Chapter 10 (3/19/2015)

70.1K 2.1K 138
                                    

Chapter 10

I was so overwhelmed by my emotions. I do not know how to handle it. Ang alam ko lang masaya ako. Masayang masaya ako that I feel like grinning every chance I get. Nung gabing yun, hindi ako halos nakatulog dahil gusto ko na lang magtitili, magtatalon at magsasayaw. Para akong sira. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Harley na nakangiti, ang mukha niya na seryoso, ang mukha niya na galit. And everytime I remember his face napapangiti ako. Napapahawak pa ako sa puso ko dahil sa bumibilis ng tibok nito. At katulad nga ng sinabi  ko, we became a couple the next day. Bakit pa ba ako magpapakipot eh alam naman niya ang nararamdaman ko. I’d rather we spend the remaining days of my vacation as a couple kesa sa magpakipot.

It was the best Christmas and New Year for me. Lalo na nung new year dahil pinapayagan kaming gumala sa hacienda hanggang hating gabi. Hindi kasi katulad sa Maynila na kabi kabila ang putukan, ang New Year sa hacienda ay kakaiba. Oo nga at may mga fireworks din pero sobrang unti lang. Ang ginagawa ng mga tao ay nangangapitbahay at nagpapalitan ng pagkain. Noon ko lang naappreciate ang bagay na yun. Dati nagtataka pa ako kung bakit pag nagluto sa hacienda tuwing new year parang fiesta. Tapos pag hating gabi na, nagrereklamo ako kasi ang daming spaghetti tapos iba iba ang kulay at lasa. Yun pala, galing sa iba’t ibang bahay.  

“Happy New Year!” Nagsigawan ang mga kasamahan namin sa kubo when the clock strikes 12. Nagkatinginan kami ni Harley at nagngitian. Pinisil niya ang kamay kong hawak niya at pinisil ko din ang kamay niya. Gusto kong humagikgik sa kilig. Who would have thought na nakakakilig pala ang pisilan ng kamay. 

“Putukan na!!!!!!!” I shouted.

“Woooooo!!” Napatingin ako at napatawa sa nagsisigaw at nagtatakbong si Kuya Raphael hawak ang  lusis.

“Ang bading mo Ralph, ito ang paputukin mo.” Sabi naman ni Kuya Jude sabay abot ng five star kay Kuya Ralph. Kasama sila namin sa kubo kasi ngayon ko lang nalaman na tuwing new year dito talaga ang tambayan nila. Malay ko ba naman. Natutulog ako tuwing new year eh.

Nagsimula sa sila sa pagpapaputok at tawa ako ng tawa habang pinapanood ko sila. Tsaka ko napansin na lahat ng lalaki nagpapaputok maliban kay Harley na nasa tabi ko lang.

“Ba’t di ka nagpapaputok?” Tumingin ako sa kanya.

“Hindi naman ako mahilig dyan.”

“Hindi ka mahilig magpaputok?” Hindi ko alam kung dahil ba sa kunting wine na dinala nila Kuya at ininom namin kanina kaya siya namumula but I find him cute lalo na at hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

“Hindi.”

“Kakaiba ka. Yung ibang lalaki ang hilig hilig magpaputok. Tingnan mo sila Kuya, enjoy na enjoy sa putukan.” Tumingin muna ako sa mga pinsan ko at sa Kuya ko tapos tumingin ulit kay Harley na pulang pula na at hindi makuhang tumingin sa akin.

“Bakit ka namumula? May allergy ka ba?”

“Wala.” Nangunot ang noo ko. Anong problema nito?

“Halika nga! Magpaputok tayo.” Tumayo na ako at hinila siya papunta sa mga kasamahan namin. Sumama naman siya.

“Kuya! Magpapaputok kami ni Harley.” Malakas na sigaw ko kasi ang ingay nila. Pero sa hindi maiintindihan na dahilan, tumigil sila sa kanilang mga ginagawa at napatingin lahat sa amin.

“Anong sabi mo Raziel?” Lumapit pa si Kuya Jude sa akin at nagtanong.

“Sabi ko, magpapaputok kami. Penge nga.” Kinuha ko na ang hawak niyang piccolo.  Biglang nagtawanan ang mga kasamahan namin. Kumunot ang noo ko. Problema ng mga to?

“Ito na lang ang paputukin natin kung takot ka sa ibang firecrackers. Pero sa malayo ka magpaputok ha. Wag sa akin, kasi malilintikan ka pag sa akin mo yan pinutok.”   Iniabot ko sa kanya ang  piccolo and I saw him smiling. Sus, gusto rin naman pala magpaputok. Aarte arte pa.

When Princess FallsWhere stories live. Discover now