4: STUCK WITH YOU

378 42 0
                                    

"Nandito ang Dark Solomons?"
.
.
.
.
.
.
Sigurado akong ang demonyong Sammuel iyon.

Nakapikit akong humarap kay Sammuel. Laking gulat kong mag-isa lang siya. Nakahinga ng maluwag ang pangit kong kaibigan dahil wala ang nasigawan niyang si Aaron. Dahil kung nandito yun, hihilain na naman niya ako at tatakbo. Nakakapagod kaya!

"Ritz, Nandito ang mga Dark Solomons?" aniya nang may kuryusidad na mga mata. Nabigla din ako sa pagtawag niya sakin ng Ritz. Siya lang ang tumatawag ng Ritz sa akin.

"Oo, nandun sa labas habang kumakain kami ng balut," sagot ko na may halong kaba.

"Nasaktan ba kayo? Ikaw Ritz?" sabi niya nang may kaba namang mata.

"Hindi naman kami nasaktan. Nagtanong lang sila kaso nang nalaman kasi ni Yana na mga Dark Solomons yung katabi namin ay agad na pinatakbo niya ako," sabi ko.

"Mabuti naman at ginawa mo yun Yana. Sa susunod wag niyong hayaan na makatabi niyo sila at maka-usap. Aalis na ako!" sabi ni Sammuel sabay takbo.

Ano kayang meron?

Nang umalis siya ay siyang pagtunog ng buzzer hudyat na next period na. Dumungaw ako ng wrist watch ko at lumaki ang mata ko, grabe! Three pm na, we lost Science quiz! Sayang yung napag-aralan ko.

"Yana, yung science quiz natin" maluha-luha kong sabi.

"Ano kaba Sam, Quiz lang yun." cool niyang sabi.

"Anong lang? Yana, points nayun!" sabi ko.

"Okay lang talaga yun, I swear... Pero uyyyy, first time niyang marinig ang tumatawag na Ritz sa kanya... Si gwapong Sammuel pa!" asar niya sa'kin.

"Halika na nga!" sabi ko sabay lakad.

Papunta na kaming 3rd period class namin doon sa grade 12 building. Hindi pa rin talaga nawala sa isip ko ang sinabi ni Sammuel sa akin. Ehh, kinikilig ako! Diri-diretso lang ang lakad namin. Hindi ko rin kasi ramdam ang araw ko ngayon. Ang daming nangyari.

Nang nakatungtong na kami ng Grade 12 building, nakita ko na ang mga Knights of night. Nakatitig sila sa amin, nalaman din siguro nila na nakita namin ang Dark Solomons.

Ayaw na namin ng gulo. Gusto ko nang ibalik yung dati. Yung puro aral lang ang ginagawa ko. Ayoko nito!

Hinarangan nila kami, "Don't you ever talk big ass'" panimula ko sa kanila.

"'Wag niyo kaming kakausapin kahit kailan. Naiinis kami sa mga mukha niyo," sabi ko sabay hakbang. Hindi na namin sila nilingon, wala din naman kaming pakialam.

"Ang cold mo kanina ah?" - Yana.

"Yana, wag mo na silang kausapin ha? Mag-aaral nalang tayo ng seryoso." sabi ko sa kanya.

Tahimik ako sa buong 3rd Period ko. Hindi na nag try si Yana na magsalita. Nagpaalam na si Yana at ako ay dahan-dahang naglalakad palabas ng School. Nakalabas na ako sa school pero wala pa ang sundo ko kaya naglakad-lakad lang ako.

Hindi maganda ang pakiramdam ko, feel ko may sumusunod sa akin. Paglingon ko, wala naman. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may nagtakip sa bibig.

Hindi familiar mga mukha nila. 'Di pwedeng mga Dark Solomon's sila. Hindi ko sila nakita kanina.

"Bitiwan niyo ako!" pasigaw kong sabi.

"Bitiwan your peyss," sabi ng lalaki.

Note: peyss (Face)

"Ano bang kailangan niyo sa'kin?" sigaw ko ulit.

"Edi ang nagpoprotekta sayo!"

"Syempre mga Knights of night. Saan sila?"

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now