Chapter 7 (2/17/2015)

74.7K 2.5K 266
                                    

Chapter 7

Hindi ko naisip na ganun katagal magluto ng kaldereta. Ang tagal palambutin ng karne ng baka. Naubos na ata ang lahat ng pawis ko sa katawan dahil sa init ng kitchen nila Harley pero ang tubig ng caldereta mukha hindi mauubos. Ayaw kasing pumayag ng tutor ko na wag  nang ilaga. Hindi daw masarap, hindi daw malambot, hindi daw chewy.  Eh di ilaga! Pero sabi nga, pag may tyaga, may caldereta.

“Wow ang sarap ko pala magluto.” Sabi ko nung natikman ko ang nakahain na caldereta sa mesa nila Harhar. Kumuha ako ng madami at nilagay sa isang plate. Siya naman, nilagay ang caldereta sa hill of kanin niya. Para tuloy volcano na pumutok tapos instead of molten rock ang lumabas, karne ng baka .

Ano kaya kung ganun ano? Pag may pumuputok na volcano hindi lava, magma, o molten rocks ang lumalabas kundi, caldereta, kare kare, tinola, sweet and sour fish, leche flan, ice cream, bar ng chocolates, litro litrong softdrinks  at kung ano ano pang pagkain. Ang saya saya siguro!

“Proud ka na niyan?” Naputol ang pag iilusyon ko sa mga pagkain nung bigla siyang nagsalita.

“Siyempre. Ngayon lang ako nakapagluto. Usually si Mommy o ang cook ang nagluluto.” I scooped a caldereta using a different spoon tapos isinubo. Ganun din ang ginawa ko sa kanin. Nakita ko siyang pinagmamasdan ako tapos umiling.  

“Kayo na ang may cook.” Sabay subo din ng pagkain niya. But he didn’t use any spoon and fork. Kamay ang ginamit niya sa pagkain at mukhang sarap na sarap siya.  Mukhang enjoy na enjoy siya.  Ang sarap naman niya kumain. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

“Ikaw ba’t marunong kang magluto?” Hindi siya katulad ng mga pinsan ko at ng kapatid ko na walang alam kundi ang kumain. Tapos pag mabagal ka pa, uubusan ka ng food.

“Kailangan eh. Alangan naman na iasa ko lahat kay Nanay.” Salita lang siya ng salita. Kain lang ng kain. Ni hindi ako tinitingnan. Kabastusan siguro sa tingin ng iba but I am amaze. Hindi dahil sa masarap siyang kumain kundi dahil parang sa lahat ng gagawin niya, may passion niya. Pati sa pagkain, parang todo bigay siya.  

“Kunsabagay. You’re poor.” I commented pero hindi para sa kanya ang salitang yun. Para yun sa akin. Sobra sobra na ang pagkaamaze ko sa kanya that I need to remind myself na hindi ako dapat magkacrush sa kanya dahil…dahil…

I can’t find any reason not to have a crush on him! Oh my!

“Kayo na ang mayaman.” May kasama pag snort ang comment niya and all I did was smile.

“You’re right. “ Sumubo na din ako ng pagkain at ginaya na lang siya na nagsasalita habang kumakain at kinalimutan ang mga table manners na tinuro sa akin. Mas masarap nga naman pag nagpakatotoo ka sa harap ng mesa.

“Hindi ka talaga humble. “

“Should I downplay the fact that we are rich? Sa yun ang totoo eh.”

“Okay. Sabi mo eh. Pero wag mo akong dinadaan sa usapan at wag mong ubusin ang niluto mo.  Hindi ka na nakuntento na kinain mo na ang pinadala ng lola mo, pati ba naman ang niluto mo, uubusin mo pa? Magtira ka para sa amin ni Nanay.” Napatigil ako sa pagkuha ng additional serving ng caldereta at napahiya.  

“Ay sorry. Teka saan pala ang Nanay mo?”

“Nasa palengke. Naglako ng mga gulay na inani namin.” Tumayo na siya at nilagay sa lababo ang kinainan niya. I wonder tuloy if I should do the same. Pero hindi ko na pala kailangan gawin yun dahil siya na mismo ang kumuha ng empty plates na nasa harapan ko at dinala na din sa lababo tapos nagsimula na siyang maghugas.

Uminim ako ng tubig at pinunasan ng tissue ang bibig at kamay ko tsaka lumapit sa kanya. Seryoso siya sa paghuhugas. Pati yung pinaglutuan namin, hinugasan niya.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now