Chapter 41

48.9K 1.7K 132
                                    

Chapter 41

His imagination turned hot and it is consuming me. Bawat dampi ng labi niya sa labi ko, sa pisngi, sa tungki ng ilong ko lalong nagpapainit hindi lang ng buong mukha ko kundi buong katawan ko. Hindi ko napigilan ang pagkapit ko sa batok niya na para bang bigla na lang akong mahuhulog kapag hindi ako kumapit ng mahigpit sa kanya.

As his kisses deepened hindi ko na maipagkaila ang katotohanan na gustong gusto ko ang mga halik niya. Hindi ko na din maipagkakaila at tuluyang lokohin ang sarili ko dahil buong katawan ko nagsusumigaw na ang nangyayari sa amin ngayon ay hindi isang imahinasyon. Paano ko maipagkakaila na isang imahinasyon lang lahat kung ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa katawan ko. Paano ko maipagkakaila ang sensasyon na dulot ng mga haplos at halik niya? Paano ko maipagkakaila ang masarap na kilabot na gumagapang mula sa bawat halik at haoplos niya papunta sa kaibuturan ko?

However, despite the fact that everything is not a figment of his or my imagination, I didn't stop him. I didn't cringe at his touch, instead, I encourage it, I kissed himback, the way he kissed me. My hand wondered on the planes of his back, feeling the tautness of his muscles and the warmth of his skin. My back arched as I felt the sensation brought by his hand as it caress the skin in my tummy.

Hindi ko alam kung pagsisihan ko ba ang lahat pagkatapos nito. Pero ayaw kong mag isip, gusto ko lang makiramdam. Ayaw kong mag isip, gusto kong pakawalan ang damdamin ko. Ayaw kong isipin ang mga consequence ng action ko dahil gusto kong mahalin siya kahit labag ang buong pagkatao ko sa ginagawa ko. Pero kung kelan pa ako nakipagdesisyon na hayaan ang sarili ko, saka siya tumigil sa paghalik sa akin.

"Angela..." Hinawakan niya ang pisngi ko at tumingin sa akin. Pakiramdam ko nananayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa klase ng tingin niya. Pinilit kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa dahil nakahawak siya sa mukha ko. I opened my eyes and met his smoldering gaze.

"We need to talk." He said breathless while his eyes are not leaving mine.

"Ano pa ang dapat nating pag usapan? Siguro naman malinaw na ang lahat na pipikutin mo talaga ako. Wala na akong magagawa dahil sinabi mo na sa lahat ang nangyari." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at umupo ng maayos. Ramdam ko pa din ang pamumula ng mukha ko dahil sa nangyari kanina pero pilit kong tinatakpan ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagtataray.

"Hindi kita pipikutin. Papanagutan ko kayo ng anak natin." Anak natin. Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nag init ang sulok ng mga mata ko nang marealize ko na may buhay na sa sinapupunan ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko. Ganito ba talaga ang feeling pag buntis? Bigla na lang nagiging emotional? Napatingin ako kay Harley at nakatingin din siya sa akin. Gusto ko na namang maiyak dahil sa tenderness na nakikita ko sa mga mata niya. Pero nangibabaw na naman ang inis ko at ang kagustuhan kong saktan siya. To be precise, gusto ko siyang kurutin ng pinong pino pero pinipigilan ko lang ang panggigigil ko. Baka isipin niya nilalambing ko siya or worst siya ang pinaglilihian ko.

No way! Hindi ko siya pwedeng paglihian. Ayaw kong maging kamukha niya ang anak ko. Baka pag naging kamukha niya ang baby namin, iisipin niya na mahal na mahal ko siya. Di ba ganun naman yun?

"Ayaw ko nga sa'yo!" I shouted at him.

"Naniniwala ka sa bagay na yan?" Nakakunot ang nook o habang nakatingin sa kanya? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Angela, matagal ko nang hindi pinaniniwalaan ang mga sinasabi mo tungkol sa tunay mong nararamdaman sa akin. Hindi ko na kailangan marinig ang mga sasabihin mo dahil ramdam na ramdam ko naman ang tunay mong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit mo pinipilit ang mga bagay na yan. Hindi ko din alam kung sino ba ang pinapaniwala mo, ako at ang mga taong nakapaligid sa'yo o ang sarili mo." I gaped at him. Kaya ba kahit ilang beses ko siyang binasted, ilang beses ko siyang ininsulto para wala lang epekto sa kanya?

"Aba't..." Yun lang ang nagawa kong sabihin. Para akong magnanakaw na nahuli pero ang kaibahan, hindi ko pala alam na magnanakaw na ako.

"Kaya okay lang kahit na ilang beses mo pa akong ayawan dahil alam ko naman na mahal mo pa rin ako." Nangiti siya nung sinabi niya yun. Para bang siguradong sigurado na siya sa lahat at wala nang makakapagbago sa isip niya.

"Alam mo nagkakamali ka! Hindi na kita ma..."

"Nung una, akala ko hindi na kita kilala. Akala ko nagbago ka na Angela. Nasaktan ako sa mga ginawa mo at sa mga sinabi mo. Pero may isang bagay na nakapagsabi sa akin na may hindi nagbago sa'yo, isang bagay na nagpapatunay na ikaw pa din ang Angela na minahal ko." He looked at me tenderly at naramdaman ko na naman ang pananayo ng mga balahibo ko. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

"Isang pag uugali na siguro isa din sa mga dahilan kung bakit minahal kita." KInuha niya ang mga kamay ko sa lap ko at mahigpit itong hinawakan. I tried pulling it away but his hold only tightened.

"Mula noon hanggang ngayon, matigas pa din ang ulo mo. Papaniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan,gagawin mo ang gusto mong gagawin. The whole world might be against it, but the hell you care, you'll do it anyway. Yan ang isang ugali mo na alam ko kahit kailan ay hindi ko mababago pero ayaw ko ding baguhin dahil pati ang ugali mogn yun ay napamahal na sa akin. How could I forget? Nakalimutan ko na ganun ka kaya muntik mo na akong mapaniwala. Pero hindi na ngayon Princess." He stressed on the endearment.

"Hindi matigas ang ulo ko!"

"Nakausap ko si Rex nung pinlano namin ang pagkidnap sa'yo. Ang totoo naiinis ako kasi mas kilala ka niya. Mas alam niya kung ano ang totoong gusto mo. Mas nabasa niya ang totoong saloobin mo. Nainis ako at nagselos kasi kailangan pa niyang ipamukha sa akin kung ano ang handa kong bitawan...ng dalawang beses. Para akong sinampal nung sinabi niyang hindi lahat ng tao nabibigyan ng dalawa o pangatlong pagkakataon." I was gaping the whole time at him. Hidni ko alam na nag usap sila ni Rex. Hindi ko alam na naging close silang dalawa.

"Hindi mo ba naisip na baka mali din ang analysis ni Rex?"

"Naisip ko din yun. I wasn't really sure but still I choose to gamble. Napatunayan ko lang na tama siya nung gabing may nangyari sa atin. Dahil Angela, sa katigasan ng ulo mo, alam kong hindi mo ibibigay ang sarili mo sa lalaking hindi mo mahal. Tama ba ako?" Napalunok na lang ako at hindi na nagsalita. Parang napagod ako biglang tumanggi at kontrahin siya. Parang napagod na akong magdeny bigla dahil wala naman palang naniniwala sa mga bagay na iginigiit ko. Para saan pa ang pagsisinungaling kung wala naman palang naniniwala sa mga kasinungalingan ko kundi ang sarili ko.

"So...pananagutan kita at ikakasal tayo. Sa lalong madaling panahon Angela." Malumanay pa din na sabi niya kahit na pakiramdam ko final na ang desisyon niya at wala na siyang pakialam kung papaya o tatanggi man ako.

"Sa simbahan tayo ikakasal. Gagawin natin Ninong si Mayor at ang mga barangay captain at mga tanod ng lahat ng barangay. Iaannounce natin sa bayan para alam ng lahat na ikakasal tayo. Sasakay ka sa kalesa na parang prinsesa. The motif of our wedding is purple kasi paborito mo ang talong." Bigla akong tumayo sa sofa at nameywang. Binigyan ko siya ng masamang tingin at kulang na lang patayin ko siya sa tingin. The nerve!

"Ang kapal ng mukha mo Harley! How dare you plan my wedding! Kung magpapakasal ako, gusto ko ng garden wedding na may madaming bulaklak! Gusto ko ng madaming orchids! At bakit mo gagawing Ninong ang Mayor? I don't even know his name pati na din ang mga poncio pilatong barangay captain na yan at mga tanod na wala na atang ginawa kundi himasin ang kanilang mga batuta! I don't want them in our wedding at baka magpapalakihan pa sila ng mga dala nilang batuta! How gross is that? I want our wedding to be solemn with only a few guests. Isa pa, celebrity ka ba at kailangan i-announce sa bayan ang kasal mo? And my God! Papasakayin mo ako sa kalesa? Are you nuts? At anong purple? Moss green ang favorite color ko kaya yun ang magiging motif ng kasal natin! How dare you ask my hand in marriage? Kaya ayaw ko talaga magpakasal sa'yo! Pati favorite color ko hindi mo alam!" Mahabang outburst ko. Hinahabol ko na ang hininga ko pagkatapos ko siyang sigawan. Sa tingin ba niya susunod lang ako sa lahat ng sasabihin niya? No way!

"Moss green it is. It is settled then. You'll have your dream wedding, Princess." Ngumiti siya ng malaki at tumayo sabay akbay sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nung marealize ko ang mga pinagsasabi ko. What the hell!

When Princess FallsWhere stories live. Discover now