Chapter 35

45.6K 1.4K 144
                                    

Chapter 35

Don't cry. Gaga ka ba? Bakit ka iiyak?

I berate myself as I maneuvered Lady Gaga away from Harley's house. . Pinilit kong hindi tumulo ang namumuong luha sa mga mata ko. Hindi na ako iiyak para kay Harley. Sobra-sobrang luha na ang naibuhos ko dahil sa kanya. Ano ngayon kung may kasama siyang babae? Ano ngayon kung sweet sila? Ano ngayon kung parang katapusan na ng mundo kapag tumawa sila? Ano ngayon? Ano ang pakialam ko? Anong karapatan ko?

Ayaw ko na sa kanya kaya dapat hindi na ako nakakaramdam ng kahit na ano. Si Rex na ang gusto ko. Si Rex na ang mahal ko kaya hindi na dapat ako maapektuhan at dapat ipakita ko na hindi ako apektado sa nakikita ko.

Kaya ano ang ginagawa ko at para akong tangang nagtatakbo palayo sa kanila? Huminga ako ng malalim saka ko pinabalik si Lady Gaga sa bahay nina Harley. Nung malapit na ako, nakita ko silang nag uusap pa din sa may porch.

Ano? Walang katapusang pag uusap? Wala na bang bukas?

Himutok ng isang bahagi ng isip ko pero agad kong inalis ang isiping yun. Napatingin sila sa akin nung malapit na ako. Gusto ko na namang umatras at sipain ang sarili ko dahil sa naging desisyon ko pero huli na ang lahat. Nasa harap na kami ng porch nina Harley at nakatingin na sila sa amin ni Lady Gaga.

"I'm really sorry if my horse bolted out like that. May nakita atang ahas kaya biglang natakot. Hindi man lang ako bumati." Sabi ko habang bumababa kay Lady Gaga. Hindi ko alam kung napansin nila ang pag emphasize ko sa salitang 'ahas'. Itinali ko si Lady Gaga sa tabi ng puno at hinimas ang mukha niya.

"Wag kang mahiyang tumae sa lawn ha." Bulong ko kay Lady Gaga bago ako humarap kina Harley.

"Hi!" Nakangiting sabi ko sa dalawa pero nakafocus lang ang tingin ko sa babae. Ayaw kong tingnan si Harley kahit na ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin.

"Hi! Ngayon lang kita nakita dito. You're not from here?" Hindi ko alam kung maarte lang talaga siya magsalita o bias lang ako at naartehan ako sa manner ng pagsasalita niya.

"Sort of. Nagbabakasyon ako kina Grandma. I'm Raziel. Angela Raziel Villegas." Iniabot ko ang kamay ko sa kanya at kinamayan niya ako.

"Hello. I'm Cynthia." Ngumiti ako sa kanya at sumulyap kay Harley.

"Hi Harley." Maikling sabi ko at tumingin ulit kay Cynthia. Hindi ko na siya hinintay na magsalita o kahit man lang tingnan ang reaksiyon.

"Anyway, nag iikot ikot ako nung maisipian kong bumili ng macapuno kina Annete kaya napadaan ako at nagtaka ako na may bagong bahay dito kaya napatigil ako." Liar! Liar! Shouted my whole being.

"You're not from here ano? Kasi matagal na itong bahay nina Harley, pinarenovate lang." I know! I wanted to shout at her face but I restrain myself. Kailangan kong kumalma kasi kailangan kong ipakita sa kanila lalong lalo na kay Harley na hindi ako apektado kahit ano pa ang gagawin niya sa buhay niya.

"Yes hindi ako taga dito pero palagi naman kaming bumibisita kina Grandpa. Hindi lang ako nagagawi sa lugar na ito. Anyway, I need to go." Napatingin ako kay Lady Gaga na tahimik na nakatayo lang sa gilid ng puno.

"Why don't you join us for lunch?" Biglang sabi ni Harley na nagpalingon sa akin. As if on cue, lumabas ang isang katulong na may dalang tray na may mga pagkain at inilagay sa mesa na nasa porch.

"Thank you Harley pero baka kasi hindi ko maabutan si Annette."

"I'll call Annette. Para na din dadalhin na lang sa ancestral house ang mga buko." Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at nagsimulang magdial.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now