18: STUCK WITH YOU

168 30 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm na sinet ko kagabi. Kahit inaantok pa ako ay tumayo talaga ako para tignan si Aaron sa guest room. Hindi ako makatulog gabie dahil inisip ko ang sinabi ni Aaron.

Si Sammuel gusto mo?

Medyo nasasaktan ako para kay Aaron. Hindi ko alam pero yun ang nararamdaman ko. Pagpasok ko sa guest room ay wala na si Aaron kaya dali-dali akong bumaba para hanapin siya. Umuwi na ba siya? Hindi man lang nagpaalam.

"Samsam, ang bisita mo nasa kusina." Sabi ni Nani na may inaayos sa mesa.

"P-po?! Anong ginagawa niya don?" Tanong ko.

"Tignan mo nalang." Sabi niya.

Agad din akong pumunta sa kusina para hanapin si Aaron. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya? Hindi pa ako nakapasok sa kusina ay may naaamoy na akong pagkain. Ang bango-bango naman! Si Aaron ba ang nagluluto?

"Good Morning!" Bati sa akin ni Aaron.

Hindi ako nakasalita agad dahil hindi ko inakalang makikita si Aaron na naka topless tsaka naka apron lang. Kahit may sugat pa ang mukha ay napakapogi niya talaga. Sh*t!

"G-good morning din." Sabi ko. "Bakit ikaw nagluto niyan?"

"Gusto ko kasing matikman niyo ang pinamana ni Mommy sa akin, galing pa ito sa Lola ni Mommy." Sagot niya at binaling ang atensyon sa niluto.

Tinignan ko ang niluto niya at medyo luto na iyon dahil nawawala na ang sarsa nito. Hindi ko alam talaga paano magluto, si nani lang naman ang nagluluto sa amin dito. Hindi ko akalaing nagluluto si Aaron, tsaka amoy palang ang sarap na.

"Nagluluto ka talaga sa inyo?!" Tanong ko at naging komportable na.

"Oo... Besides nung gusto kitang papuntahin sa amin ay birthday ko iyon, nagluto ako nun." Sabi niya. Medyo nabigla na nasasaktan ako sa sinabi niya.

"Ayyy sorry, hindi ko alam." Sabi ko. "Sabi din kasi nila na masama lang ang pakiramdam mo--- What I mean, hindi ko alam talaga." Naguguluhan kong sabi.

Tumawa siya, "Okay lang naman." Sabi niya pero mararadaman mo talagang nasasaktan pa rin siya.

"Ang bango na!" Excited na sabi ko.

"Tikman mo kung maalat ba o hindi." Sabi niya at kumuha ng kutsara.

Hinawahan niya ang kutsara na may sarsa, medyo sinubuan niya ako pero nakahawak ako sa kamay niya baka sakaling mainit pa.

"Ang sarap!" Sabi ko. "Tamang-tama lang ang alat." Dagdag ko. Tinikman niya rin ito at parehong kutsara lang ang ginamit niya kaya medyo nabigla ako.

"Ang galing mo palang tester." Sabi niya sabay tawa.

"Tester ka diyan!" Sabi ko naman.

Nasa mesa na kami, si mommy, daddy, ako at si Aaron. Nang nakita ko ang wall clock na 6:20 AM ay dali-dali akong kumain dahil hindi pa ako naliligo. Si mommy ay nakaligo na at naka business atire na rin.

"Ang sarap ng luto mo hijo." Sabi ni daddy.

"Salamat po sir." Sabi niya.

"Aaron, just call us Tita and Tito. We are prefer to here that from you." Sabi ni mommy.

"And besides, we are comfortable with you!" Sabi naman ni daddy.

"Okay sige po." Sabi ni Aaron at tinignan ako. "Nagmamadali ka yata? Baka mabilaonan ka!" Sabi niya.

"Hindi pa ako naliligo, tsaka 6:25 na." Sabi ko at tumango rin siya.

Sabay kaming natapos ni Aaron kumain kaya nagpaalam na rin siya dahil papasok din daw siya. Hinatid ko siya sa labas at tuluyan na siyang umalis.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now