3: STUCK WITH YOU

419 44 0
                                    

"Sandali" pasigaw na sabi ni Edrian.
.
.
.
.
.
.
.

Kinabahan ako sa tawag ni Edrian. Humigpit ang hawak ni Yana sa aking kamay nang unti-unti akong lumingon sa kanila.

"Ano ulit sabi mo?" si Lanze.

"Sorry sa nagawa ko kay Aaron," kuripot kong sagot.

Biglang tumawa ng malakas si Aaron at sinundan naman nina Sammuel, Lanze at Edrian. Si Lyster lang ang seryosong nakatitig sa amin ni Yana. Lumaki ang mata ko dahil sa mga tawa nila.

"Ba't kayo tumatawa?" inis na tanong ni Yana.

"Joke lang ang lahat," sabi ni Aaron habang tumatawa parin.

What? Anong joke lahat? Pa'no nangyari yun, may pasa ang kamay niya tapos joke lang yun.

Umigting ang panga ko sa narinig. Uminit ang buong katawan ko sa hiya dahil naisahan nila ako at galit na galit na ako. Humakbang ako patungo kay Aaron.

"Ano yung pinakita mong pasa sa amin?" Galit kong tanong.

"Eto? Pasa to sa last naming away Sam. Hindi kalang pala bobo, tanga din pala. Isipin mo nga pano maging madali makita ang pasa kong kahapon pa lang gi---"

Hindi na natuloy ang sinabi ni Aaron dahil sinampal ko na siya.

Unti-unti kong prinoseso ang sinabi ni Aaron. Galit na galit ang naramdaman ko sa kanya.

Sh*t! Naisahan ako sa mga hayop na 'to...

Huminga ng malalim si Yana, tinignan ko siya at galit na siya. Concern talaga siya sa akin kahit kailan.

"Alam mo ba ang sinasabi mo Aaron? Lubos na nag-alala si Sam sayo simula nung pinakita mo ang pasa sa braso mo. Tapos sasabihin mo ngayong joke lang yun? Well if it's joke, IT'S NOT FUNNY!" Sabi ni Yana sabay hila sa akin palayo.

Pag angat ko ng paningin, tumigil kami sa gate ng school. Hindi ko alam kong bakit dito ako dinala ni Yana. Hindi naman siguro kami uuwi dahil alas dos palang ngayon.

"Sam, kakain muna tayo?" Sabi ni Yana at huminga ng malalim.

Pumunta kami dito para kumain? Busog pa ako, bakit kami kakain?

"Sam, hindi ko alam kung saan ko nakuha lahat ng sinabi ko kanina at mas lalong hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para sigaw-sigawan si Aaron ng ganun ka lakas. Jusko! Kaya kakain tayo ng balut," pahayag ni Yana.

Lol! Natawa ako sa iniisip kong first time ni Yana maging ganito.

Ngayon ko lang din natandaan. Tama siya, hindi ganun magalit si Yana. Kung magagalit siya ay tatakbo lang niya ito at walang nang imik. Pero kanina, nagawa niya ang sumagot at! Higit sa lahat sinigawan niya si Aaron ng bonggang-bongga. Indeed it was first time but it was great. Magaling Yana! HAHAHAHA

SOMEONE's P.O.V

What the hell? Totoo ba tong nakikita namin? Bakit lumapit si Sam kay Aaron? At bakit may ngiti pa sa mga labi niya? Plus niyakap ni Sam si Aaron. Gusto niya ba si Sam? Or gusto ba ni Sam si Aaron?

"Sundan natin" sabi ng isa kong kaibigan.

Kaya sinundan namin sina Aaron, Sam at Diana. Naunang lumakad si Aaron at nasa likod naman sila. Tumigil ang dalawa at tinignan si Aaron na palayo. May senyas si Aaron at tumango nalang ang dalawa.

Sinundan parin namin sila. Pumunta sila sa Library at may kinuha sa bag. Laking gulat ko na pagkain ang kinuha nila. Dito ba sila kakain? May pinag-usapan sila habang kumakain at kitang kita ko sa mga mata ni Diana ang saya.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now