Chapter 22

55.6K 1.9K 153
                                    

Chapter 22

"Wow! Just wow! Ako ang nagyaya, sa iba ka sumama." Napatingin ako bigla sa nagsalita. Kalalabas ko lang sa service elevator sa may parking ng building.

"Harley! Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot. Akala ko multo. Tatakbo na sana ako.

"May utang kang lunch sa akin." Lalo pa siyang lumapit sa akin at nagtataka namang tiningnan ko siya. Utang? Ako magkakautang? Di kaya ako nakakatulog pag may utang ako.

"Anong utang?"

"Niyaya kitang mag lunch at pumayag ka. Tapos makikita kita ko na ibang lalaki ang kasama mo." Nakakunot na talaga ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Anong pinagsasabi nito?

"Anong niyaya? Kelan?"

"Nagtext ako sa'yo kagabi. Pumayag ka sa lunch invitation ko." Nag isip ako. Hala! Hindi si Rex ang katext ko kagabi?

"Ikaw ang nagtext sa akin kagabi?"

"Sino sa akala mo?"

"Akala ko si Rex. Hindi ka kasi nagpapakilala at ano ang ginagawa mo kanina sa resto?" Sita ko sa kanya. Katakot kaya ng ganun. Parang feeling ko may stalker ako.

"Kumakain."

"Neknek mo! You're stalking us. Ano bang problema mo Harley? Okay, sorry kung napagkamalan ko na si Rex ang nagtext. Malay ko ba naman na ikaw yun eh hindi ko naman binigay sayo ang number ko. Paano mo nga pala nakuha ang number ko?"

"Hiningi ko kay Annette." Tumigil na siya sa harap ng bike niya kaya tumigil na din ako. Gusto kong magkaliwanagan kami ngayon din mismo dito sa parking para matahimik na ako. Ayaw ko nang maguilty tuwing nakikita ko na masama ang loob niya. Ayaw ko na din na susunod sunod siya sa akin dahil sasagutin ko na si Rex. Baka siya pa ang maging dahilan ng pagkaunsiyami ng lovelife ko.

"Harley, why are you doing this? Malinaw naman na sa'yo na wala ka nang babalikan di ba? Bakit mo pinipilit ang sarili mo sa akin?"

"Because you are mine." I was shocked by the intensity of his voice. He sound so desperate at nagsisimula na akong matakot. Oo nga at mabait naman siya dati pero malay ko ba ngayon? Matagal na panahon na ang dumaan. Baka naging rapist na siya? O kidnapper? O kaya druglord? Paano kung assassin o mafia na siya? Hala! Baka yakuza na. Naku! Sa laki ng katawan niya, baka sumasali pa siya sa mga body building competition. Ohh God!

"Matagal na yun Harley. Mag move on na tayo. Uso na ngayon ang pagmomove on." Pabirong sabi ko pero natatakot na talaga ako. Kulang na nga lang manginig ang boses ko.

"Hindi Angela. You were mine once at hindi ako makakapayag na hindi ka bumalik sa akin." Hala! Umabot na hanggang Baguio ang buhok ko. Teka lang hihilahin ko at natabunan nang landslide.

"Seriously Harley, you are creepy." Oo nga at nakakahaba talaga ng buhok ang magkaroon ng dalawang macho at gwapong lalaki na naghahabol sa'yo pero ang hirap kapag alam mo kung sino na talaga ang gusto mo. Lalo na at ang hirap itaboy ng isa.

"Angela, wala na ba talaga? Kahit kunti lang..." Nakikita ko na ang lungkot sa mga mata niya and in a way, naaawa ako. Nagiguilty at kumikirot ang puso ko dahil sa guilt. Pero hindi ko naman siya pwedeng paasahin. Hindi pwedeng hahayaan ko lang siya kasi nagiguilty ako. Sa huli mas lalo lang siyang masasaktan.

Ako na talaga! Ako na ang pinag aagawan.Ako na talaga ang nananakit ng puso.

"I've moved on Harley. What do you expect?" Nanikip ang dibdib ko especially when I saw him tear up. Nagpanic ako bigla. No..No! Lumapit ako bigla sa kanya at hinawakana ng mukha niya.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now