34: STUCK WITH YOU

143 13 0
                                    

Tumawa ng tumawa si Sixth sa harap ko, sinamaan ko lang siya ng tingin para tumigil ngunit hindi siya tumigil. Hindi nagtagal parang napansin na niya akong hindi natatawa kaya tumigil siya.

"Oh, ba't hindi ka masayang girlfriend na kita?" Tanong niya na natatawa.

"Really Sixth? Masaya ka?" Taas noo kong tanong.

"Ay, hard to get ka pala?" -Sixth

"Hindi nakakatuwa." -Ako

"Eto naman, akala mo kung sinong hard to get." Sabi niya na kina kainis ko lalo.

Umalis na ako sa harap niya at bumalik na sa loob. Grabe, hindi ko inakala na ganyan siya magsalita.

Sam, anong mapapala mo sa basabulerong taong yan? Hindi ka nag-iisip!

Pumasok na ako sa loob at lumapit ako kay Yana.

"Yana, saan si Aaron?" Tanong ko.

"Ay, hindi mo ba nakita? Sumunod sayo kanina, hinahanap ka kasi niya." Sagot nito.

"What?!" Medyo tumaas ang boses ko kaya humingi ako ng despensa.

Agad akong lumabas sa bahay at hinanap si Aaron. Bumalik ako sa pinanggalingan ko dahil nagbabakasakali akong nandun pa si Sixth pati na rin si Aaron. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko sila nagsisigawan kaya tumago ako sa kotse para marinig sila.

"Walang kang kwentang kaibigan Sam, tang*na mo!" Sigaw ni Aaron na pinipigilan lang ang pag suntok sa kaibigan nito.

"Ikaw! Baliw na baliw ka sa babaeng hindi naman ikaw ang gusto. Pre, halata namang gusto niya ako." Sigaw pabalik ni Sixth kay Aaron.

"No, it's just mistaken identity." Sabi ni Aaron.

Anong pinagsasabi niya?

"Sige, paniwalaan mo yan. Tanga ka!" Sabi ni Sixth sabay tawa.

"Sam, wag mo nang isali si Samantha sa laro mo. Tama na!" Pagmamakaawa ni Aaron.

Anong laro?

"Ako pa talaga yung naglalaro kay Sam? Talaga?" Tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Aaron pabalik.

"Pre, alam ko! Hindi ako tanga gaya mo." -Sixth

"Kung tungkol sa journal, alam kong mali yun." -Aaron

"Diba---

Hindi ko na pinatapos si Sixth at lumabas na ako sa pinagtaguan ko. All this time, hawak-hawak ni Aaron ang journal ko. Naging mabait naman ako sa kanya ah? Bakit niya pa kinuha yun? In the first place, bago mo pa buksan ang journal ay may warning na dun and he didn't respect it?

"Totoo ba?" Tanong ko kay Aaron. Nabigla silang pareho nang makita ako.

"Sam, let me explain." Pagmamakaawa ni Aaron.

"Totoo ba!" Sigaw ko sa kanya at umiyak na dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Para na akong laruan sa sitwasyon na ito.

"Yes Sam, totoo!" -Aaron

"Aaron naman eh!" Iyak ko. "Alam mo naman diba? Bakit mo hindi sinabi sakin? Importante yun sa akin."

Nag-uunahan nang nagsilabasan ang mga luha ko at hinihingal na ako. Nakita ko ang paglapit ni Aaron sa akin pero umatras ako.

"Naging mabait naman ako sayo ah? Naging mabait ang pamilya ko sayo, bakit? Konting respeto naman." -Ako

"I know Sam, I know! P-pero---

"B*llshit Aaron, B*llshit. Wag na wag kang magpapakita sa'kin." Sabi ko at tumakbo paalis sa pamamahay nila Aaron.

"Sam!" Tawag ni Aaron.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now