Chapter 42

52.6K 1.7K 150
                                    

Chapter 42

"Nakakainis naman talaga! Kung hindi ako pinikot ni Harley, hindi sana ako busy ngayon!" Reklamo ko habang kaharap ko si Mira at ang wedding coordinator. Nasa garden kami ng ancestral house at pumipili kami ng design ng wedding invitation.

Nagtuloy tuloy na ang bakasyon ko. Sabi ni Grandma at Kuya Ralph pag uusapan na lang namin ulit ang trabaho ko pagkatapos kong manganak. Nagprotesta ako kasi wala naman akong pregnancy symptoms at kaya ko naman ang sarili ko pero wala akong nagawa dahil lahat sila yun ang desisyon.

Umuwi na din sina Mommy at Daddy last week at doon na napagdesisyunan ang date ng kasal which is 2 a month from now.

Imagine, isang buwan na lang at ang dami ko pang gagawin. Hindi ko alam ang uunahin. Mabuti na lang at pinatulong ni Kuya Gab si Mira sa akin.

Katulad ngayon,design pa lang ng invitation card ang hirap nang mag isip. At the end of the week, kailangan nang ma distribute ang mga invitations.

"Pinikot ka pa sa lagay na yan?" Nakangiti at nakataas ang kilay na tanong ni Mira.

"Para namang hindi mo alam? Binuntis niya ako at pinikot tapos binigyan ng maraming trabaho!" I said exasperated.

"Sa mga babaeng pinikot, ikaw lang talaga ang busy sa wedding preparation." Hinawakan niya ang isang sample ng wedding invitation at tiningnan.

"Bakit? Ang mga pinipikot ba walang karapatan maging busy sa preparation ng kasal?"

"Ang alam ko kasi ang mga taong pinipikot, ginagawa ang lahat para lang hindi matuloy ang kasal. Pero ikaw, talagang ikaw pa ang umasikaso sa kaliit liitang details. Pati brand ng toothpick at tissue na gagamitin, pinag-isipan mo pa talaga ng matagal." Umismid ako. Siyempre, kailangan plantsado ang kasal ko up to the last detail.

"Ngayon, alam mo na kahit pinikot ka, kailangan mo pa din paghandaan ang sarili mong kasal." Tiningnan ko ang hawak na invitation ni Mira.

"Maganda yan."

"Yes. Tapos lalagyan ng picture niyong dalawa sa loob. Pwede siguro tayong pumili sa mga pre-nup photos niyo." Sumimangot ako bigla.

"Bakit kailangan pang ilagay ang picture ni Harley? Pwede na siguro na picture ko na lang." Napatingin bigla si Mira sa akin na para bang nagdeclare ako ng world war 3 at tinubuan ng maraming sungay.

"Okay ka lang? Kasal niyo kaya yun kaya bakit picture mo lang ang ilalagay sa invitation?"

"Kasi nga, ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Naiinis ako pag nakikita ko siya." Sabi ko pa sabay ismid.

"Paano ka kaya napag titiisan ni Harley sa kasungitan mo ngayon?" Nakakunot na ang noo ni Mira habang nakatingin sa akin. Yung wedding coordinator naman na si Wed ay ngingiti ngiti lang.

"Ako kaya ang nagtitiis sa kanya. Makita ko pa lang ang mukha niya, naiirita na ako. Nakakakulo ng dugo!" May kasamang gigil na sabi ko. Ewan ko ba kung bakit inis na inis talaga ako kay Harley. Parang kapag nakikita ko siya may may sumasanib sa akin na kaaway niya.

"Kaya pala, araw araw kayong magkasama. Inis na inis ka pala talaga pag nakikita mo siya."

"Siya kaya ang lumalapit sa akin!"

"Kunsabagay. Anyway Raz, pinaglilihian mo ba si Harley?" Parang nanlaki ang ulo ko sa sinabi ni Mira.

"Excuse me? Bakit ko siya paglilihian?"

"Ganun daw yun eh! Either gustong gusto mo o ayaw na ayaw mo. Di ba Wed?" Siniko pa ni Mira si Wed at sabay silang tumango at ngumiti. I find their smile creepy. Pero mas creepy ang idea na pinaglilihian ko si Harley.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now