Chapter 5 (1/10/2015)

78.1K 2.5K 285
                                    

Chapter 5

“Ano ba!” Sigaw ako ng sigaw habang hinahatak niya ako going to God knows where. Ang lakas ng hawak niya sa kamay ko hindi ako makapiglas. Ang kapal ng mukha! Ang kapal ng mukhang hatak hatakin lang ako ng ganito! Kung hindi lang ako takot na baka madapa ako or something talagang magmamatigas ako.

“Hubarin mo ang boots mo.” Utos niya nung nasa ilog na kami. What the hell! Bakit ako maghuhubad ng boots?

“What!?” This guy is unbelievable.

“Kung ayaw mong mabasa ang boots mo hubarin mo yan at tatawid tayo sa ilog.”

Nanlaki ang mga mata ko. Tatawid kami sa ilog? At bakit?

“Why do we need to cross the river? Magpapakita ka lang naman ng pagkalalaki di ba?” Ugh! I know it sounds awful pero yun naman talaga ang gagawin niya. Why sugarcoat it.

“At sa tingin mo, ipapakita ko sa’yo yun dito sa gitna ng manggahan sa ilalim ng tirik ng araw?” Kunsabagay, may point naman siya. Baka nga naman may makakitang iba. Maybe he’s looking for a more secluded place. Siguro, sa ilalim ng ilog? Para ako lang ang makakita? And why am I even anticipating it?

Of course not! Hindi ko naman gustong makita noh! Siya lang itong hatak ng hatak sa akin.

“Hubad na!” Naiinis na sabi niya and it sounds off to my ears.

“I wouldn’t strip…” I said but he cut me off.

“Ng sapatos.” Sabi niya.

“my boots!” I said defiantly raising my chin up.

“Hay naku ang arte. Nagtatagal tayo eh. Sige na, kung ayaw mong hubarin yang boots mo, sumakay ka na lang sa akin.” He said. Nahintakutan ako. What the hell. Why would I ride him? Kidlatan kaya siya sa mga sinasabi niya.

“At bakit ko naman yun gagawin? Sinuswerte ka!” Ang kapal talaga ng mukha niya.

“Alangan naman na ako ang sumakay sa’yo!” Nanlalaki na ang mga mata ko.

“How dare you! Pervert.” Sasampalin ko na sana siya pero nahawakan niya ang braso ko.

“Oi foul yan mahal na prinsesa. Walang sakitan pwede? At kinaklaro ko lang sa nilulumot mong utak ang gagawin natin.” I glared at him. Gagawin namin? As if I would be willing to do it with him. Mamamatay muna ako.

“Sasakay ka sa likod ko, kasi tatawid tayo sa ilog kasi ayaw mo namang hubarin yang boots mo. Sayang naman kung mabasa yan. Mukhang mamahalin.” His voice is laced with sarcasm.    Napahiya ako sa sarili ko. Ano ba kasi ang pinag iisip ko? Pero aamin ba naman ako? Of course not.

“Kaya nga ayaw kong sumakay sa’yo. I mean sa likod mo. Why would I do that? First, we’re not even friends and I don’t even know you. Second, I am not interested in seeing your so called pagkalalaki. Paki ko ba?” Akma na akong tatalikod pero nahawakan niya ulit ang braso ko.

“Sa lahat ng ayaw ko ay yung kinukwestiyon ang pagkalalaki ko at patutunayan ko sa’yo na lalaki ako.”

“Fine! Eh di lalaki ka na!You don’t have to show it.”

“Wala ka pala eh. Wala kang paninindigan.”

“Ano?”

“Hindi mo kayang panindigan ang opinion at ang mga sinasabi mo.” Naningkit ang mga mata ko. Sa pamilya ng mga lawyers, isang malaking insulto ang masabihan na walang paninindigan.

“Fine! Nasaan na? Nasaan na ang ipinagmamalaki mong pagkalalaki. Siguraduhin mo lang na malaki yan dahil kung hindi..hay naku!” Gigil na sabi ko bago ako umirap sa kanya.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now