Chapter 43

96.2K 2.2K 493
                                    

Chapter 43

"Si Rex! Si Rex!" Excited na sabi ko habang nakatingin kay Rex. Ang laki ng ngiti ko at hindi ko talata mapigilan ang excitement na nararamdaman ko.

"Harley! Si Rex!" Kulang na lang tumili ako dahil sa tuwa pagkakita ko kay Rex. Kung hindi siguro hawak ni Harley ang kamay ko, baka tumakbo na ako papunta kay Rex at niyakap siya ng mahigpit. Katulad pa din ng dati ang epekto niya sa akin kapag nakikita ko siya. Parang lumiliwanag ang mundo.

"Nakikita ko." Walang ganang sabi naman ni Harley pero hindi ko na pinansin ang reaksiyon niya. Masyado akong masaya para punain pa ang mood niya.

Naglakad papalapit si Rex sa amin at hindi talaga maalis ang ngiti sa mga labi ko. Gwapong gwapo ang paningin ko sa kanya. Mamula mula ang pisngi niya at parang umitim siya ng kaunti. Saan kaya siya nagpunta these past months?

"Hi Raz." Nakangiti ding sabi niya pagkalapit niya sa amin.

"Hello Rex!" Kulang na lang magtitili ako sa kilig pagkasabi ko nun. Hindi nakaligtas sa akin ang masamang tingin na binigay sa akin ni Harley.

"Hi Harley? Kamusta pare?" Nakangiti ding bati niya kay Harley.

"Mabuti naman. Pero mas mabuti sana kung di ka na lang dumating." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Harley dahil sa sinabi niya.

"Harley! Ano ka ba!" saway ko sa kanya. Kadarating lang nung tao tapos yan ang isasalubong niya?

Napatingin din ako kay Rex para tingnan kung na offend ba siya sa sinabi ni Harley pero nakangiti pa din siya.

"It's okay Raz. I totally understand him." Ahh...napakabait talaga ni Rex. I'm so glad to have known him.

Nawala na ang tampo ko sa ginawa niyang pagpapaubaya sa akin kay Harley dahil alam ko naman na iniisip lang niya ang nakakabuti para sa akin. Isa pa, parang ang hirap magtampo o magalit sa isang tulad niya.

"Pasalamat ka mabait talaga si Rex." Siniko ko si Harley na ngayon ay nakasimangot na.

"Yeah right. Gusto niyo ba ng meryenda? Ikukuha ko kayo." Malamig pa din na sabi niya.

"Sige. Gusto ko ng orange juice. Damihan mo ha. Tapos may niluto ata na ginatan. Damihan mo ang para kay Rex." Mabuti naman at bumawi na siya sa pangit na pinakita niya kay Rex kanina.

Narinig ko pa siyang bumulong nang kung ano bago kami iniwan ni Rex pero hindi ko na din pinansin. Ang importante sa akin ngayon, kaharap ko si Rex. Sana maging kamukha niya ang anak ko.

"Take a seat." Umupo siya sa chair na inupuan ni Mira kanina.

"Kamusta ka na?"

"I'm okay Raziel and I'm glad to know that you're doing well. Hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko na ipaubaya ka kay Harley. He is good for you." Napaismid ako sa sinabi niya.

"Pinikot niya kaya ako!" Tumawa siya sa sinabi ko pero tumigil din nung nakita niyang masama na ang tingin ko sa kanya.

"You don't look like it. Mukhang masaya ka naman sa preparation ng kasal niyo. In fact, you're blooming." Nakikita ko ang tuwa sa mga mata niya at halatang tinutukso na niya ako.

"Hindi ka naman siguro pumunta dito para tuksuhin ako di ba?"

"No...napadaan ako kasi may sinamahan ako na malapit lang dito ang pinuntahan. Isa pa gusto ko din makausap si Ralph tungkol sa negosyo."

"Ganun? Hindi ako ang ipinunta mo? Sino naman ang kasama mo?" Akala ko pa naman binisita niya ako.

"Kasama ko si Gad." Nakangiting sabi niya at nakita ko ang biglang pagkislap ng mga mata niya. Hays tama nga lang sigurong hindi kami nagkatuluyan kasi halata namang ang puso niya ay kay God talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Princess FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon