Chapter 20

61.7K 2.2K 209
                                    

Chapter 20

Grabe yung si Harley, nakakastress. Kinunsensiya ba naman ako ng bonggang bongga at ako naman nakukunsensiya. Pero kasalanan ko ba kung nakapag move on ako at siya hindi? Madali nga ba akong nakalimot? Bakit nakalimutan ko siya agad? Hindi ko ba siya sobrang minahal? Why didn't I hold on to our love at bakit parang nakalimutan ko kung paano ko siya minahal?

Alam kong nasaktan ako nung umalis siya. Siguro nga sobra akong nasaktan pero hindi ko na maalala kung gaano kasakit. Ang alam ko lang, according to Kuya Jude and Kuya Ralph, they have to carry me para lang maiuwi sa house kasi ayaw kong umalis sa clearing kahit malakas na ang ulan. Sabi nila, kailangan pa daw nila akong pigilan kasi gusto kong tumakbo sa ilog kasi gusto kong puntahan ang bahay nila Harley. Tinutukso pa nga nila ako dahil doon pero todo tanggi ako kasi wala akong maalala na ginawa ko yun. But I vaguely remember na nilagnat ako kinabukasan and it lasted for a week. Sa loob ng isang lingo na may sakit ako, wala akong matandaan. Basta ayaw kong lumabas ng kwarto ko nung gumaling ako at hinayaan lang nila ako hanggang sa nagdeclare nga ako na mag eenroll nga ako and the rest is history.

Ngayon bumalik itong si Harley acting like what we had before is the greatest love of all. Naguguluhan tuloy ako. Pero hindi ako dapat maguluhan lalo na at may lunchdate kami mamaya ni Rex.

Speaking of Rex, hindi pa siya nagtext ulit simula kagabi and it's 10 minutes before 12. Aligaga na ako. Naka ilang balik na ako sa washroom para mag retouch. Kinuha ko ang mirror sa drawer ko and checked my face. Okay pa naman, flawless pa rin at fresh na fresh. Ang ganda ko talaga. I grinned.

I was still grinning nung bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Kuya Ralph.

"Ikaw!" Bungad agad niya na para bang may malaki akong kasalanan sa mundo.

"Ano?" I said na nakataas ang kilay.

"Malaki ang kasalanan mo." Naupo siya sa sofa na katapat ng mesa ko.

"Anong malaki? Hindi kaya! Sinabi ko lang naman kay Ana ang surprise mo sa birthday niya. Para namang pinagtaksilan ko ang Diyos kung makaakusa ka.Hmp!" Kinuha ko ang cellphone ko sa table at tiningnan kung may message kahit na alam kong wala dahil hindi naman tumunog. Pero nagulat ako nung tumaas bigla ang boses ni Kuya Ralph.

"Sinabi mo!?" Nanlalaki ang mga mata na sabi niya at napatayo siya bigla mula sa sofa na kinauupuan niya.

"Oo. Bakit? Akala ko alam mo nang alam na ni Ana." Hindi ba niya alam? Hindi ba yun?

"Bakit mo sinabi!? Takte naman Raziel! Ilang buwan kong pinag isipan yun." Namumula na ang mukha ni Kuya Ralph sa inis or maybe...galit?

"Nagtanong kasi siya kung ano daw ba ang regalo mo sa kanya sa birthday niya. Ayun sinabi kong European cruise. Natuwa nga siya eh." Ang laki ng ngisi ko while Kuya Ralph is glaring at me.

"Di ba sinabi kong surprise yun?" Lumayo ako ng unti. Baka bigla niya akong bigwasan. Madungisan pa ang fresh face ko.

"Oo nga. Huli ko na naalala na surprise pala yun. Pero on the contrary, na surprise naman siya. Tapos sinabi kong wag niyang sabihin sa'yo na alam na niya. Akala ko, pinagtaksilan na ni Ana ang friendship namin." I said smiling.

"Langya naman Raziel."

"Pero teka nga Kuya, akala ko naman yun ang kasalanan ko. Kung hindi pala yun, ano ang kasalanan ko?" Ibig sabihin may iba pa akong kasalanan? Hindi ko pa naman nilalason ang apo ni Lilac ah. Plano pa lang.

"Pinagtaksilan mo ang Diyos. Inagawan mo ng alagad." Madiin na sabi niya. Nangunot ang noo ko.

"Hindi kaya! Ang bait ko nga eh."

"Mabait ka dyan! Ano ang ginawa mo kay Rex at lumabas ng seminaryo ha?" Puno ng pag aakusa ang boses ni Kuya Ralph pero hindi ako apektado. I automatically smiled when I heard Rex's name.

"Wala ah! Nananahimik ako sa isang banda."

"Kung wala kang ginawa, bakit nasa lobby ngayon yung tao at may bitbit na bouquet ng bulaklak? Aber? Sagutin mo babae ka!"

"Talaga Kuya!?" I suddenly jumped on my chair. Bigla akong kinabahan, ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko kumukulo ang tyan ko dahil sa excitement. Agad kong kinuha ang mirror ko at tiningnan ulit ang mukha ko. Teka, nagulo ng unti ang hair ko.

"Hoy!" tawag sa akin ni Kuya Ralph kasi nakalimutan ko na ang existence niya.

"Maganda na ba ako?"

"Makasalanan ka. Anong ginawa mo sa kaibigan ko ha? Alam mo bang grade school pa lang kami pangarap na nun magpari? Utang na loob ko sa kanya ang ibang babaeng dumating sa buhay ko kasi pumupunta sa akin ang mag babaeng di niya pinapansin." Nanunumbat pa din si Kuya Ralph but I am too excited to care.

"Wala akong ginawa sa kanya. Hinalikan ko lang naman siya sa lips bago siya bumalik ng seminary." I grinned at the memory at hindi ko mapigilang kiligin.

"Ang landi mo Angela Raziel."

"Mas malandi ka pa din sa akin. Kuya umalis ka na sa opisina ko at baka madatnan ka pa dito ni Rex. Masira pa ang lunchdate ko." Lumapit ako kay Kuya Ralph at itinulak siya papuntang pinto.

"Kung makatulak ka. Baka nakakalimutan mo na ako ang president ng kumpanyang ito."

"Si Grandma pa din ang chairman. Overruled ka, kaya tsupi!" Ako na mismo ang nagbukas ng pinto at tinulak palabas si Kuya Ralph. Sakto namang isasara ko na ang pinto nung makita ko si Rex na papunta sa office ko.

"Rex." I said breathlessly. OMG! Ang pogeeee! Pinigilan ko ang sarili kong tumili. Bagay na bagay sa kanya ang cream na pants at ang white polo niya. At tama nga si Kuya Ralph may bitbit siyang isang malaking bouquet of flowers. Hinawi ko ang kulot kong buhok na sumasayad sa sahig at umabot sa EDSA at sinasagaan ng mga bus at train.

"Hi Raz." Nagkatinginan kami and I can't seem to take my eyes off him, ganun din siya. Na mesmerize na kaming dalawa habang nagtititigan sa tapat ng pinto ng opisina ko.

"For you." Sabi niya sabay abot ng bulaklak. Wala sa sariling tinanggap ko ang bulaklak at hindi na talaga maalis ang ngiti sa mga labi ko. Nagmumukha na akong timang. Kahit na pinipigilan ko ang ngumiti, hindi ko kaya. Masyado akong masaya and I can't hide it.

"Can I invite you for lunch?" Sabi niya.

"Oo nga di ba? Teka kukunin ko lang ang purse ko sa loob. Just wait here. I'll be back in a sec." Agad akong tumalikod at pumasok sa loob tapos isinara ang pinto ng office ko. Pagkasara, tsaka ako nagtitili ng impit at nagtatalon. Then I calmed myself at nag ayos ng buhok tsaka kinuha ang purse ko at lumabas sa opisina.

Magkaagapay kami ni rex habang naglalakad sa lobby ng building. Napagdesisyunan namin na sa isang Italian resto kami maglalunch.

Pinauna ako ni Rex nung palabas na kami ng building, nakahawak ako sa braso niya habang nakadantay naman ang isang kamay niya sa likuran ko at inalalayan ako. I was charmingly smiling at him when I saw Harley hurriedly enter from the other side of the rotating glass door.

Napatigil siya nung nagkasalubong ang tingin namin at napatigil din ako sa paghakbang.

"Oh.." Yun lang ang lumabas sa bibig ko at hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa intense ng pagkakatingin niya sa akin.

He looked mad and...hurt.

When Princess FallsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora