23: STUCK WITH YOU

162 17 0
                                    

Nabigla ako sa sabay na pagtawag nina Aaron at Sixth sa akin. Hindi nalang ako sumagot sa kanila at binaling ang sarili sa phone ko, kunwari may ginagawa ako.

"Ritz, anong gusto mong softdrinks?" Tanong ni Sixth.

"She don't drink softdrinks," sagot ni Aaron.

Mas lalo akong nabigla sa sagot ni Aaron. Bakit niya alam na hindi ako umiinom ng softdrinks? Tumahimik ang mesa dahil dun kaya nagsalita nalang ako.

"No I'm okay, okay na ang tubig." Sabi ko.

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang lunch break kaya nagpaalam na ako sa kanila. Dire-diretso lang ang lakad ko at hindi ko na sila pinansin. Nakakainis naman si Aaron, kanina text ako ng text sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. Pero kanina naman parang alam na alam niya ang pagkatao ko eh bago palang kami nagkakilala.

Pagdating ko sa classroom ay siyang pagpasok ng teacher namin. Habang nasa arm chair na ako, atat na atat na akong umuwi. Wala akong ibang iniisip kundi uuwi, gusto kong kausapin si Aaron sa mga kinikilos niya. Sigurado naman akong pupunta siya mamaya sa bahay, kung ano-anong rason ang irarason niya kina mommy para makapunta lang doon.

"H-hi!"

Napatingin ako sa boses na nagh'hi sa akin. Ngumiti siya at ngumiti naman ako pabalik. She's cute and I think mahiyaan siya.

"Hello!" Bati ko sa kanya.

"I was watching you all day, and you're alone. W-where is your bestfriend? If you don't mind," sabi niya at napakati sa ulo niya.

"She is sick, that's why I'm alone." Sabi ko.

"I'm Lyxa Margaretta, you can call me Zaza." Pakilala niya sa'kin.

Zaza!

Napukaw ang buong katawan ko nang binanggit niya ang pangalang Zaza, naalala ko ang sinabi ni Sixth about sa babaeng tinuring nilang prinsesa. Siya kaya ang tinutukoy nila?

"Hello, I'm Samantha but call me Sam." Pakilala ko naman, "Bago ka ba dito Zaza?" Tanong ko.

"Ahhm, Grade 7 dito na ako nag-aaral. Hindi lang talaga ako mahilig makikipaghalubilo, na-nahihiya ako." Sabi niya, "Sayo lang ako naglakas loob, akala ko hindi mo ako papansinin." Dagdag niya pa.

"Gusto mo sa amin ka nalang sumabay ni Yana?" Tanong ko at ngumiti naman siya.

"T-talaga? S-sige, gusto ko yan." Sabi niya pa.

"Ilang taon ka naba?" Tanong ko.

"I'm 18 na, actually sabi ni mommy grade 12 na sana ako but naaksidente ako eh," sabi niya.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Posible kayang siya si Zaza na gusto hinanapan ng mga Knights ng hustisya? Grade 12 na sana siya, tapos naaksidente pa? May amnesia ba siya?

"Oh sorry to hear that." Paumanhin ko.

"No it's okay," sabi niya.

"Can I ask?" Medyo nahihiyang tono kong sabi.

"Yes, what is it?" -Zaza

"Bakit ka naaksidente?" Tanong ko.

"My mom told me, it's car accident. May humahabol daw sa akin nun---

"Hindi mo alam?" Tanong ko ulit.

"Y-yes... I have permanent amnesia, the doctor told me. And please, ikaw lang ang nakakaalam nito." Sabi niya at hininaan ang boses niya sa panghuling salita.

"Ano?" -Ako

"This is not my real face. Sinabi sa akin ni mommy na nadamage ang mukha ko nang naaksidente ako kaya pinaretoke niya ito, that's why nung una wala talagang nakakilala sa akin." Kwento niya.

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon