16: STUCK WITH YOU

178 32 0
                                    

Cidrik John Soft's P.O.V

Papunta ako sa hide out nang may narinig akong nag-aaway. Sino kaya 'tong nag-aaway? Nang naisip kong kalaban ito kaya dali-dali akong pumasok sa loob para sa resbak sana kaso pagdating ko sa loob laking gulat ko nang nadatnan si Aaron at Sammuel na nag-aaway? WTF! Bakit ba sila nag-aaway? Hindi naman pumapatol si Aaron kay Sammuel ah? Dahil alam niyang napakapikon ni Sam. Bago ko pa man sila nilapitan ay nag tipa muna ako ng mensahe para kay Kyle.

Ako:

Brad, punta ka sa hide out bilis!

Inawat ko silang dalawa, pero hindi ko kaya dahil malalakas sila. Hinawakan ko si Aaron dahil alam kong nakokontrol niya ang sarili niya.

"Aaron, seryoso na 'tong sa akin. Pagbigyan mo na ako!" Sigaw ni Sam.

"Ang kapal ng mukha mo para pagbigyan. Para ano pa't pagbigyan kita? Sasaktan mo lang siya!" Sigaw na sagot ni Aaron.

"Brad, huminahon muna kayo." Sinubukan kong ipatahan sila.

"Teka lang... Wag mo kang pumagitna Cidrik." Sabi ni Sammuel.

Sa wakas ay dumating sina Kyle at Rich kaya naawat na namin sila. Matulis ang mga tingin ni Sammuel kay Aaron.

"Ano bang nangyari at dumating pa sa bugbugan 'to? Para naman kayong mga bata!" sigaw ni Kyle sa kanila.

"Mag-aaway na naman ba kayo?" Tanong ni Rich sa kanilang dalawa.

Umupo si Aaron sa couch at tinabihan ko siya. Patuloy pa rin si Kyle sa pagtatanong pero hindi sumasagot si Sammuel. Sumigaw ng napakalakas si Sammuel at yun na ang nag bigay sa amin ng clue kung ano ang napag awayan nila.

"Ritzzzzzzzz!"

"Babae? Babae ang inawayan niyo?" Tawang tanong ni Rich. "Sus, Aaron naman! Sam! Ano ba kayo? Babae lang yan." nanggigil na saad ni Rich.

"Special siyang babae, kaya wag kang maki alam," galit parin si Sammuel.

"Special naman ang turing mo sa lahat ng babae Sam eh!" Sarkastikong sabi ni Aaron.

"Talaga?!" Sabi ni Sam at tumayo siya pero napigilan nila Kyle.

Tumawa ng peke si Rich dahil sa narinig na sinabi ni Sammuel. Kaya napatigil si Sammuel sa kakasigaw at tumingin naman si Aaron kay Rich.

"Totoo nga ang haka-haka na weakness ng grupo na ito ay babae... Kaya ayaw naming sumali sa inyo, mababaw na rason pinag-awayan." Sabi ni Rich.

Patuloy pa rin si Rich kakatawa kaya tumigil na sila. Walang isa ang nagsalita sa kanila at tanging mga titig lang ang natira.

"Pwede ba natin 'tong pag-usapan?" marahan kong saad.

"Si Sammuel ang kausapin niyo ng masinsinan para matauhan. May ibibiktima na namang babae." Sabi ni Aaron sabay alis.

"Ba't ako lang?" sigaw ni Sammuel sa papaalis na si Aaron.

"Baka kasi may magdemanda na naman sayo ulit dahil sa kabobohan mo!" Sigaw ni Aaron at pumasok sa kwarto niya.

Huminga ng malalim si Sammuel 'tsaka nagtapon ng tingin sa amin. Pinaliwanag ni Sammuel ang nangyari. Pati na rin sa pagkagusto nilang pareho kay Samantha. Hindi pa rin ako makapaniwala na babae lang ang pinagawayan nila. Parang mga bata.

"Sam, kung may respeto ka sa grupo niyo... P-please, magpaubaya ka nalang!" Sabi ko.

"Tol, hindi ko kaya," sabi niya at ginulo ang buhok niya. "Noon pa man, gusto ko na si Ritz, kaso nahihiya akong sabihin sa inyo." Dagdag niya.

Alam ko naman.

Nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya. Hindi ko alam kung paano siya i-cocomfort. Sina Rich at Kyle ay tahimik lang sa tabi. Tinignan ko si Sammuel at ngayon ay pumipikit na siya. Umiiyak ba siya?

Maya-maya ay dumating sina Edrian, Lyster at Lanze. Masaya silang pumasok pero natigil nang nakita si Sammuel. Sumenyas si Lyster sa akin kung anong nangyari pero hindi ko muna siya sinagot. Tahimik namang lumapit si Lyster kay Sammuel.

"Okay ka lang bro?!" Tanong ni Lyster.

Hindi sumagot si Sammuel. Inulit pa ni Lyster ang tanong niya pero wala pa rin siyang nakukuhang sagot.

"Alam mo, hindi natin 'to maaayos pag hindi ka nagsalita Sam," sabi ni Lanze. "Speak out, we will listen." Dagdag niya pa.

Bumuntong hininga si Sammuel, "I like Ritz!" Sabi niya.

"What?! Sabi mo---

Hindi natapos si Edrian.

"I'm afraid. Natatakot akong husgahan niyo ako dahil sa pagkagusto ko sa kanya." Seryosong sabi ni Sam. "Grade 10 pa lang tayo, gusto ko na siya. I like her secretly, I always stalk her social media and honestly, everytime top 1 siya sa genius list ay proud ako. Masaya akong makita ang pangalan niya sa top 1 list. Kahit napakaingay niya, gusto ko siya." Mahabang sabi ni Sammuel.

Totoo ang naramdaman niya dahil malungkot ang mga mata niyang nagkukwento. Hindi siya lasing pero nagkwento siya, hinding-hindi namin siya naririnig na nagkukwento sa nararamdaman niya. Pati ako ay walang masabi dahil pareho ko silang kaibigan.

"Natotorpe ako, hindi ko masabi sa inyo. Nilalaruan ko nalang ang ibang babae everytime nawawalan ako ng pag-asa na makuha siya. Nagustuhan ko pa siya lalo nang nalaman kong close sila ni Mommy dahil sa business namin." Sabi niya.

Natahimik ang buong paligid at tinitignan lang namin si Sammuel na nakatulala. Wala kaming masabi, hindi namin inakala na may side si Sammuel na ganito. Maya-maya ay lumabas si Aaron, naka-hoody at nakalagay ang kamay niya sa pocket.

"Narinig ko lahat Sam," mahinang sabi ni Aaron. Tumingin naman si Sammuel sa kanya. "I am not that selfish... Pero sana pagbigyan mo muna ako!" Seryosong sabi niya.

"Ano?!" Tanong ni Sammuel.

"Hintayin mo munang sabihin ni Samantha na hindi niya ako gusto at ikaw ang gusto niya. Pagkatapos nun ay sayong-sayo na siya, hinding-hindi ko na kayo guguluhin at... Hinding-hindi na ako magpapakita sa inyo!" Sabi niya.

"Aaron, wag naman!" Sabi ni Lyster.

"Seryoso ako... Okay ka ba don Sam?" Tanong nito.

Dahan-dahang tumango si Sammuel at hindi ako makapaniwalang papayag siya. Wtf? Anong nangyayari? Ano na ang mangyayari sa grupo nila? May i paghihiganti pa kami.

Umalis si Aaron at wala kaming nagawa. Tulala lang kami, hindi ko ma proseso ang nangyari. Hindi ako makapaniwala na nangyari ito ngayon? Really? Babae lang?

"Ano ka ba Sam?!" Napasigaw na tanong ni Lyster.

"Ginusto niya 'yon Lyster, desisyon niya." Cold na sabi ni Sammuel.

"P-pero!" -Lyster

"Madali akong kausap... Nagpa-pahero lang siya!" Sabi niya at pumasok sa kwarto niya.

"F*ckkkk!" Sigaw ni Lyster.

Hindi mapakali si Lyster at pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ko. Ako man ay nasasaktan, I treasure this friendship kaya masasaktan talaga ako pag masisira lang 'to. I hope magiging okay ang lahat.

Please Vote and Comment below👇
READ AND BE A FUN.

XOXO, BisayangAuthor!

STUCK WITH YOUNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ