Chapter 36

45.8K 1.4K 87
                                    

Chapter 36

"Uuwi na ako." Yan lang ang sinabi ko. Hinintay kong magsalita siya pero hindi niya ginawa. Nakatingin lang siya sa akin at dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya, umiwas ako ng tingin. Naglakad ako papunta sa pinto at hindi siya gumalaw para pigilan ako katulad ng ginawa niya kanina.

Tumagilid pa siya habang nakatingin sa akin para padaanin ako. Tahimik akong naglakad palabas ng bahay ni Harley. Habang mabagal akong naglalakad lalong bumibigat ang mga hakbang ko pati pa din ang puso ko.

Nung makarating ako kay Lady Gaga lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakamasid lang sa akin. The expression on his face almost made me cry. Kitang kita ko ang sakit sa mukha niya.

Yan ang ginagawa mo sa kanya Raziel. You selfish, heartless bitch! Bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Oo na, Siguro nga selfish ako at heartless dahil alam kong nasasaktan ko siya pero mali ba na protektahan ko ang puso ko? Mali ba na maging cautious? Is it so wrong to learn from the lessons of the past?

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at sumampa na kay Lady Gaga at walang lingon na pinatakbo siya pauwi sa ancestral house. Habang lumalayo ako sa bahay ni Harley nararamdaman ko ang pag bigat ng puso ko pero pilit kong pinamanhid ang pakiramdam ko.

Ngunit kahit nakauwi na ako't lahat, hindi pa din maalis sa isip ko ang itsura ni Harley nung iwan ko siya sa bahay nila. Hanggang sa matulog ako, napanaginipan ko ang malungkot niyang mukha. Nagising akong mabigat ang dibdib kaya hindi agad ako nakatulog dahil sa panaginip na yun kaya tinanghali ako ng gising kinabukasan.

Naligo ako kaagad dahil kailangan ko pang tapusin ang ginagawa kong vertical garden kahapon. Pagkatapos kong maligo, dumiretso na ako sa kitchen para mag breakfast.

"Gusto mo ba ng fresh fruit juice Ma'am Raziel o kaya fruit shake?" Tanong sa akin ng katulong nung makaupo na ako sa dining table at nilalagay na niya ang pagkain sa harap ko. Napatingin ako sa fruits na nasa dining table. Ang dami! Naka basket pa.

"Ate, hindi ba at ang dami niyo namang biniling prutas? Sino ang uubos niyan?" Dalawa lang kami ni Grandpa dito sa ancestral house dahil next week pa ang balik nina Grandma. Hindi naman ako mahilig sa prutas.

"Ma'am, hindi naman po binili yan. Binigay lang yan ni Harley." Bigla akong napatingin sa katulong.

"Po?"

"Opo Ma'am. Dumaan siya dito kaninang umaga. Ay teka! May kasama pa yang bulaklak at pinapabigay sa inyo. Kukunin ko lang po." Hindi agad ako nakapagsalita at nakatulala pa din ako hanggang sa dumating ang katulong na may bitbit na isang malaking bouquet ng bulaklak,

"Ito po Ma'am!" Tuwang tuwa pang iniabot sa akin ng katulong ang bulaklak at kinuha ko naman.

"Pakilagay na lang po sa vase." Inilapag ko ang bulaklak sa mesa at itinuloy ang pagkain pero nawalan na ako ng gana. Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko nung tumayo na ako at pumunta sa ginagawa kong vertical garden.

Nagulat pa ako nung makita kong tapos na ang vertical garden ko. Kulang na lang ang lupa at mga tanim. Narinig kong may tumikhim at nakita ko si Grandpa sa likuran ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

"Ikaw ang tumapos nito Grandpa?" itinuro ko ang vertical garden.

"Oo. Ang tagal mo kasing dumating kahapon at naaliw ako kaya tinapos ko na. Bumili ka na lang ng mga herbs sa bayan para mataniman mo na yan. Ako na ang bahalang magpapakuha ng lupa sa mga tao." Yun lang ang sinabi ni Grandpa at tinalikuran na ako.

Yun nga ang ginawa ko. Pumunta ako sa bayan at pumunta sa bilihan ng mga halaman. Pagkabili ko ng mga herbs umuwi na kaagad ako at sinimulang taniman ang vertical garden. Maghahapon na nung matapos ako kaya nagmeryenda na lang ako at nagpahinga. Nakatulog ako at ginising na lang ng katulong nung magdinner na.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now