35: STUCK WITH YOU

137 13 0
                                    

Pumasok na kami sa campus at sinalubong kami ni Zaza. Nakangiti siya sa amin at klaro ang magagandang dimples niya.

"Good morning, ladies!" Bati niya sa amin.

"Morning," walang gana kong sabi pero nag beso pa rin ako sa kanya.

"Kanina ka pa?" Tanong ni Yana.

"Hindi naman masyado." Sagot ni Zaza. "Sam, pumunta ba kayo kina Aaron kagabi?" Tanong ni Zaza sa akin.

Naalala ko na naman sila:'(

"Oo, pumunta kami kagabi dun." Sagot ni Yana at hinila niya si Zaza palayo sa'kin.

Naghintay lang ako na bumalik sila sa akin. Habang hinihintay ko sila, hinanap ko ang knights sa paligid kaso wala akong nakita ni isa. Tinignan ko rin ang phone ko kung may text ba kaso wala. Haytsss!

Nakabalik sila at tumahimik na ang dalawa. Iniba na nila ang usapan, sinabi na siguro ni Yana ang nangyari kaya hindi na siya nag tanong about sa mga knights. Nang papunta na kami sa classroom namin ay saka may nag beep sa phone ko at agad ko itong tinignan.

Aaron:

I'm really sorry. Ibabalik ko naman talaga ang journal mo. Please, Sam, mag reply ka naman.

Ako:

K!

Matapos ko iyong i-send ay binalik ko na ang phone ko sa bag. Hindi nagtagal ay may nag beep na naman.

Aaron:

What?! Anong klaseng reply naman yan?

Ako:

Bye!

Nang nakapasok na ako sa classroom namin ay nasa table na si Ms. Fourth at naghihintay sa amin. Ngumiti siya at parang excited sa sasabihin niya. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Good morning class!" Nakangising bati niya sa amin.

"Good morning Ms. Fourth, praise be Jesus and Mary!"

"Now and forever, you may now take your sit." Sabi niya at umupo na kaming lahat.

"So, for 1 week of planning. Napapansin niyo naman na madalang kaming pumapasok sa inyo, dahil seryoso ang aming pinagplanohan." Panimula niya at tinignan kami isa-isa.

"Good news ba yang Ms. Fourth?" Tanong sa kaklase kong lalaki.

"Yes, I know matutuwa kayo." Sagot niya. "Senior high students will be having a tour trip." Anunsyo ni Ms. Fourth.

Sari-sari ang mga naging reaksyon sa mga kaklase ko, at dahil bago ang salitang iyon ay na-eexcite ang lahat. Hindi nagtagal ay tahimik rin sila at handa nang makinig sa susunod na i-aanunsyo ni Ms. Fourth.

"Tour trip. Ito ay isang uri ng isang trip kung saan maraming activities. Bonfire, amazing race, quizzes na tungkol sa activities at syempre getting to know each other." -Ms. Fourth

"Ilang days po ba?" Tanong ni Yana na excited rin sa naging anunsyo ng guro.

"4 days!" -Ms. Fourth

Wow! Four days?

Mas lalong sumaya ang mga kaklase ko at excited na sa paparating na Tour trip. Nawala sa isip ko ang lahat ng nangyari sakin dahil excited rin ako sa trip. First time kasing nangyari ito sa Rizal kaya parang lahat ng students dito ay excited.

"Next week ang Tour trip kaya mag simula na kayong maghanda. Ibibigay ko ngayon ang parent consent niyo at bukas na bukas ay ipo-post na list sa mga students kung sino-sino ang maging kasama niyo sa trip. Gagawing dalawang grupo dahil marami kayong senior high." -Ms. Fourth

STUCK WITH YOUOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz