Chapter 16 (6/5/2015)

62.6K 2.4K 347
                                    


Chapter 16


"Yeah yeah yeah yeah yeah. Yeah yeah yeah yeah yeah." I headbanged and drummed my hand on the steering wheel of my car while singing my heart out at sinasabayan ang tugtog sa car stereo ko.


"We are taking it easy. Bright and breezy, yeah . We are living it up just fine and dandy, yeah." Nilapit ko pa ang ulo ko sa nakabukas na bintana ng kotse para mas lalong malipad ng hangin ang mahaba kong buhok at mas lalong nilakasan ang pagkanta.  


"We are caught in a haze on these lazy summer days. We're spending all of our nights just laughing and kissing, yeah. And it really doesn't matter that we don't eat . And it really doesn't matter if we never sleep. No it really doesn't matter, really doesn't matter at aaalllllll." Hindi pa ako nakuntento, mas nilakasan ko ang stereo ng lime green range rover ko. Ito ang gusto ko sa probinsiya habang nagbabyahe. Tahimik ang daan. Kahit sumigaw ako sa pagkanta, walang sisigaw at magpapatahimik sa akin sa daan. Tapos pwede ko pang buksan ang bintana ng sasakyan ko para makalanghap ng sariwang hangin.


"Coz we are so young now, we are so young, so young now. And when tomorrow comes, we can do it all again....shit!" Bigla akong napapreno. What the! Bigla kasing may nag-overtake na big bike sa big car ko. Oo nga at mahilig ako sa mga  malalaki pero ayaw ko naman mamatay dahil nadisgrasya ako ng isang malaking bagay lalo na kung hindi naman ito nakakachoke.


Hinintay kong tumigil ang big bike sa di kalayuan at napahinga ako ng malalim nung makita kong si Harley ang sakay ng big bike. He gracefully went down his bike and took off his helmet with the same grace.  I was able to observe him while he is walking towards my car at napalunok ako. I have never imagined Harley to be desirable before. Dahil siguro bata pa ako noon at kakiligan lang at inatupag ko at hindi pa ako masyadong aware sa sexuality ng isang lalaki. Pero ngayon, looking at him, he is every bit of a sexual man. Those long and muscled thighs, those sturdy arms. those intense stare that could melt a woman's hymen and of course ang gandang lalaki niya. Dati pogi lang siya pero ngayon ang tamang description na sa mukha niya ay makalaglag ovary.


"Hi!" Sabi niya pagkalapit niya.


"Grabe ka! Bigla ka na lang sumusulpot."


"Kanina pa ako busina ng busina. Kanina pa ako nakasunod sa'yo pero mukhang may balak kang magconcert hanggang Maynila." Nakangiting sabi niya. Napatawa tuloy ako. Akala ko pa naman walang makakapansin sa pagkanta ko kasi nasa probinsiya ako.


"Hindi naman hanggang Maynila, hanggang SLEX lang." Tumawa ako ng mahina.


" Pabalik ka na bang Maynila?"


"Oo, bukas kasi may pasok na. Alam mo naman isa na akong dakilang empleyada ngayon na ginagawang utusan ni Kuya Ralph. Ikaw papunta ka ding Maynila?"


"Ahmmm...hindi. Pumunta ako sa inyo at sinabing bumalik ka na daw pa Maynila kaya nagbakasali akong maabutan pa kita and here I am." Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko. So, hindi lang coincidence na nagkita kami ngayon. Talagang hinabol niya ako. Wow men, ang haba naman at ang shiny ng hair ko. Ang ego ko bumubulusok na naman papuntang kalawakan.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now