49: STUCK WITH YOU

127 14 0
                                    

Diana Alegre's P.O.V

"Sammmm!"

Lumuluhang sigaw ko nang nakita ko ang bus nila Sam na nahulog sa bangin. Hindi man ito gaanong malalim pero malakas ang impact ng pagkahulog nila dahil sa bilis ng takbo ng bus. Nanginginig na akong makita iyon kaya niyakap ako kay Lanze.

"Shh, everythings gonna be okay."

"Anong okay? Nahulog sa bangin ang bus nila at may narinig pa tayong putok ng baril kanina. Magiging okay?!" Frustrated kong sigaw kay Lanze.

Nang huminto na ang bus namin ay agad akong bumaba, nakita ko si Ms. Fourth na may tinatawagan. Kahit delikado, pinuntahan ko ang nahulog na bus. May mga estudyanteng hirap na lumabas sa bus at ang iba naman ay maliit lang ang sugat. Nagtutulungan ang mga estudyante na makalabas sa nahulog na bus pero hindi ko nakita ang anino nila Sam, kahit sina Lyster at Aaron.

"Sammm!" Sigaw ko.

"Nakita mo ba si Samantha sa loob?" Tanong ko sa lalaking maliit lang ang natamo na sugat.

"Hindi eh, nasa unahan kasi ako naka-upo. Pero kanina, tinamaan ng bala si Samantha---

"O my God!" Mas lalong nanginig ang mga kamay ko at dali-daling nag-dial sa number ni Tita Jo.

CALLING...

CALLING...

"Hello, Tita J-jo?"

"Yes? Is there anything wrong?"

"T-tita, nahulog po sa bangin ang bus na sinasakyan ni Sam. Hindi pa po nakikita si Sam." Naiiyak kong sabi.

"Holy Sh*t!" Sabi ni Tita at binaba na ang phone.

CALL ENDED...

"Si Zaza?" Tanong ni Zaza.

"Zaza?!" Nakataas ang kilay kong tanong pabalik kay Zaza.

"I mean si Samantha, nasaan?"

"Hindi ko pa rin alam."

Pinaalis kami ni Sixth dahil delikado raw. May rumesponde nang mga police kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hindi pa rin nakikita sina Aaron, Sam at Lyster. Alam kong ekis ang may pakana dito dahil kitang-kita ko ang demonyong mukha ng lalaki.

"Lyster!" Narinig kong sigaw ni Edrian.

Nakita ko si Lyster na lumalakad papunta sa amin. Nakahawak siya sa braso niya at may dugo ito. Pinapunta namin siya sa medics pero okay lang daw siya. Pinaupo nalang namin siya para ma-relax naman ang pakiramdam niya.

"Sina Aaron at Sam?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"S-si Sam may tama ng baril yun... Pero bago pa nahulog ang bus ay niyakap na ni Aaron si Samantha para protektahan. Kaso hindi ko sila nakita sa loob. Medyo masikip na rin doon." Kwento ni Lyster na nakahawak pa rin sa isang braso.

"Bakit nagkagulo kayo dun?" Tanong ni Zaza.

"Dahil kay Alex, nandun si Alex... Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit parang kilala na ni Samantha si Alex, eh yon yung unang pagkakataon na nagkita sila?" Nakakunot noong sabi ni Lyster.

"W-wala ako sa posisyon na sabihin to p-pero, magkakilala na talaga sila noon pa. Kayo ng knights---

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman.

"Hindi ko kayang sabihin 'to, maybe... Not now!" Sabi ni Zaza at tumayo na.

Naghihintay pa rin kami ng ilang sandali pero walang Samantha at Aaron na makikita sa mga police. Nakita na rin ang katawan ng driver ng bus at si Alex. May iba pa rin namang estudyanteng hindi nakikita pero masama na naman ang kutob ko.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now