Chapter 26

48.7K 1.8K 168
                                    

Chapter 26

Rex is the perfect boyfriend. Wala na akong mahihiling pa. he is caring, sweet and dependable. He is also sensitive. In fact, he is too sensitive na napapansin niya agad kapag wala ako sa mood, wala akong gana, o malungkot ako at nitong mga nakaraang araw, ganun ako. Tinatanong niya ako kung ano ang problema ko pero hindi ko masabi. How could I tell him about Harley? I don't know. Ayaw kong kakasimula pa lang ng relasyon namin ay mag aaway na kami o magkakaroon ng misunderstanding.

No... I don't want to lose him now. Not now when I am so vulnerable and I badly needed someone. Oo nga at nagiguilty ako kasi ang kinalabasan, ginagamit ko si Rex para panangga kay Harley, ginagamit ko siya para pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko, at ginagamit ko siyang panakip butas. Pero kanino ako kakapit? Pakiramdam ko maloloka ako. Ayaw ko nang maramdaman ang naramdaman ko dati.

It was painful, so very painful...

Kuya Ralph, Kuya Jude and Kuya Gab literally forced me to go home. Binuhat ako na parang sako ni Kuya Jude at nakahawak sa paa ko si Kuya Ralph at sa mga kamay ko si Kuya Gab kasi nagpipiglas ako. I was so determined to cross the flooded river at hirap silang pigilan ako. I was crying, I was hysterical, I was inconsolable. Basang basa na kaming apat, ilang beses akong muntik nang mabitawan ni Kuya Jude and everytime their grip loosens, I would attempt to return to the river , to the clearing. Ilang beses akong minura ni Kuya Jude. Mga murang kahit kailan hindi ko narinig mula sa kanya. Kung pwede nga lang sigurong suntukin niya ako para mawalan na ako ng malay baka ginawa na niya para lang mapadali ang buhay nilang tatlo. Nilakad nilang tatlo pabalik ng bahay habang buhat ako ni Kuya Jude. Hindi na nila nagawang sakyan ang kanilang mga kabayo kasi hindi ako kayang kontrolin.

Pagdating sa bahay, naririnig ko ang panic sa boses ni Mommy pero halos hindi ko na maiintindihan ang sinasabi niya. I was hurting and I was cold. My voice is hoare because of crying. Pinaliguan ako ni Mommy at iyak pa din ako ng iyak habang pinapaliguan niya ako.

"Mommy...iniwan ...na...ako ni Harley." I said while sobbing. Hindi nagsalita si Mommy pero naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Hindi na niya pinansin na nababasa na din siya ng shower. She hugged me and I cried even harder. Parang dinig na dinig ko ang pagkapunit ng puso ko sa bawat hikbi ko.

Nung nabihisan na ako, pinainom ako ni Mommy ng gamot at nakatulog ako pagkatapos.

Nagising ako na sumasakit ang ulo, sumasakit ang katawan at sumasakit ang puso. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Parang nag usap usap ang buong katawan ko at napagkasunduan na sasakit silang lahat. Mabigat na mabigat din ang mga mata ko kaya pinili ko na lang na pumikit. Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nakatulog o ilang araw. Minsan naririnig ko ang mga taong pumapasok sa kwarto, kinakausap ako, pinapakain ako.

Nung nagising na ako, nasa hospital na ako. Nagkasakit daw ako ng isang linggo at isang lingo na din akong nasa hospital. Kinakausap nila ako pero hindi ako nagsasalita. Nakatulala lang ako sa hospital bed ko until Dr. Marquez came. Kinausap niya ako pero ganun pa din. I just refused to talk kasi pakiramdam ko kapag nagsalita ako, sasabog ako, so I keep quiet.

Pinauwi na ako sa bahay kasi physically maayos na ang lagay ko but still Dr. Marquiz kept on seeing me pero walang nangyari hanggang sa tumigil na lang. Kaya naman laking gulat ng lahat ng isang araw lumabas na lang ako ng kwarto at sinabing late na ako sa enrollment.

That was my coping mechanism. That was my shield. To forget about Harley pero ngayong naalala ko na ang lahat, my emotions are again expose and I need someone to protect me from it.

Rex.

I will never let go of him. Susubukan ko sa lahat ng makakaya ko na ibigay sa kanya ang kaya kong ibigay just for him to be beside me.

Bumagal ang lakad ko papunta sa kotse ko nung makita ko si Harley na nakasandal sa bigbike niya. Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko pinagsisihan kung bakit tumanggi ako sa dinner invitation ni Rex. Ngayon ko pinagsisihan kung bakit nag overtime pa ako. Sa loob ng isang linggo, Rex had been my constant companion. Pinupuntahan niya ako kapag lunch at sabay kaming magdinner. Nagkataon lang na tumambak ang trabaho ko kanina at may tinatapos ako kaya tumanggi ako sa invitation ni Rex.

Sa loob din ng isang linggo, hindi ko sinasagot ang mga tawag at text ni Harley. Naisip ko, magsasawa din siya. Titigilan din niya ako. Akala ko nga nangyari na yun kanina dahil tumigil na siya sa pagtawag at pagtext pero ngayon nasa harap ko na siya at gusto kong tumakbo.

Lalagpasan ko na sana siya nung bigla siyang nagsalita.

"You've been avoiding me." Napapikit ako at napatigil.

"Napansin mo pala." Kalmadong sabi ko kahit na nagwawala na ang buong pagkatao ko. God, how I wanted to run away from him.

"Angela, akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Why do you keep on dating that guy?" Iritado ang boses niya at halatang pinipigilan lang niya ang sarili niyang sumigaw.

"Saan tayo nagkakaintindihan Harley? At bakit bawal akong makipag date kay Rex?"

"Damn it! Alam mo kung bakit!" Tumaas na ang boses niya and I flinched.

"Hindi ko alam kung bakti pinagbabawalan mo ako. Kaano ano ba kita? Hindi kita kaano ano. Kung may bawal man, yun ay ang pagtawag at pagtetext mo sa akin. Wala kang karapatang pagbawalan akong makipagdate sa boyfriend ko!" Hindi ko na din napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Boyfriend?" Napalunok ako dahil kahit na mahina ang pagkakasabi niya, pakiramdam ko mas nakakatakot pa yun kesa sa pagsigaw niya.

"Sinagot mo siya?" he said through gritted teeth. Napaatras ako.

"Sinagot mo siya Angela?" He repeated but this time, tumaas na ulit ang boses niya. Hindi ako nakapagsalita. I am shocked by the anger in his voice, in his eyes. I have never seen him this angry.

Galit na tumalikod siya sa akin at naglakad habang hinihilot ang batok niya. Then he paced back towards me pero tumigil siya sa tapat ng bike niya.

"Fuck!" He kicked his bike. Napatalon at napatili ako dahil sa gulat. Nakatulala akong nakatingin sa natumba niyang bike. Napatingin din ako sa nakakuyom niyang mga kamay at natatakot ako na baka suntukin niya ako. No Harley, was never violent. Pero ano nga ba ang alam ko sa kanya? Wala na akong alam sa kanya simula nung umalis siya.

"Umalis ka na." He said in a controlled voice. Hindi ako gumalaw. I am so scared.

"Umalis ka na!" This time tumalon na ako dahil sumigaw na siya kahit na hindi siya nakatingin sa akin.

Naiiyak ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Dali dali akong naglakad papunta sa kotse ko at sumakay. Kulang na nga lang tumakbo ako palayo kay Harley. Nung nasa loob na ako ng kotse tiningnan ko siya and he is still unmoving on his spot. Nakayuko siya at nakatingin sa bike na nakatumba pa din.

I turned on the engine at nagmaniobra kahit na nanginginig ang kamay ko. I turned a blind eye when I passed by him pero hindi ko napigilan ang sarili kong lumingon sa side mirror nung makalagpas na ako sa kanya.

What I saw broke my heart.

Harley on his knees on the cemented floor of the parking with his shoulders shaking.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now