27: STUCK WITH YOU

153 15 0
                                    

Lyxa Margaretta Simon's P.O.V

Ang dami pa nilang sinasabi kaya tumakbo na ako papasok, kilalang-kilala ko ang boses ng babaeng 'to. Pag nalaman kong tama ako ay humanda siya sa'kin. Tama nga ako!

Hindi muna ako nagpakita at nakinig lang sa mga pinagsasabi niya. Kinunan ko rin siya ng litrato para may sapat akong ebidensyang ipakita kina mommy at daddy.

"Do.you.love.me?" Madiin na tanong niya kay Sammuel.

Nanghihina na si Sammuel, wala ang mga kasama niya. May kasamang limang lalaki ang kapatid ko kaya hindi makawala si Sammuel sa kanya. Hindi sumasagot si Sammuel kaya sinuntok ang sikmura niya ng isang lalaki, napasigaw naman siya dahil sa sakit.

"Sabihin mo lang kasi na mahal mo ako at hindi ka masasaktan," sigaw ng kapatid ko sa pagmumukha ni Sammuel.

Maya-maya pa ay nakasunod na sina Sam at Yana sa'kin pati na rin si Aaron. Pinatahimik ko sila para marinig ko pa ang pinagsasabi ng kapatid ko. Bakit nandito siya?

"Hindi kita gusto, noon pa man si Zaza ang gusto ko at hindi ikaw!" Sigaw pabalik ni Sammuel sa kapatid ko.

"Patay na siya!" Frustrated na sigaw niya, "Hinding-hindi mo na siya makikita." Dagdag pa ng kapatid ko.

Hindi ko na nakayanan kaya lumabas na ako at dahan-dahan nagpakita sa kapatid ko. Huminga ako ng malalim at humarap na sa kanya.

"Ally?" -Ako

Humarap siya sa akin at parang nabigla siya sa presensya ko. Tinaasan ko siya ng kilay tsaka pinakita na kinunan ko siya ng litrato.

"A-ate?! Please no, wag mong sabihin nina mommy." Pagmamakaawa niya sa'kin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Matagal na ako dito," medyo kinakabahan niyang sabi.

"Bakit?!" Galit kong sigaw sa kanya.

Ang kapatid ko ay literal na takot sa akin, kahit may amnesia ako ay natatakot parin siya sa'kin. Dahil na rin siguro sa ate niya ako, pero alam kong may ginawa siya sa'kin na takot siya malaman nina mommy.

"F-for a vacation?" Hindi siguradong sagot niya.

"Bullsh*t Ally, A vacation? Really? Ba't hindi ka umuwi sa bahay?" Galit na galit kong tanong.

"I.don't.need.to.explain.it.to.you!" Sabi niya at sinenyasan ang mga lalaki.

Sinugod kami ng mga lalaki kaya nakikipag-away na rin kami. I know how to fight them, as far as I remember, membro ako sa taekwando kaya alam ko ang bagay na 'to. Nang tinignan ko si Sam ay marunong din siya, akalain niyo ang campus genius ay magaling pala nito? Habang si Yana ay naiiyak sa nakikita niya. Kahit malalakas ang mga kalaban namin ay nakaya namin silang lima, agad na nilapitan ni Sam si Yana at pinatahan niya.

Hinanap ko ang kapatid ko at aksyon siyang tumakbo kaya hinabol ko siya at hinagit papunta sa dingding. Napapikit ang mata niya dahil napuruhan ang paghila ko.

"Bakit mo 'to ginawa?" Tanong ko sa kanya.

"H-hindi ko alam!" Sabi niya.

"Sino pa ang mga kasama mo?" Tanong ko ulit.

"Yan ang hindi sasabihin!" Sabi niya at sinipa niya ang tiyan ko kaya napaatras ako.

Lumaki ang mga mata niya dahil siguro sa ginawa niya sa'kin. Napatakip siya sa kanyang bibig habang tinitignan ako, ako naman ay napahawak sa tiyan ko.

"A-ate, I'm sorry!" Sabi niya at umiyak siya habang papalapit sa akin. Napakamoody naman ata niya?

Kung ano man ang nangyari sa kanya kaya siya nagkaganito ay kailangan ko iyon malaman. Nang nakalapit siya sa akin ay niyakap ko siya.

"Shh! Uwi na tayo okay?" Sabi ko at tumango naman siya.

Kahit ganito siya, kapatid ko parin naman siya. Mahal ko rin siya at alam kong mahal niya rin ako.

Ritz Samantha Paraiso's P.O.V

Nilapitan namin si Sixth at pinakawalan sa lubid na nakatali sa kanya. Namumutla na siya at hindi ko siya matignan-tignan dahil naaawa ako sa kanya.

"Nasan sila Lanze?" Rinig kong tanong ni Yana.

"Hindi ko alam!" Nanghihina niyang tanong.

Dahil sa sinabi niya ay pinuntahan ko sina Zaza at Allysa na nagyayakapan. Magkapatid pala 'tong dalawa.

"Nasaan ang mga knights?" Tanong ko.

"Ate, she's hurting me!" Arteng sabi niya.

"Hindi ka niya sasaktan, she's very good friend of mine." Sabi ni Zaza at medyo napatahan si Allysa.

Parang bata naman 'to, e noon nga tinatarayan lang ako.

"Hindi ko alam kung nasaan siya," seryosong sabi ni Allysa.

Wow ha? Ang daling mag-iba ng ugali nito.

"Sino ba kasi kasama mo dito?" Inis kong tanong. Si Allysa naman ay kapit na kapit kay Zaza na parang bata. Paawa effect ka siszt?

"Ako lang... H-hindi ko alam, bigla nalang akong napunta dito." Naguguluhan niyang sabi. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos ni Allysa.

"Sam, kayo nalang muna dito. Iuuwi ko lang si Ally, napapagod na 'to panigurado." Sabi ni Zaza at umalis na silang dalawa.

Bumalik ako kung saan sina Sixth, medyo okay na siya dahil naimulat na niya ang mga mata niya. Si Aaron naman ay nasa likod niya lang at hindi kinausap si Sixth, nag-aaway siguro 'tong dalawa.

"Bakit ikaw lang ang nandito? Hindi ba kayo tinulungan ng Dark Solomons?" Sunod-sunod kong tanong.

Napatahimik si Sixth nang nag-mention ako ng Dark Solomons. Ano ba kasi ang nangyari sa kanila? Matagal-tagal na kasi akong hindi nakapunta sa hide out nila kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa kanila.

"Ano? Hindi nalang tayo magsasalita dito?" -Ako

"We have to go, baka may bomba pa dito." Sabi ni Aaron at inalalayan si Sixth para makatayo.

Tinulungan ko naman si Aaron, medyo mabigat si Sixth pero hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy lang sa aking paglalakad. Maya-maya ay may narinig kaming sigawan kaya nagtago kami agad. Hindi ako natatakot pero naninigurado lang kami sa kung sino sila.

"Sam!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Aaron!"

Hanggang sa sunod-sunod ang sigawan nila. Lumabas kami at tumambad sa amin sina Lanze, Edrian at Lyster. Agad na tumakbo si Yana kay Lanze at niyakap. Kinuha ni Lyster si Sammuel sa akin at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.

"Bilisan natin, may mga bomba raw dito." Tarantang sabi ni Edrian.

"Tama nga ang sinabi ko eh," seryosong sabi ni Aaron.

Nang nakalabas na kami ay may nakahintay na puting van, ito yung sinakyan namin noon papuntang hide out. Pupunta siguro kami ngayon ng hide out para gamutin si Sixth. Sa lahat ng mga knights ay si Sixth lang ang nagalusan. Is this a plan?

Ano ka ba Sam? Iba-iba nalang ang iniisip mo ha? Burahin mo yan!

Malapit na kami nang narinig namin ang sunod-sunod na pagsabog sa loob. Buti nalang at nakalabas kami agad, kung hindi ay naging abo na kami ngayon. Pinasok na Sixth sa van at ako ay naiwan sa labas, nagdadalawang isip na ako kung sasama ba ako o hindi.

Bakit naman hindi?

Papasok na sana ako nang may isang itim na van ang dumating at bumukad namin sila. Sh*t!

"Ano okay lang kayo?"

"Bilisan niyo na sa hide out, papunta na dito ang mga police."

Dahil sa sinabi nila ay dali-dali akong pumasok sa van, kinakabahan ako. Lagot ako nila mommy kung malalaman nila 'to.

"Bilisan niyo please?" Pagmamakaawa ko.

"Don't worry, I will explain it to your parents." Seryosong sabi ni Aaron kaya napatingin ako sa kanya.

Really?

Please Vote and Comment below👇
READ AND BE A FUN.

XOXO, BisayangAuthor!

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now