Chapter 31

57.3K 1.8K 149
                                    

Chapter 31

Pakiramdam ko, tumigil ang mundo ko at naramdaman ko ang panlalaki ng mga mata ko habang nakatingin sa bahagi ng dagat kung saan nangyari ang aksidente. Damang dama ko ang lakas ng tibok ng dibdib ko at ang panghihina ng mga tuhod. Napaupo ako sa lounge chair na nasa likuran kasi pakiramdam ko, matutumba na ako.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. I raise my hand to wipe my tears but then I noticed that my hand is shaking.

"Harley..." I managed to say despite my shaky voice.

When I recovered from my initial shock, agad akong lumabas ng kwarto at tinawag si Aling Mel. Walang tao sa loob ng bahay kaya lumabas ako at nakia ko na halos lahat ng tao nasa may dock at nakatingin sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. May tatlong jetski na din na papunta sa lugar at sumusunod ang yacht.

Wala si Aling Mel sa dock pero nakita ko si Aling Marina.

"Diyos ko! Sana ligtas si Sir Harley." Bulong ni Marina nung makalapit na ako.

"Aling Marina...si Harley po." Hindi ko napigilan ang pagpiyok. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko para kalmahin ang puso ko.

"Ipagpanalangin na lang natin na walang masamang nangyari sa kanya, hija." Naluluhang sabi ni Aling Marina. Hindi na namin nakikita ang mga nangyari kasi natatakpan na ang yate at ang mga nagrescue kay Harley ng mga bato.

Habang naghihintay kami, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko mawawalan ako ng hangin sa lakas ng tibok ng puso ko. Then, there's the guilt. Alam kong nag away sila ng Nanay niya at alam ko din na ako ang dahilan ng pag aaway nila. Kapag may mangyaring masama sa kanya, hindi ko alam kung kakayanin ng konsensiya ko.

I was on edge the whole time kahit na nung palapit na ang yacht sa amin. Nakahinga lang ako ng maluwag nung dumating ang mga naka jetski at binalitang nakuha na si Harley at hindi naman napasama ang lagay niya.

Bumalik kami sa loob ng resthouse at doon ko tiningnan ang pagdating ng yate sa dock at inilabas si Harley na akay akay ng dalawang tao. A certain part of me wanted to run towards him while he's ushered inside the house but remembering our last encounter made me backed out. Kahit nung iniakyat siya sa sarili niyang kwarto hindi ko nagawang lumapit. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya i-aapproach.

Nagdesisyon akong hintayin na lang munang makaalis ang mga naghatid sa kanya sa kwarto at saka ko na lang siya kakamustahin kung wala nang tao.

Lumabas ako ng kwarto nung gabi na at sigurado na akong umuwi na ang lahat ng bisita ni Harley na mostly ay mga tauhan nila dito sa resthouse.

Bumaba ako ng hagdan kasi nasa second floor ang kwarto niya. Papunta na ako sa kwarto niya nung makarinig ako ng sigawan. Boses ni Aling Mel.

"Tumigil ka na! Ilang beses ko nang sinabi sa'yong wala kang mapapala sa ginagawa mo. Just move on!" Galit ang boses ni Aling Mel. Mukhang pinapagalitan niya si Harley.

"Look at you now? Maawa ka sa sarili mo Harley!" Sigaw ulit ni Aling Mel. Umalis na ako, bago ko pa marinig ang iba pang sasabihin ni Aling Mel.

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi ni Aling Mel. Dahil ba sa alam kong ako ang tinutukoy niya? Dahil ba sa alam kong nasasaktan si Harley dahil sa akin?

Mabigat ang dibdib na naglakad ako palabas ng terrace ng second floor kung saan nakikita ko ang lawak ng dagat. I just stood there doing nothing and looking at nothing. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Ni hindi ko alam kung ano ngayon ang nararamdaman ko. Is it guilt?

Siguro sobrang guilty ako kaya parang ang sakit ng dibdib ko. Siguro dala pa rin ang guilt ang pakiramdam na parang iiyak ako. Kasi bakit ako iiyak? Bakit ako malulungkot? Kung iisipin wala naman akong ginusto sa mga nangyari. Hindi ko naman ginusto na maaksidente si Harley. Una pa lang, naging pranka na ako sa kanya. Sinabi ko na sa kanya na hayaan na lang ako. Hindi ko naman hiniling na hanggang ngayon mahalain pa niya ako, hindi ko naman sinadyang kalimutan siya. Kasalanan ko ba kung naisin ko naman na maging masaya sa piling ng ibang lalaki na sigurado akong mamahalin din ako? Kasalanan ko ba kung maging cautious ako at ayaw ko nang masaktan?

Is it my fault if along the way, in my quest for happiness and stability, I will unintentionally hurt someone?

Napakagat ako sa labi ako habang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako kalungkot. It must be the tranquility of the place that caused me to think things over or to be emotional. Siguro dahil din sa nangyari kay Harley o dahil sa nalaman ko na in a way, pinamigay ako ni Rex.

Because he thinks that I will be happier with Harley. Gusto ko man siyang sisihin, hindi ko magawa dahil alam kong ginawa niya yun para din naman sa akin. Rex will never do something that will harm me. Alam kong mahal niya ako pero sana...sana... kung ayaw niya sa akin sinabi niya. Sana hinayaan niya akong magdesisyon mag isa.

Napabuntonghininga ako para kahit papaano mabawasan ang paninikip ng dibdib ko at pinagpatuloy ang panonood sa kadiliman ng dagat.

"Hindi mo man lang ako kinumusta." Napaigtad ako nung marinig ko ang mahina pero buong boses ni Harley. Pinigil ko ang sarili kong lumingon. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.

"How are you?"

"Still breathing." Narinig ko pa ang mahinang tawa niya pero gusto kong mainsulto sa klase ng tawa niya. Gusto kong mainis kasi nagawa pa niyang tumawa pagkatapos ng nangyari sa kanya. Nagawa pa nyang tumawa samantalang ako kinakain na ng guilt.

"Did you do it on purpose?" He gave me a hollow laugh.

"Parehas kayo ng iniisip ni Nanay. Hindi. Hindi ko sinadyang ibangga ang jetski sa bangin. Nagmalfunction ang jetski. Hindi pa naman ako suicidal. Are you worried?" Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ako lumingon. Tumingin lang ako sa dagat.

Hindi na siya nagsalita at hindi na din ako nagsalita. The silence is becoming awkward. Habang tumatagal ang katahimikan mas nagiging awkward ang sitwasyon. Gusto ko na lang tuloy bumalik sa loob ng bahay at magkulong sa kwarto.

"Kung namatay ba ako kanina iiyak ka? Bibigyan mo na kaya ako ng attention?" Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa boses niya. Bawat salita parang blade na humihiwa sa puso ko. I swallowed the lump in my throat and raised my chin to somehow stop my tears.

"Harley..."

"Sad. Nakakalungkot Angela. Pero siguro kasalanan ko talaga. Kasalanan ko kasi umalis ako at iniwan kita. I wonder, kung hindi ako umalis, siguro hindi ako ngayon nagmamakaawa para sa atensiyon mo. Look at us now, you can't even look at me."

Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

A tear fall down my eyes and rolled down my cheeks.

Tumaas ang isang kamay niya at dahan dahang pinahid ang luha ko. But then another tear fell, and another one and another one. Hanggang sa nagtuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ko. It just keep on falling and I don't have the strength to stop it. Parang ang tagal nilang naipon at parang dam na bigla na lang bumulwak lahat. I cried silently.

He kept on wiping my face pero sa huli tumigil din siya at niyakap na lang ako. I cried on his shoulder.

"Princess..." He murmured at lalo akong napaiyak. Kung kanina tahimik lang akong umiiyak, pagkarinig ko ng sinabi niya, I started sobbing. Ang higpit ng pagkakuyom ko ng mga palad ko.

Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya at hindi ko alam kung gaano katagal. Ang alam ko basang basa na ang shirt niya.

When I calmed down, I remained nestled on his shoulders. Nahihiya ako. What would I say? Anong paliwanag ang sasabihin ko sa breakdown ko?

Pero siguro hindi na kailangan pa ng paliwanag. Hinawakan niya ang balikat ko at dahan dahang inilayo ako sa kanya at nung magkaharap na kami nagkasalubong ulit ang mga mata namin. My tear stained eyes, met his eyes. Nakita kong namumuo din ang luha sa mga mata niya.

Walang nagsasalita, we just looked at each other.

No one dared break the spell as his face lowered down into my face and as his lips claimed mine.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now