Chapter 18

58.6K 1.9K 169
                                    

Chapter 18

"Masaya ka!?" Napatingin ako kay Harley dahil sa klase ng pagkakasabi niya. Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o nang iinis. Punong puno kasi ng sarcasm ang boses niya.

Naglalakad kami ngayon papunta sa mga sasakyan namin. Humiwalay si Rex kasi nasa kabilang part siya nakapark.

"Of course. Who wouldn't? Hindi ko naman ineexpect na magkikita pa kami ni Rex. Akala ko talaga wala nang pag asa ang naunsiyami kong pag ibig pero ngayon...nakakita ako ng pag asa. Hindi lang basta basta pag asa. Isang kumikinang na pag asa." I said dreamily. May kasama pang kumpas ng kamay sa kalangitan.

"Pag ibig talaga? Hindi ba pwedeng crush lang?" Ngumuso ako at tiningnan ko siya.

"Sa tingin mo, sa edad kong 'to, bagay pa sa akin ang magkacrush? At hindi, hindi ito crush. This is love." Madamdaming sabi ko.

"Hindi ka naging ganyan kasaya nung dumating ako." May halong tampo ang boses niya. Haaayyy Harley.

"Eh kasi nga..." I stopped midway when I saw Rex's car coming out of the parking.

"Nakaboxster pa din pala siya." I looked at Rex's Porsche Boxster with awe.

"Alangan naman na nakahubo." Commented Harley but I ignored his comment. Busy ako kaka-admire sa sasakyan ni Rex. Naalala ko kung gaano kasarap ang sumakay sa boxster niya.

"Alam mo ba na mabango ang boxster niya?"

"Naamoy mo?" Gulat na sagot niya at ngumiti ako sa kanya and my smile turned into a grin.

"Hindi lang naamoy. Nahawakan ko pa. Nakita ko din ang loob ng boxster niya at nasakyan ko pa!" I proudly said and grinned wider. Lumingon ako kay Harley na nakatingin din sa sasakyan ni Rex. Nakakunot na ang noo. Maya maya humarap siya sa akin. A blush is starting to crept up his face at mukhang galit na galit siya.

"Ano!? Akala ko ba magpapari siya nung nagkakakilala kayo?" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Bakit ba siya nagagalit?

"Oo nga. Bakit pag magpapari ba, bawal magpahawak ng boxster? Bawal makita ang loob? Bawal sakyan?" Anong masama doon? Hindi kesyo magpapari ay hindi na pwedeng magkaroon ng magarang sasakyan.

"Oo naman! Bawal yun. Hindi ba niya alam yun? At ikaw naman, bakit ka pumayag? Angela naman!" Hindi lang inis ang nakikita ko sa mukha niya. I can also see frustration.

"Walang masama dun Harley kasi hindi naman na kami mga minor. Tsaka maingat siya kaya kampante ako na hindi kami madidisgrasya." Ano ba ang pinagpuputok ng butse niya? Mas risky pa nga ang motor niya kaysa sa sasakyan ni Rex.

"Hindi ka nakakasigurado. Ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga!" Tumalikod na siya at pumunta sa bike niya. Ano ba ang problema nun? Kinamot ko ang kulot kulot kong buhok sa frustration. Hindi ko na talaga siya kilala. Bahala na nga siya sa buhay niya. Binuksan ko na din ang pinto ng kotse ko at sumakay. Nagkahiwalay na kami ng way after ng threesome lunchdate na iyon. Si Harley bumalik sa pinanggalingan namin, si Rex may pupuntahan pa daw at ako, ang haba talaga ng hair ko!

I was grinning while lying on my bed. Kinikilig pa din ako sa idea na nagkita kami ni Rex and shucks ang pogi pa din talaga niya. I cover my mouth with my pillow and screamed. Then I felt my phone vibrate. I opened it and read the message.

From: 0919XXXXXXX

I was not given a chance to say this, but I missed you. I really do.

Nangunot ang noo ko sa pag iisip kung kanino galing ang message but then, alangan naman na si Harley ang magtetext, hindi naman niya alam ang cellphone number ko kaya malamang si Rex ang nag text. Binigyan ko kaya siya ng number ko bago siya bumalik sa seminary. Kinilig na naman ako at bago pa ako maconsume ng kilig at maging kilig monster, I saved the Rex's number to my contacts and hit the reply button.

Pero hindi ako kaagad nakareply, hindi dahil sa nagpapapikot ako kundi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Should I say that I've missed him too? Hindi kaya masyado akong easy at baka ma turn off siya? Naku sayang. Nag isip ako ng magandang reply pero hindi pa ako nakakacompose ng message when my phone beeped again.

From: Rex

Can I see you again tomorrow?

Napaupo ako bigla sa kama. Pakiramdam ko kasi hindi na ako makahinga kaya tuloy kinailangan ko pang mag deep breathing exercise. Nung kumalma na ako nang kaunti binuksan ko ulit ang phone ko and hit reply.

Suirre.

I typed and send immediately at huli ko na napansin ang mali maling spelling sa reply ko. I was about to correct my message by resending it pero bigla akong na lowbat.

Kainis naman! Hindi man lang nakikisimpatiya sa kalandian ko ang cellphone na to. Padabog akong tumayo at kinuha ang charger tapos isinaksak sa outlet ang phone. I am tempted to open my phone while charging pero nanaig ang takot ko na baka pumutok ang phone ko kapag ginamit ko habang nagchacharge.

Di bali, tomorrow never dies and I will meet the guy who will love me, the man with the golden gun. Napahagikgik ako sa naisip. Pumuputok kaya ang baril ni Rex at golden nga kaya ang kulay? Kung hindi naman gold ang kulay, lalagyan ko na lang ng caramel para magmukhang gold. Masarap pang kainin! Nakatulog ako with that thought na may ngiti sa mga labi kaya naman maaga at maganda ang gising ko. ito ata ang first time na pumasok ako na excited sa opisina at sobrang aga pa. Iba na talaga ang nagagawa ng pag ibig na wagas at tunay.

Wala pa ngang traffic habang nagbabyahe ako. Another first para sa akin kaya ninamnam ko ang trafficless EDSA. Ang bilis ko tuloy makarating sa office pero nagulat pa ako nung makita kong sarado pa ang buong building. Napatingin ako sa mga guards na nakaformation at kinakausap ng head ng security tapos napatingin ako sa relo ko.

5:32AM

Nahampas ko ang noo ko. Bakit ba hindi ko naisip na 7AM bumubukas ang opisina? Sa sobrang excitement ko, nakalimutan ko nang tumingin sa relo. At dahil andito na rin lang ako malapit sa office, nagdrive na lang ako papunta sa malapit na 24 hours coffee shop. I parked my car at pumasok na sa shop. Nag order ako ng macchiato at croissant sa inaantok pang bartender at dahil wala pang masyadong tao sa shop I have the luxury of sitting in one of their leather seat na usually ay wala nang bakante.

I slowly ate my croissant and drink my coffee while thinking kung ano ang gagawin ko sa loob ng dalawang oras habang naghihintay na magbukas ang office. Kung hindi ba naman kasi ako tangasana naghihilik pa din ako ngayon. Hay naku! Pag ibig na makapangyarihan, napapagising ng maaga kahit ang taong batugan.

Nakaka-30 minutes na ako sa shop at lumalamig na ang kape ko nung bumukas ang pinto. Napatingin ang mga service crew sa pumasok, napatingin ang tatlong customer at siyempre pati ako napatingin kasi napatingin silang lahat. Alangan naman na hindi ako makikiuso.

"Good morning Sir." Sabay sabay na bati ng mga crew. Kulang na lang lumuhod at magbigay pugay tapos alayan ng birhen ang pumasok. Ganun kalakas ang dating ng pumasok. Napatigil din sa pagsipsip ng kanilang mga kape ang ibang customer kasi ubos na ang mga kape nila.

The guy is wearing a white v-necked shirt underneath a black jacketand a faded blue jeans na hapit na hapit sa kanyang mahabang legs na wala na akong choice kundi tingnan kung hanggang saan ang hapit ng pants. Kung umabot ba sa...waist? At napalunok ako sa kadahilanang hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi nanuyo ang lalamunan ko. The guy in his more than six feet tall glory is oozing with pure and unadulterated sex appeal. Sino ang hindi mapapatingin?

Umakyat ang tingin ko sa dibdib ng lalaki and I can see the rippling muscles underneath that white shirt. Pinilit kong hindi lumunok, kasi nakakahiya sa laway ko, nagkakaroon na ng shortage and my eyes goes higher to that striking jaw with a hint of 1-day stubbles, to the moist pinkish lips, then to the prominent and pointed nose and to the deep setted gray eyes that is almost covered by long thick lashes.

Gray eyes?

Napakurap ako.

Shit!

What the!

Nagtama ang mga tingin namin and he smiled then acknowledge me by winking.

Tumigil ata ang puso ko.

Eb����S��

When Princess FallsWhere stories live. Discover now