Chapter 30

46.4K 1.5K 100
                                    

Chapter 30

Ilang segundo o minuto ata akong nakatulala habang nakatingin sa kanya na papaakyat sa hagdan. Nagulat ako sa pagsigaw niya sa akin. For a while, I thought that he's not the Harley that I used to know. I was shock, at the same time I feel the squeezing of my heart when I saw the pained expression on his face. Parang nasaktan din ako na dapat ay hindi ko nararamdaman.

I should be mad at him for kidnapping me on the day of my engagement. Dahil sa naisip ko, bigla akong natauhan.

Si Rex!

Ano ang iisipin niya sa hindi ko pagdating sa engagament party namin? Mapapahiya siya, mapapahiya sila ng pamilya ko. Kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong makabalik at masabi ang nangyari sa akin.

Tumakbo ako papunta sa front door at binuksan. Mabuti na lang at hindi naka lock which is weird considering that he'd kidnapped me. Hindi ba dapat nakakaulong ako para hindi ako makatakas?

But soon, pagkalabas ko ng bahay, I realized that he doesn't have to lock the door. Kung makakalabas man ako sa bahay, hindi naman ako makakatakas sa lugar. Pagkalabas ko ng bahay na nakatayo sa isang cliff napansin kong nasa isang cove ako. Sa harap ng bahay ay may hagdan pababa papunta sa dalampasigan at sa likurang bahagi ay forest. Thickly dense forest. Walang pag asa na makakatawid ako sa dagat at malabong papasok ako sa gubat para makipagsapalaran. With all the worms and insects inside that forest, I would never dare.

Shit!

Naglakad pa ako pababa sa stone stairs papunta sa seashore para makahanap ng madadaanan pero bago yun, lumingon ako sa bahay.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko si Harley na nakatayo sa terrace at nakatingin sa akin. Hindi ko makita ang expression ng mukha niya pero alam kong nakita niya ako. Sino ba naman ang hindi makakakita sa akin? I'm wearing a red gown!

Umiwas ako ng tingin at nagmamadaling bumaba sa hagdan and I found myself in a dock. Napatingin ako sa kalawakan ng dagat at nakita ko sa malayo ang isang boat. Nabuhayan ako ng loob. May susundo na ba sa akin? Makakaalis na ba ako dito? Naglakad ako hanggang sa dulo ng dock at sinalubong ang paparating na yacht. Yes, it's a yacht.

I waited for it to dock and waited for the passengers. Unang lumabas ang dalawang lalaki na nakajacket na item tapos isang middle aged woman at isang babae. Sa kanilang apat napatutok ang mga mata ko sa middle aged woman, She looked familiar. I was looking intently at the woman when she stopped walking and looked my way. Nagkasalubong ang tingin namin at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Raziel? Raziel Villegas?" It was then that I realized who she is.

"Aling Mel?" Hindi ako makapaniwalang siya na ngayon ang Nanay ni Harley. She looked gorgeous. Alam ko naman dati pa na maganda na siya pero may nag iba na sa kanya. She looked regal. Dahil siguro sa klase ng pananamit niya?

"Ikaw ang kasama ni Harley dito?"

"Opo." Nangunot ulit ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Halika ka. Bakit ka ba naglalakad ng nakapaa?" Napatingin din ako sa paa ko.

Sumunod ako nung naglakad si Aling Mel at nagkamustahan kami habang naglalakad. Nalaman ko din na bodyguard niya pala ang dalawang lalaki.

Mahinahon lang siya habang nakikipag usap sa akin. Tinanong pa niya ako kung paano ako nakarating sa beach house daw nila at sinabi ko naman ang totoo. She just looked at me but didn't react. Akala ko, wala lang sa kanya pero pagkapasok namin sa loob ng bahay at naisara ang pinto, habang naiwan ang dalawang bodyguard at ang isang babae sa porch, nakita ko na biglang nag iba ang mood niya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya.

When Princess FallsOnde histórias criam vida. Descubra agora