33: STUCK WITH YOU

137 14 0
                                    

Ritz Samantha Paraiso's P.O.V

Nasa harap ako ng salamin at tinitignan ko ang sarili ko. Naka-black dress ako with white belt and doll shoes na black. Mas lalo akong maputi tignan dahil sa suot kong ito. Nang natapos ako ay lumabas na ako sa kwarto at diretso na sa labas. Alam na ni Mommy na aalis ako, si mommy nalang daw ang nagpapaliwanag kay daddy. Hinintay ko lang si Yana na dumating dahil sabay kaming pupunta sa bahay nila Aaron. Magpapahatid kami sa driver nila dahil wala si Manong Kolas ngayon.

Maya-maya ay may humintong white van sa harap ko, alam na alam kong kanino 'to. Tumayo ako sa inupuan ko at inayos ang sarili. Nakita ko si Yana nang binaba ang salamin, ngumiti siya sakin at ngumiti ako pabalik sa kanya.

"Tara na Sam!" Aya niya sakin kaya pumasok nalang ako.

Pagpasok ko doon, nakita ko si Edrian sa likod at si Sixth naman nasa gitna. Inaya pa ako ni Sixth na tumabi sa kanya kaya tumabi nalang din ako. Ayokong ma-badtrip siya.

I want you!

Nasagip sa isipan ko ang huling sabi niya sa'kin. Anong ibig niyang sabihin? Kami na ba? Pero hindi ko naman siya sinagot, hindi rin siya nanligaw!

No way!

"Saan ka kanina? Bakit hindi ka na nakabalik?" Tanong ni Sixth sa'kin.

Ang awkward promise!

"A-ahh ano, pumunta ako sa hospital kanina." Sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Si Aaron ba ang pinuntahan mo?" Tanong niya ulit.

Tumango ako, "Kasi nangako akong sasamahan ko siya." Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.

"Okay!" Sabi niya at hindi na siya kumibo pa.

Hindi naman siguro siya galit diba? Kung galit, ano ang ikinagalit niya? So Sam, tumino ka diyan.

Hindi nagtagal nakarating na kami sa bahay nina Aaron. Ang ganda ng bahay nila, white ang pintura nito at maroon ang bawat edge. Lumakad na kami, hindi nagsasalita si Sixth sakin pero sabay kaming naglakad. Pagpasok namin sa bahay ay maliit pa lamang ang tao. Nakita ko si Aaron sa harap ng kabaong ng lola niya, malapit talaga siguro ang dalawa kaya nasaktan siya.

"Puntahan ko lang si Aaron." Paalam ko kay Sixth.

Tumango lang siya kaya pinuntahan ko na si Aaron. Tumabi ako sa kanya at binigyan ko siya ng panyo para sa luha niya.

"Aaron, tahan na. Sure akong okay na ang lola mo. Nasa kaharian na siya ng panginoon ngayon." Sabi ko.

"Ang sakit pa rin kasi eh," sabi niya.

"Okay lang yan, magiging okay ka rin. Time will heal." -Ako

"S-sam, sorry nga pala sa sinabi ni Lyster sayo ha?" Sabi niya.

"Aaron, okay lang talaga ako. Kalimutan mo na yun, wag mo nang dagdagan problema mo." -Ako

Naging tahimik kaming dalawa sa upuan. Hinanap ko ang mga kasama kong pumunta dito, nasa last seat lang sila at tahimik na tumitingin sa kabaong. May nangyayari talaga sa mga 'to pero hindi lang nila sinasabi.

"Aaron, nandito pala mga kaibigan mo." Sabi ko at tumango lang siya.

"May problema ba kayo?" Tanong ko. "Kung a-ayaw mong sabihin ay okay lang naman." Dagdag ko.

Bumuntong hininga si Aaron at tumingin sa akin. Kita ko ang mga malungkot na mata ni Aaron, naaawa talaga ako sa kanya.

"Nagka-misunderstanding lang kami. I know, magiging okay rin ang lahat." Sabi niya at binalik ang paningin sa lola niya.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now