Chapter 15 (6/2/2015)

63.2K 2.5K 226
                                    


15.



Nagulat talaga ako. Sino ang hindi magugulat? Ang kanina lang katabi ko, ngayon andito na sa bahay namin. That awkward moment when you saw your ex after 10 long years with all his muscles and good looks. Isama pa ang nag uumapaw na charm.


"Ate, bigyan mo siya ng meryenda." Sabi ko sa katulong bago naglakad papunta kay Harley. Nakita ko siyang tumayo nung malapit na ako at hinintay akong maupo sa kabilang sofa.


"Doon tayo sa garden, mas presko ang hangin doon." Nauna na akong naglakad at sumunod naman siya. Nagpasalamat ako nung makita kong wala na si Grandpa. At least di ko na siya kailangang palayasin sa garden kung nagkataon na andito pa din siya.  


"Maupo ka. Masyado ka namang pormal." I laughed a little but my voice quiver. Still, I was hoping that my nervousness didn't show.


Nung maupo siya bumalik na naman si awkward silence. Ano nga ba ang dapat sabihin sa ex boyfriend pagkatapos ng maraming taon? Would I ask him how he is gayung kitang kita naman na maayos ang kalagayan niya? Dapat ko bang itanong kung kamusta naman ang buhay niya samantalang obvious naman ang naging mabuti ang buhay niya based sa porma niya at sa big bike niya? Really, hindi ko alam kung paano I aaproach ngayon si Harley.


Baka pag si Rex ang bumalik alam ko pa ang sasabihin at gagawin ko. Baka pag si Rex, bigla akong lumuhod sa harapan niya and you know, mangumpisal. Humagikgik ang isang bahagi ng isip ko when I envisioned myself kneeling in front of Rex. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mapangiti at siguro nakita yun ni Harley kasi biglang kumunot ang noo niya at tumikhim siya.


"I'm sorry, I was just thinking of something." Nangingiti pa ding sabi ko.


"Or someone." Seryosong sabi niya.


"Yeah...sort of." Naconscious ako bigla sa klase ng tingin na binigay niya sa akin. Shocks ang intense naman makatitig nitong si Kuya. Oo nga at dati pa, intense na talaga ang titig ni Harley pero ngayon may kakaiba sa tingin niya. Parang nabahiran ng ano, something  I can't explain.


"Kamusta ka na Angela?"


"Okay lang naman. Tumanda ng unti pero gumanda lalo." I grinned at him and he smiled back.


"Napansin ko nga."


"Na tumanda ako?" O my God! Halata na ba? May wrinkles na ba ako?


"Na gumanda ka lalo." Naks. Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko pa ang pag iinit ng mga pisngi ko. Am I blushing? Sus talaga! Hindi na ako nasanay sa papuri.


"Salamat naman. Wag kang mag alala, papadagdagan ko ang meryenda mo."

Sakto namang dumating ang katulong at inilagay sa harap namin ang meryenda.


"Dagdagan mo ang meryenda niya ha." Pahabol ko sa katulong bago umalis.


When Princess FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon