2: STUCK WITH YOU

584 49 1
                                    

Ritz Samantha Paraiso P.O.V

"Talaga?"
.
.
.
.
.
Uh-oh!

Patay lagot ka Sam, magdasal ka na lang ng paulit-ulit para dinggin ni Lord ang panalangin mo.

Wala akong naisip nang narinig ko ng malademonyong si Aaron sa mga pinagsasabi ko kanina. Ano kaya ang sasabihin ko? Hindi, hindi ako magpapakita na natatakot ako para hindi mapahiya. Hinga Sam, hinga!

"Ahhh, H-hi Aaron, wala lang yung sinabi ni Sam. Joke lang yun, Oo joke lang yun, kaya.... peace okay? Pa'no, alis na kami?"

Ano ka ba Diana? Nagpapahalata ka naman masyado.

"Rinig na rinig ko ang sinabi ni Sam, eh?" Sabi ni Aaron.

Patay lagot na! Kainis, ba't ko ba yun nasabi? Lupa, kainin mo na ako, now na!

"O, ba't namumutla ka Sam? Natatakot...."

"Hindi ako natatakot! At bakit naman ako matatakot? Hindi ako natatakot, Lawyer ang Daddy ko, Lawyer!" Yan ang lumabas sa bibig ko. Sobrang palpak!

"Masyadong halata Sam," aniya sabay tawa. "Ayoko sa babaeng mapagpanggap!" Dagdag niya pa.

Oh my god! Paano ba to?
Relax Samantha, Relax! Wag mong hayaan na makikita nila na takot ka. Enhale, Exhale! Yan, ganyan lang. Si Aaron lang yan, hindi siya gwapo... Cute lang! Ngayon, isipin mo ang sasabihin mo, isip mo na bago salita. Anong gamit ng pagka- Top 1 mo kung di ka nag-iisip?

"Anong nangyari dito?"

Sh*t! Nandito na silang lahat. Pero Samantha, keep calm okay? Isip bago salita.

"Eto kasing si Aaron, sumusunod sa akin baka may gusto siya sa'kin ha? Naku Aaron, tandaan mo sinabi ng Lider nyo, ang mga babae ang makakasira sa grupo niyo." Kumunot ang noo ni Aaron sa sinabi ko.

Bwahaha! Ang galing galing mo talaga Samantha. Ang galing-galing.

"What? Is it true Aar?" Sabi ni Sammuel.

"No, hindi yun totoo. Nandito ako kasi---

"Kasi may gusto siya sakin. Bye!" Sabi ko sabay hila ni Dianang nakatunganga tsaka takbo.

Mabuti nalang at naka-isip ako ng magandang idea. Patuloy ang pagtakbo namin, pupunta kami ngayon sa library doon kami magmukmok. Total free time namin ngayong susunod na period.

Pagdating namin sa Library ay agad kong hinila si Yana papuntang pinaka liblib na table sa Library. Kailangan naming magtago dahil sa mga sinasabi ko! Lagot ako pag nagkalat ang lahat ng sinabi ko, magagalit ang lahat.

Magagalit nga ba?

"Sam, Anong nagawa mo? Mag-isip ka nga" kabadong sabi ni Yana sa akin.

Oo, alam ko Yana. Alam ko ang katangahang nagawa ko. Ang dapat ko lang gawin ngayon ay iiwasan kong mag cross ang landas namin.

"Alam ko Yana! Ang dapat nating gawin ay iwasan sila. First step to avoid them is wag pupunta sa Canteen, starting tomorrow mag baon tayo ng snacks at dito tayo kakain sa library" pursigido akong masabi sa kanya.

"Nahihibang ka na ba Sam? Tama pa ba ang mga iniisip mo?" Naguguluhang tanong ni Yana sa akin.

Pati din naman ako eh:(

Ano kaya ang gagawin ko pag nalaman ng lahat yun kalokohan ko na may gusto si Aaron sa'kin? Aamin ba ako na gawa-gawa ko lang yun? 'Di pwede Samantha!

Hindi nawala ang kaba ko sa mga sumunod na araw. Nagawa namin ni Yana ang mag-snack sa library total hindi bawal kumain doon.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now