22: STUCK WITH YOU

166 16 0
                                    

Kinabukasan ay hindi pa rin nawala sa isipan ko ang nawawalang journal ko. Medyo may oras pa naman akong maghanda kaya hinanap ko muna iyon. Kung saan-saan ko na hinanap ang journal ko pero hindi ko pa rin nahanap. Marami na akong gustong isulat doon, about Sixth, Allysa at Aaron---

Posible kayang kinuha ni Aaron ang journal ko? Bakit alam niyang pinakaayaw ko ay ang pagsigawan ako, nasa kanya ba? Pero bakit niya naman kunin iyon? Bakit niya naman nalaman na may journal ako?

6:30 AM

Kahit mabigat pa rin ang loob ko ay naligo nalang ako, baka malate na naman ako. Hahanapin ko nalang iyon sa darating na sabado, kung pwede ay magdamag ko itong hahanapin. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at same routine ang ginagawa ko sa aking mukha.

6:50 AM

Pagkababa ko ay kumain na ako, hindi ko na hinintay sina mommy at daddy para kumain. Nagpaalam na ako sa kanila at diretso na ako sa school. Habang nasa kotse ako, narealize ko na simula pagkabata ko kay Yana ako nakapalibot, wala akong ibang kaibigan dito sa campus maliban sa kanya. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero all this time I have no friend except Yana... And Knights, sa kanila lang umiikot ang mundo ko.

7:10 AM

Just in time!

Pagdating ko sa school, insaktong kakalinya pa lang nila. Hindi ko nakita si Yana nang papalapit na ako sa line namin, hindi naman siguro aabsent yun.

Yana:

Sam, I will not be around. I have a fever, take care.

Nakatulala akong nakatingin sa message ni Yana. Gusto ko nalang din umuwi kaso hindi pwede. Kaya nagtype nalang ako sa i-r'reply ko sa kanya.

Ako:

Okay! Get well soon.

Pagkatapos ng flag ceremony ay papunta na kami sa room. Literal na nalungkot ako dahil mag-isa ako all day, pero sana papansinin ako ni Aaron ngayon, total I feel so comfortable with since pumupunta na siya sa bahay. Natapos ang dalawang subject na lutang ako, wala akong iniisip kung hindi si Yana.

Ako:

Nasa school ka?

Nag message ako kay Aaron dahil gusto ko may kasama talaga ako. Hindi ako sanay na mag-isa sa recess at lunch no. Maya-maya ay hindi nag reply si Aaron kaya nag message ako ulit.

Ako:

Yana is not around, I'm alone. Samahan mo naman ako!

Sa pangalawang mensahe ko ay hindi pa rin siya nagr'reply, mapapasubok talaga ako nito. Instead na pupunta ako sa canteen ay pumunta nalang ako sa teen center para manghiram ng gitara. Pagdating ko doon ay busy si Mrs. Nuñez na nag-aarange ng mga gamit sa loob. I knock three times,

"Good morning Mrs. Nuñez, praise be Jesus and Mary!"

"Now and forever,"

"Amen. Ma'am, can I borrow a guitar?"

"Yes of course,"

Pagkatapos kong manghiram ay pumunta ako sa lugar kung saan doon kami parati ni Yana. Pagdating ko doon ay inayos ko muna ang gitara tsaka ako ng nagpatugtog ng we could happen

Now playing "We could happen by AJ Rafael"

I'll hold the door
Please come in
And just sit here for a while
This is my
Way of telling you I need you in my life

It's so cold
Without your touch
I've been dreaming way too much
Can we just
Turn this into reality..

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon