

"Ma'am! May kailangan ka po?"

"Nasaan sina Grandpa?"

"Nagpapahinga na po sa taas."

"Hindi na sila bumaba kanina nung umalis ako?"

When Princess FallsWhere stories live. Discover now