17: STUCK WITH YOU

168 30 0
                                    

Ritz Samantha Tan Paraiso P.O.V

Umuwi ako sa bahay na wala sa sarili. I'm just looking around my room and I cannot believe pa rin sa nangyari kanina. Nasa room ko na ang lahat ng binigay ni Aaron. Tinignan ko iyon lahat at super ganda talaga at alam kong mahal iyon.

May part sa akin na gusto ko na si Aaron pero hindi mawawala sa isipan ko si Sam. Maybe siya ang gusto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, sasabihin ko ba kay Aaron o hindi. Charrr ang ganda natin Sam ah!

Ginising ako ni Mommy para kumain kaya lumabas nalang din ako. Pagdating ko dun ay naroon na si Daddy, umupo ako at hindi ko sila tinignan.

"Sino ang nagbigay sayo nun?" Tanong ni Daddy.

Kinabahan ako kaya hindi ko agad nasagot si Daddy.

"A-ahmm k-kaibigan ko po Dad!" Sabi ko.

"Anong pangalan Sam?!" Tanong naman ni Mommy.

"A-aaron po Mom." Mahinang sagot ko.

"Nanliligaw ba?" Tanong ni Mommy ulit.

"Ewan ko po Mom, hindi ako sure." Sagot ko.

"I know matalino ka kaya sana piliin mo ang lalaking mahal ka ng tunay at hindi pilit, okay?" -Mommy

"Choose wisely. Follow your heart nak!" -Daddy

Hindi ako makapaniwala sa narinig na galing mismo sa kanila. Pinapayagan na ba nila akong papasok sa relationship kahit hindi pa ako nakagraduate? Really fam?

"Nak, papayagan ka na naming magboyfriend. Pero sana ipakilala mo sa amin." Sabi ni Mommy. Nilapitan ko sila at niyakap.

"Thank you Mom, thank you Dad!" Sabi ko.

Kumain na kami at maya-maya lang ay may narinig akong beep sa phone ko kaya tinignan ko iyon.

Thirdy:

Nasa labas ako ng bahay niyo Sam.

Ako:

Ulit?!

Nagpaalam ako nina Mommy at Daddy na lalabas muna. Dali-dali akong lumabas at hinanap si Aaron. Nilapitan ko siya agad, nakablack hoody siya at ang bango niya. Pagkaharap ko sa kanya ay nabigla ako ng nakita ko siyang duguan ang mukha. Wtf!

"Anong nangyari sayo?!" Pasigaw na tanong ko.

Hindi siya umimik at biglang napasandal sa balikat ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawag ko nalang sina Mommy. Dali-dali silang lumabas ni Daddy at tinulungan ako para mapasok siya sa bahay.

"Sino ba siya nak?" Tanong ni Mommy.

"Siya po si Aaron Mom." Sagot ko.

Pinahiga muna si Aaron sa couch. Kumuha agad si Nani ng bimbo at mainit-init na tubig. Kinuha ko ang sapatos at medyas niya.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Mommy.

"Baka napagtripan sa labas, alam mo naman dito sa lugar natin." Sagot ni Dad.

May tinawagan si Daddy, I think mga police iyon. Habang abala si Daddy sa pagreport sa nangyari kay Aaron, kami naman ni Mommy ang nag-alaga. Ang gwapo ni Aaron talaga!

"Ang pogi ni Aaron nak! Bagay kayo." Pangungulit ni Mommy.

"Mommy naman!" Sabi ko. "Baka marinig ka niya." Dagdag ko.

"Totoo nga... Ano naman ngayon kung narinig niya?" -Mommy

"Tulungan mo nalang akong punasan siya Mom." Sabi ko nalang at binaling kay Aaron ang attention.

Lumapit si Daddy sa amin at sinabihan kami na sa guest room muna si Aaron matutulog dahil dilikado na ang lumabas ngayon dahil gabi na. Binuhat ni Manong Kolas at ni Daddy si Aaron at dala-dala ko ang sapatos na converse ni Aaron, si Nani naman dala niya ang bimpo at tubig.

Pagdating sa kwarto ay tulog pa rin si Aaron, nag dalawang isip ako kung sasabihan ko ba si Sixth na nandito si Aaron sa bahay namin. Ano ba kasi ang nangyari bakit nagkaganito siya? Alam ba ng mga kasama niya 'to?

"Nak, ikaw na muna ang bahala sa tulog mong bisita. Tawagin mo lang kami if you need anything!" Sabi ni Mommy.

"Okay Mom!" Sabi ko at tinignan si Aaron.

Dahil wala pa ring malay si Aaron ay inantok ako. Nilabanan ko ang antok ko pero hindi ko talaga kaya. Nagising nalang ako nang naramdaman kong may naghimas sa ulo ko. Pag mulat ko ng mata ko ay gising na si Aaron.

"O-okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?!" Sunod-sunod kong tanong.

Huminga siya ng malalim. "Okay lang ako." Sabi niya. "Napaaway ako kanina habang papunta ako dito, andami kasi nila." Dagdag niya.

"Bakit ka naman pupunta dito? Gabi na!" Sabi ko.

"Hanggang may oras pa na makasama kita, mabugbog man ako sa daan ay pupunta talaga ako dito." Sabi niya at inalis ang paningin sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"Wala!" Nakangiting sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Bagay daw tayo sabi ng Mommy mo." Pangungulit niya.

"Tumahimik ka nga!" Awat ko sa kanya.

"Pero alam kong hindi mo naman gusto!" Seryosong sabi niya.

"Aaron." Tanging pangalan niya lang ang nasabi ko.

Tumahimik bigla ang buong kwarto. Hindi makatingin si Aaron sa akin, hindi ko alam kung bakit. Pati ako ay nagugulahan sa nararamdaman ko.

"G-gutom ka ba?!" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya. "Kukuha muna ako ng makain mo ha? Hintayin mo ako!" Sabi ko at lumabas na sa kwarto.

Nang nakalabas na ako ay nakahinga ako ng maluwag. Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng loaf bread, tomato sauce, hotdog at Cheese. Gagawa ako ng DIY pizza dahil matatagalan pa kapag gagawa pa ako ng dough. Gumawa ako ng sampung pizza, nagdala din ako ng juice, nilagay ko iyon sa tray at babalik na ako sa guest room. Pagpasok ko doon ay gising pa rin si Aaron at tulalang nakatutok sa ceiling.

"A-aron, kain ka muna." Sabi ko at tumayo naman siya at tinulungan ako sa dinala ko.

"Ang dami naman mito?" Tanong niya.

"Akala ko kasi gutom na gutom ka kaya dinamihan ko na." Sabi ko at nilagay sa round table ang pagkain.

"Sabayan mo nalang akong kumain Sam!" Sabi niya at ngumiti ako.

Habang kumakain kami ay nagtatanong ako sa totoong nangyari talaga sa kanila. Parehong sagot lang ang nakukuha ko kaya tumigil nalang ako.

"May chance bang magustuhan mo rin ako?" Tanong ni Aaron.

Kinabahan naman ako at hindi makasagot. Nilamon ko nalang ang buong DIY pizza at tinitigan siya pero seryoso pa rin siya.

"Kung walang chance ay okay lang naman." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

"A-ahhh! Ano kasi---" Hindi ko natuloy ang sinabi ko.

"Si Sammuel gusto mo?" Tanong niya kaya napatigil ako.

Tumayo ako at hinarap siya. "Matulog na ako, ilagay mo nalang ang gamit jan papakuha ko nalang ni Nani yan. G-good night!" Sabi ko at umalis na.

Damn! Bakit ako kinakabahan? Huminga ako ng malalim at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko at nagpalamon sa kama.

Gusto ko ba si Sixth?

Please Vote and Comment below👇
READ AND BE A FUN.

XOXO, BisayangAuthor!

STUCK WITH YOUजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें