9: STUCK WITH YOU

259 35 0
                                    

"Talaga? NBSB ka Sam?"
.
.
.
.
.
.

Jusko! Buhay pa pala 'tong mga 'to? At ano bang meron sa NBSB na yan? Ano ngayon kung OO?

Nakikita ko ang mga ngiti nilang may pangungulit. Syempre! Sinabihan ko sila noon na mga NGSB eh? Ako din pala! Tawang-tawa naman si Sixth sa tabi ko.

"Hoy! Sam imik-imik naman diyan." Pangungulit sa akin ni Lyster.

"Ha? Ano?" Huminga ako ng malalim.

"Ang tanong namin, NBSB ka ba?" -Lanze

"Oo, NBSB nga!" Medyo pataray 'kong sabi.

Natahimik silang lahat saglit at nagpigil sa tawa. Ano kaya ang iniisip nila, mga lalaking 'to.

"Welcome to the club," seryosong sabi Sixth.

"Ewan ko sa inyo" sabi ko sabay alis.

Naglakad na ako papuntang classroom. Okay na sana eh! Maganda na ang naging araw ko, dumating lang ang mga satanas. Kainis!

Oo, NBSB ako. Anong meron sa mga NBSB? Masaya kaya pag ganito. Yung tipong walang label, sa isip mo nilalandi mo na ang lalaki, ang saya ng ganyan. Hindi ka one hundred percent na masasaktan, slight lang.

"Hoy, Sam" ani Yana. "Ba't makakapatay yang mga tingin mo? Anong meron?" Tanong niya.

"Wala."

"Ay, ang sungit naman ni Ms. Consistent! Congrats ha?" Pasigaw niyang sabi.

Bumuntong hininga nalang ako. Hindi mawala sa isipan ko ang lintik na NBSB na yan. Ewan ko ba, ba't pinoproblema ko yang mga bagay na yan.

Maya-maya ay natigil din ang kakatanong niya at tumahimik. Hindi nagtagal pumasok na si Ms. Fourthy para sa Literature subject namin. Nagbigay lang siya ng activity at lumabas na.

Seryoso kaming lahat na sumagot sa activity. Walang ni isa ang nagsalita sa amin, nang may pumasok sa room namin at sinabing "May nakapasok na kalaban ng mga knights". Lumaki ang mata ko at tumigil sa ginawa ko.

Posibleng naglalaban na sila ngayon. Ano kayang nangyari? Niligpit ko ang gamit ko at akmang aalis,

"Sam, delikado. Sa'n ka pupunta?" Pigil ni Yana sa akin.

"Pupunta ako dun!"

"At ano ang gagawin mo dun? May ikatulong kaba? Dito ka nalang para siguradong safe ka" sabi niya sabay hawak ng kamay ko.

Tama siya kaya hindi na ako lumabas. Pero hindi mawala sa isip ko kung ano na ang nangyari sa mga Knights. Ano kayang grupo ang nakapasok, Dark Solomons or Ekis? Pa'no kung Ekis? Ang dami naman nila para sa mga Knights.

"Yana, tara na."

"Nahihibang ka na ba? May away pa dun" nakakunot noong sabi ni Yana.

"Pano kung joke lang yun?"

"At pano naman kung hindi?"

"Hindi naman siguro tayo mapano, hindi naman tayo knights. Tara na, gutom na ako," palusot ko kay Yana.

"Saan ka ba talaga pupunta?!" Naguguluhang tanong niya.

"Halika na nga!" Sabi ko sabay hila sa kaniya.

Nagpahila nalang siya sa akin dahil wala siyang magagawa. HAHAHAHA Siguro ay nagugutom na siya kaya pumayag na rin. Hindi talaga ako gutom, palusot ko lang yun para makalabas na kami sa room. Hindi kasi ako mapakali sa kakaisip sa mga knights.

Ano ba yang iniisip mo Sam? Ba't concern ka sa mga knights? Kung mamatay sila, edi mamatay. Paki alam mo ba?

Mukha na akong baliw dito. Nag-aaway ang puso at isip ko. Nag-alala lang naman kasi ako, syempre Rizalians sila kaya ganun ang naramdaman ko.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now