Chapter 21

52.4K 2K 204
                                    

Chapter 21

Pinilit kong alisin sa isip ko si Harley. I can't be bothered with him while I'm on a lunchdate with Rex. Pakiramdam ko tuloy, pinagtataksilan ko na si Rex kasi habang kasama ko siya, iba ang nasa isip ko.

"Masarap pala ang food dito." Sabi niya habang ngumunguya ng pasta. That's the one thing that I like about Rex. Hindi siya ang klase ng lalake na magpapaimpress sa isang babae para magkapogi points. Yung ibang mga lalaki, ini-impose kaagad ang machismo attitude sa date pa lang by choosing the resto and ordering the food. Hindi ganun si Rex, he asked me kung saan ko gusto kumain at kung ano ang gusto kong kainin.

"Yes. Kaya nga favorite ko dito." I might say that it was a pleasant lunch because I am with a pleasant guy. I don't have to impress him dahil alam ko na kahit papaano ay kilala na niya ako. I feel comfortable being with him. Parang hindi lumipas ang ilang buwan na hindi kami nagkita, parang hindi ako nabigo nung nalaman kong magpapari pala siya. Pero ganun siya eh, his presence alone made me feel at ease.

"Raziel." Napatingin ako sa kanya at hindi ko na nalunok ang isinubo kong lasagna when I saw how serious his face is.

"Alam mo na siguro na lumabas na ako sa seminary." Napalunok ako. Muntik pa akong mabilaukan kasi hindi ko pa masyadong nangunguya ang food. Napainom tuloy ako ng tubig ng wala sa oras. Bigla akong kinabahan.

"Yes. Nasabi kanina ni Kuya Ralph. Akala ko nga, nasa sabbatical ka ulit."

"No. I went out for good." Ohh my! Ito na ba ang panahon na magtatapat na siya sa akin? Ready na ba ako?

"Why? Akala ko ba buo na ang puso mo sa pagiging pari? I thought gusto mo ang missionary position...I mean works." I saw him smile a little na parang nahihiya. Hala! Ang cute lang.

"Yes, I like missionary works. I was set into becoming God's servant but then something happened..." He trailed off at pinigil ko ang hininga ko.

"I fell in love." Shit! Mahigpit na ang hawak ko sa tinidor and I am already crossing my fingers sa ilalim ng tablecloth.

"With you." Mahinang sabi niya pero titig na titig siya sa akin. Lumukso ang puso ko at nagtatalon sa sahig ng resto.

Yes, I have been dreaming of it. Nangarap ako na sana masuklian ang pag ibig ko kay Rex. I was crushed when I found out that he's going to be a priest. I was devastated when he went back to the seminary. Pakiramdam ko, sumugal ako kahit na alam kong wala akong panalo. Dumating pa sa point na nag give up na talaga ako at gusto ko na lang magmadre dahil sino ang matinong babaeng aasa pa sa isang lalaking magpapari?

Pero nabuhayan ako ng loob nung nagkita kami ulit. Nabuhay ang pangarap ko at ngayon, ito siya sinasabi sa akin na mahal niya ako.

Gusto kong himatayin. Even if I have anticipated it, nothing could prepare me for the real thing. Kaya tuloy, ito ako, parang tangang nakatulala sa harap niya.

"Ahmmm." Yan lang ang lumabas sa bibig ko kahit na sa kaibuturan ng puso ko, gusto ko nang magtatalon at magtitili. Effective talaga ang pagpapakain ko sa kanya kanina ng monay. Ang tagal kasi I serve ang food namin kanina kaya binigay ko sa kanya ang monay ni Grandma. Mabuti na lang may dala dala ako. Mabuti na lang wala si Lola kaya hindi ko naibigay sa kanya ang monay na may egg sa loob.

"Raz, can I court you?"Susme, bakit ganun ang tanong niya? Dapat ang tanong niya ay, can you be my girlfriend? O kaya, will you marry me?

"Of course." Nakangiting sabi ko. Napabuntonghininga siya kaya napatawa na ako.

"Kinakabahan ka?"

"Sino ang hindi?" Tiningnan ko siyang mabuti at ngayon ko lang napansin na namumula siya. He is blushing and it's so cute. Ang sarap tuloy kurutin ng pisngi niya. Parang teenager lang eh. Teka nga! Bigla kong naalala ang sinabi kanina ni Kuya Ralph. Si Rex daw, grade school pa lang sila, gusto nang magpari at hindi pinapansin ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya.

"Rex, I have a question." Pag nagkataon...

"Ano yun?"

"Ako ba ang unang babaeng liligawan mo?" Hindi siya nagsalita pero lalo siyang namula. Holy...

"Ako nga!? Kung sasagutin kita, ako ang magiging first girlfriend mo?" Umiwas siya ng tingin at nanlaki ang mga mata ko. Teka lang, teka lang! Bakit pakiramdam ko, nangmomolestiya ako ng inosente? Inosente de ti pa ba si Rex?

"May isang tanong pa ako."

"Wag mo nang itanong." He said obviously embarrassed with our topic.

"Hindi nga?" Nanlalaki na talaga ang mga mata ko.

"I am no longer a virgin Raziel." Diretsong sabi niya. Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa kaprangkahan ni Rex. Pero what? Paano nangyari yun kung di pa siya nagkaroon ng girlfriend? Ano yun? Divine intervention?

"Paano mo nalaman na yun ang tanong ko?" Mind reader lang?

"Ikaw pa!" Natatawang sabi niya.

"Ganun? Ang sama naman ng tingin mo sa akin." Nagtatampo kunyari na sabi ko.

"Hindi. Siguro kilala lang kita kahit papaano. Besides, liligawan ba kita kung masama ang tingin ko sa'yo?" Yay! Kilig! Pilit kong binaliwala ang kilig na nararamdaman ko.

"Pero di ba nga, hindi ka nagkaroon ng gf? Anong nangyari? Natapilok ka sa babaeng hubad na nakahiga sa kanto?" Natawa siya sa sinabi ko at umiling iling.

"Maloko sina Ralph nung high school at dahil kabarkada ko sila, alam mo na." Tumango tango ako. Walanghiyang Kuya Ralph yun! Akalain mo yun? Pati ang future husband ko, sinama sa mga kalokohan niya.

"At sumama ka naman? Naku! Alam mo naman na bad influence ang pinsan kong yun. Sa susunod, ngayong nasa labas ka na ulit ng seminary, wag na wag ka nang sumama sa mga kalokohan ni Kuya Ralph. Pero kunsabagay, hindi na nagloloko si Kuya. Takot lang nun kay Ana." Nagkibit balikat ako at kumain na ulit. Pero hindi pa ako nakakadalawang subo nung mapansin ko na hindi siya kumakain. I looked up and I found him looking at me while smiling. Parang aliw na aliw siya sa mga ginagawa ko gayung wala naman akong ginagawang nakakaaliw.

"What?" Sita ko sa kanya. Parang baliw kasi eh, obvious na obvious na patay na patay sa akin. Naks! Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa naisip ko.

"You already sound like my girlfriend." Nakangiti pa ding sabi niya.

"Ay! Hindi pa ba kita sinasagot?" Painosente namang sabi ko and I saw how his eyes widened. Napangiti ako. Got yah!

"Sinasagot mo na ako?"

"Ay hindi pa ngayon. Bukas na lang." I said laughing. Pero biglang nawala ang tawa ko nung may biglang sumagi sa isip ko.

Parang nasabi ko na ang salitang yun pero hindi ko matandaan kung kelan at kung kanino. Nangunot ang noo ko. I shook my head to erase the thought. Baka guni guni ko lang but while I was shaking my head I caught something or rather someone.

Tuluyan na akong napatingin sa may bandang kaliwa ko at nagulat ako when I saw Harley sitting at the far end of the resto. Malayo sa amin at hindi masyadong pansinin. Pero kahit malayo siya, ramdam na ramdam ko ang sama ng tingin niya sa amin ni Rex.

Ohh creepy.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now