50: STUCK WITH YOU

131 14 0
                                    

Aaron Chess' P.O.V

Nakaupo ako ngayon sa hospital bed at tahimik nila akong tinitignan. Kinabahan ako sa maaari nilang sabihin about Samantha, hindi naman sa nag-ooverthink ako pero mabuti na para maging handa. Tinitigan lang ako nina Yana at Zaza, hindi sila nagsasalita. Nagkwento sila kanina about Lyster pero sa kanya lang, wala na silang na kwento na iba.

Nilapitan ako ni Mom at tinanong kung anong gusto ko. I know she will buy it for me, kaya sabi ko sa kanya na gusto ko ng foods. Kaya nagpaalam siya sa amin.

"How's Sam?" Tanong ko.

Katahimikan...

Katahimikan...

Katahimikan...

"Where is she?" Aksyon na akong tatayo nang nagsalita na si Yana.

"S-she's... Ahm, she's in comma." Nauutal niyang sagot.

F.L.A.S.H.B.A.C.K
-BAGO PA MAHULOG AT MAWALAN KAMI NG MALAY

"P-promise me, you will wait for me. Kahit anong mangyari, k-kahit pa may malalaman ka. W-wait for me, please." Sabi ni Sam kahit hirap na hirap na siya.

Tumango lang ako at hinalikan ang ulo niya. Nakayakap pa rin ako sa kanya, niyakap niya rin ako.

"We can get through of this, right?"

"Oo naman, kaya natin 'to. Just don't close your eyes, I'm begging you."

Tumango siya at namumutla na ang labi niya. Ayokong makita siya na ganito, ayoko ulit siyang makita na ganito.

"I love you!" Bulong ko sa kanya.

"Just don't leave me,"

E.N.D. O.F F.L.A.S.H.B.A.C.K

Yun lang huling kong naalala matapos kami nahulog sa bangin, alam kong hindi ito malalim pero mabilis ang takbo namin dahil si Alex ang nagmamaneho. Nasa bisig ko si Sam noong naramdaman ko ang hapdi sa likuran ko. 

"C-comma... H-how long?" Parang naguho ang mundo ko nang narinig iyon. Ano na kaya ang itsura niya ngayon?

"We don't know, Aar." Sagot ni Edrian.

"Can I see her?"

"Kaya mo ba?"

Tumango ako at kinunan ng wheelchair. Si Sammuel ang nagtulak sa akin, kahit hindi kami ganun ka-ayos ngayon ay nandito pa rin siya sa'kin. Pagpasok namin sa room ni Sam, nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa kama niya. Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil walang kasiguraduhan ang kondisyon ni Sam.

"Anong sabi ng doctor, tita?" Rinig kong tanong ni Yana.

"Ganun pa rin naman, Yana. Paulit-ulit sinasabi ng doctor na matapang si Sam, kaya alam kong malalampasan niya ito." Sabi ni Tita Jo.

Nagtagpo ang paningin namin ni Tita Jo at ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako, at binaling na ulit kay Sam ang atensyon.

Please, come back soon!

"You're so in love with my daughter, I can see it in your eyes." Biglang sabi ni Tita Jo kaya nabalik sa kanya ang atensyon ko.

"Yes po... Simula noon, siya lang." Sabi ko. Medyo nag-iba ang reaksyon niya.

Oh no! Wag muna tita!

Binalik ko agad kay Sam ang paningin ko para wala ng idagdag pa si Tita. I can sense it, parang may gusto itong sabihin. Tumikhim si Tita, hindi ko siya tinignan dahil alam kong kinuha niya ang atensyon naming lahat. Hindi ko na-imagine ganito kaaga 'to, hindi pa ako handa para sa kanila.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now