Chapter 6 (2/9/2015)

78.3K 2.3K 118
                                    

Chapter 6

I was pouting while sitting underneath a mango tree. Kanina pa ako rito at mukhang mapapanis na ang dala kong caldereta wala pa din ang hinihintay ko. Si Lola kasi, nung makita niyang umuwi ako na may dala dalang bagoong na galing sa bahay nila Harhar, naisipan niyang suklian ang kabutihang loob ng mga Ong. Kanina nagpaluto siya ng caldereta at ito nga ako ngayon, hinihintay si Harhar sa tabing ilog para mahatid ko na ang caldereta. Pero mukhang sabay talaga kaming mapapanis ng caldereta kasi kanina pa ako dito at hindi pa dumating ang talipandas.

Oo nga at wala kaming usapan na magkikita ngayon but he should have come.  Dapat naisip niya na andito ako kahit walang magsabi sa kanya. He’s so dense! Kainis. Nakakaasar talaga siya.

Napatingin ako sa lagayan ng caldereta at bigla akong nagutom. Sayang naman kung mapanis di ba? Ang sarap pa naman yan. Bigla akong naglaway kahit na nakakain na ako kanina. Kanina pang lunch yun. Magmemeryenda na ngayon at gutom na ako.

Bahala na nga. Sasabihin ko na lang kay Lola na naibigay ko na tapos magpapaluto na lang ako ulit para dalhin. I took the container and slightly opened it. Lumabas kaagad ang amoy at lalo akong nagutom. Pero naisip ko na wala pala akong tinidor or kutsara.  Can I use my hand? Eww! But I’m hungry.

I looked around me and I saw a thin branch of something tapos may naisip ako. I’ll make a chopsticks na lang. Kinuha ko ang stick habang bitbit ang lagayan ng food at naglakad papuntang ilog. Siyempre lilinisin ko muna ang stick kasi kadiri naman if I use it agad. Tapos mas masarap kumain sa tabing ilog. Nilinis ko na ang stick at bumalik sa malaking bato na pinag iwanan ko ng pagkain.

“Aray!” Biglang sigaw ko nung maramdaman kong may tumamang something sa ulo ko. What the! Istorbo naman sa pagkain ko.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakitang tao? Iniengkanto ba ako? Whatever! Hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan. Tuluyan ko nang binuksan ang food container and my stomach immediately grumbled.  I picked one meat at agad na sinubo. Napapikit pa ako sa lasa ng caldereta. The meat is so soft and chewy and the taste is just superb. Grabe sarap talaga magluto ng caldereta sa house. Ginanahan ako sa pagkain na hindi ko namalayan na kunti na lang ang natira. Mga dalawang meat na lang.

I was about to take another meat nung may biglang nagsalita sa likuran ko.

“Nagpipicnic ka mag isa? Ayos trip mo ah.” Napalingon ako sa nagsalita and my eyes grew wide when I saw Harhar.

“Oi ano yan?” Lumapit siya sa akin at ako naman agad na isinara ang calderata. Pero yun ang malaking pagkakamali ko kasi ang cover ng food container may nakadikit na post it note na galing kay Lola. Masyado pa namang obvious kasi neon pink na may kalakihan ang post it. Yun ang nakuha ni Harhar paglayo ko sa kanya ng food container. Huli na para agawin ko sa kanya ang note.

‘Melinda,

Salamat sa pinadala mong bagoong sa aking apo. Bilang pasasalamat nagpaluto ako ng caldereta para sa inyo ng anak mong si Harley.’

Gertrude.’

Malakas na basa niya sa nakasulat sa post it note tapos tiningnan niya ako. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. Sana hindi niya mahalatang nagbablush ako dahil sa kahihiyan. Mabuti na lang talaga at likas akong mestiza kaya pwede niyang ipagkamali na ang pamumula ko ay dahil sa init ng araw.

“Kinain mo ang pinabibigay ng Lola mo sa amin na caldereta?”

“Hindi ah!” Tanggi ko pa.

“Wag kang sinungaling. May sauce pa ng caldereta sa gilid ng labi mo. Grabe ka! Pinapabigay sa’yo tapos kinain mo?”

When Princess FallsWhere stories live. Discover now