Chapter 14

72K 2.5K 224
                                    

Chapter 14

(Present)

Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko.  Pinahiran ko ng mga palad ko ang luha na tumulo and I looked at the tears in my fingers.

"Sheez! Sayang ka! Bakit ka tumulo? Alam mo ba na tinitipid kita para kapag nagkaroon ng global drought ay magagamit kitang pang inom?" Sisi ko sa luha na nasa kamay ko. Hindi ako basta basta lumuluha kasi precious ang tears ko. Inihahalintulad ko ang luha ko sa orgasm, madalang at mahirap palabasin.

Hindi ko na nga matandaan ko kelan ang huli kong iyak. Kahit ang banal na si Rex ay hindi napatulo ang luha ko tapos ngayon...with just a memory nag orgasm ako, este tumulo ang luha ko? Amazing. So ngayon, alam ko na kung saan ako huhugot kapag nagkaroon na ng tagtuyot at nangangailangan ako ng tubig.

With that thought, I smiled and walked towards our ancestral house.

"Andito na ang buko. Malambot at mamasa masa!" I announced when I entered our ancestral house. Pumasok ako sa kitchen at doon ko nakita si Kuya Ralph na nagbubukas ng ref. Naghahanap na naman siguro ng makakain.

"Anong nangyari sa'yo ba't namumutla ka?" Sabi niya agad pagkakita sa akin.

"Ako? Namumutla? Hindi ah! Baka namumula, kasi mainit sa labas. Nagiging color blind ka na Kuya Ralph." Sabi ko sa kanya. Hindi na ata kayang i-distinguish ni Kuya Ralph ang pamumula sa pamumutla kasi tuwing nagagalit si Ana palagi siyang namumutla which is kadalasang nangyayari dahil buntis ang asawa niya at siya ang natipuhang paglihian.

"Mas matalino ka pa sa akin eh ako ang nakakakita ng mukha mo." Tumaas ang kilay ko.

"Talagang mas matalino ako sa'yo kasi may medal ako nung nag graduate ako. Ikaw, wala kahit isa." Proud na sabi ko. I was also grinning from ear to ear.

"Pinagmamalaki mo ang loyalty award mo na medal? Para sabihin ko sa'yo miss loyalty awardee, nung kinder ako, ako ang most friendly sa klase namin." Nakangising sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay ulit.

"Eh di ikaw na. Ikaw na ang Mr. Congeniality. Speaking of being friendly, pwede ba akong mag bakasyon muna? Mga 2 weeks lang?" Ang laki ng ngisi ko kay Kuya Ralph.

"Yun lang ba? Alam mo naman ako, friendly. Hindi pwede." Bigla siyang sumeryoso at napanganga ako sa kanya.

"Bakit hindi pwede?" Grabe! Kelan ba ako nagleave ng matagal sa office?

"Alam mo ba ang tardiness mo Angela Raziel? Pagsama samahin mo yun at lalagpas ka pa ng two weeks."

"Grabe ka Kuya! Kakasuhan kita ng unfair labor practice. You're a slave driver." Reklamo ko pa.

"Go ahead. Make my day. Wag mo lang kakalimutan na OIC ako at si Granny pa din ang presidente. So, kapag kinasuhan mo ang kompanya, siya ang makakalaban mo." Sabi pa niya tapos tinalikuran ako at kinuha ang isang gallon ng ice cream mula sa freezer tapos iniwan na akong nakatulala sa kitchen.

Wala sa sariling kumuha akong ng kutsara at binuksan ang container na naglalaman ng macapuno at nilantakan iyon. Masama ang loob ko. Bakit hindi ako pwedeng magbakasyon?

"Raziel!"  Napatigil ako sa pagkain ng masarap, malambot at mamasa masang macapuno at tiningnan ko si Grandma na papasok sa kitchen.

Nakakita ako ng pag asa sa katauhan ni Grandma. Hindi katulad ni Kuya Ralph na puro na lang paasa.

"Grandma, hindi ako pinayagan ni Kuya Ralph na mag VL!" Sumbong ko agad. Dinilaan ko pa ang kutsarang pinagkakainan ko at the same time nagpapaawang tiningnan si Grandma.

"Bakit mo inuubos ang macapuno?" I suddenly stopped licking the spoon.

"Mas importante pa ba ang macapuno kaysa sa bakasyon ko?"

"Oo naman. Pag naubos mo yan, lahat tayo walang meryenda. Samantalang ang  bakasyon mo, hindi naman mawawala kung hindi mo gagamitin." Ano daw?  Napakamot ako sa ulo sa logic ni Grandma.

"Kaya nga Grandma tinatawag na bakasyon para gamitin." Pagrarason ko pa at hindi ko alam kung saan patungo ang diskusyon namin. Panalangin ko sana hindi sa wala.

"Ano ba ang ginagawa mo dito sa hacienda?" Tanong ni Grandma habang nilalayo ang container ng macapuno sa harap ko. Balak ko pa sanang kumuha ulit. Ang damot ng matandang 'to.

"Nagbabakasyon." Wala sa sariling sabi ko.

"There! You said it yourself." Tumalikod na si Grandma at pumuntang dirty kitchen.

"Maring, gawin mo nga tong minatamis bago pa maubos ni Raziel." Tawag ni Grandma sa kusinera. Umismid ako at tumayo tapos dali daling naglakad papuntang garden.

"Prodigal Grandpa! Ang pogi mo ngayon." I said enthusiastically when I saw our grandfather at the garden.

"Ano ang hihingin mo Raziel?" Ngumisi ako.

"Gusto mong may gawin sa buhay?" Sabi ko agad. Alam kong sabik na sabik si Grandpa na magtrabaho ulit. Simula kasi nung nagsilaki na kami napagkaisahan ng mga anak nila na hindi na pagtrabahuhin ang dalawang matanda. Itong si Grandpa, hindi sanay na walang trabaho kaya alam kong bored na bored na siya sa buhay.   

"Apo, hindi na ako pwedeng magtanim ng palay."

"Grandpa, hindi ka naman sa farm magwowork. Sa office. Babalik ka na ng office. Gagawin kitang OJT." I beemed at him. Nakita kong saglit na kumislap ang mga mata ni Grandpa pero agad ding nawala. Naisip ata na hindi papayag si Grandma.

"Ano ang catch?" Nagdududang tanong niya.

"I badly need a vacation Grandpa. I am so stress at this moment. Parang mababaliw na ako. Not to mention na brokenhearted pa ako Di ba broken hearted ako kaya need ko ng vacation?"

"Brokenhearted ka pa din hanggang ngayon? Di ba mag lilimang buwan nang nakabalik sa seminaryo yung pari?" Napangiwi ako.

"It takes time to heal a broken heart Grandpa. I'm sure you can relate kasi di ba na heartbroken ka din nung tinanan ka ni Grandpa at nagkahiwalay kayo ng jowa mong si Melinda?" Is it Melinda? Hindi ko matandaan ang pangalan ng naging sawing jowa ni Grandpa nung tinanan siya ni Grandma. Pero sounds like Melinda yun based na din sa mga kwento ni Grandpa kapag hindi nakikinig si Grandma.

"Elizabeth ang pangalan ng jowa ko Raziel at hindi Melinda. Isa pa, hindi ko naman masyadong ininda yung paghihiwalay namin ni Elizabeth kasi inagaw lang naman niya ako kay Gertrude tapos ito namang si Gertrude ay tinanan ako. At isa pa, di hamak naman na mas makinis ang Lola mo kaysa kay Elizabeth." Ngumisi si Granpa at humagikgik ako. Ang landi talaga nitong matandang 'to. Tama ba namang ibase sa kakinisan ang babaeng pipiliin? 

Pero mabalik tayo sa bakasyon.

"Kahit na Grandpa, hindi naman lahat ng tao katulad mong pogi na pinag aagawan ng mga chicks kaya madaling maka move on. Ako matagal akong makamove on kasi tapat akong magmahal at talagang ininda ko ang sakit ng pagpapari ni Rex. Help me Grandpa. My heart is now bleeding. Still bleeding because of my loss. You have to convince Grandma that I need to recuperate and to heal. You..." Pagdadrama ko pero hindi ko natapos ang sasabihin ko because Grandpa motioned me to stop.

"Tama na ang drama. Kakausapin ko ang Lola mo. Ang arte mo talagang bata ka!" My smile widened and I hugged Grandpa. I know it! I know that he can't say no to his only granddaughter.

"Yes. You're the best grandpa." I kissed his cheeks.

"Sus!"

"May meryendang minatamis na makapuno. Dadalhan kita dito." I cheerfully went back inside the house para kumuha ng meryenda para kay Grandpa.

Turns out, hindi minatamis na macapuno ang meryenda namin kundi suman sa latik. Naubos daw kasi ni Grandma ang macapuno. Ang takaw ng matandang yun.

Nakangiti pa ako nung lumabas ako ng kitchen nung sinalubong ako ng isang katulong.

"Ma'am Raziel may bisita ka po."

"Sino?" Nakangiting tanong ko pa sa katulong.

"Ayun po, nakaupo sa sofa." Tiningnan ko ang tinuro ng katulong ang my smile immediately faded when I saw Harley comfortably sitting on the sofa and intently looking at me.

When Princess FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon